Nagluluto siya ng hapunan ng may nagdoorbell. Kaya tiningnan niya sa peephole. Hindi niya ito kilala. Isang gwapong lalaki, mestisuhin at parang matangkad din.
“Sino po sila?” Tanong niya na hindi pa ito ipinagbubuksan ng pintuan.
“Ah pakisabi kay RJ si Billy to.”
Kilala niya ito. Ito yata yung kaibigan ni RJ na kauuwi lang kahapon. Ngayon siguro balak magba-bar ang dalawa. Kaya binuksan na niya.
Pagkabukas niya ng pintuan ay tumambad sa kanya ang mala Eddie Gutierrez noong kabataan nito ang hitsura ng bagong dating. Ngumiti ito sa kanya, kaya gumanti din siya ng matipid na ngiti.
“So, are you Megan?” Anito pagkapasok.
“Yes. And your are Billy?”
“Yup! Nice to meet you.” At nakipagkamay. Kaya tinanggap niya. Tapos kumalas.
“Si RJ?”
“”Nasa kwarto niya.”
“Really? Hindi kayo magkasama ng kwarto?” Anitong pilyong ngumiti.
“Hindi!” Aniyang hindi man lang makuhang ngumiti. Saka seryoso itong tinitigan. Ano bang akala nito sa kanya at kay RJ?
“Ah sabi ko nga hindi.” Saka ito napangisi na hindi mawari. “Single naman si RJ ah? Kaya walang masa-.”
“Billy!” Si RJ kalalabas lang ng kwarto nito.
Naks naman! Aniya sa sarili ng makita niya ang tindig nito. Poging pogi pa rin ito sa suot na sweatshirt at ripped jeans. Ang harot talaga ng mata niya grabeh.
“RJ?!” Si Billy na parang nagulat. “Ahmmm sabi ko nga lets go!” Anitong napangisi na tumingin kay RJ.
Kaya umalis na ang mga ito. At hindi na niya inayang maghapunan muna.
“PARE, yun ba talaga si Megan?” Ani ni Billy ng nasa loob na sila ng sasakyan. Ito ang nagmamaneho. Papunta sila sa The Hangouts.
“Oo.” Siya na nakaupo lang sa passenger seat.
“Grabeh! Akala ko sa video lang hot. Sa personal din pala mas maganda. Sigurado ka ba talagang hindi mo siya type? Bilang babae?” Anitong pilyo pang ngumiti.
Hindi siya sumagot kasi heto na naman si Billy.
Hindi nga ba niya type si Megan?
“Impossibleng ang katulad nito ay walang jowa or di kaya maraming manliligaw.” Anitong parang hindi makapaniwala. “At impossibleng ni katiting hindi mo type.”
“Alam mo Billy, kahit type ko man si Megan hindi din niya ako type. May ibang mahal yun hindi na nga lang niya boyfriend.” Aniyang parang napipika na sa kaibigan.
“So type mo talaga?” Grabeh talaga nito.
“Ang sabi ko kahit type ko pa siya hindi ko sinabing type ko talaga magkaiba yun.”
“Talaga lang ha?”
“Alam mo Billy bilisan mo nalang pagmamaneho at ng makarating na tayo.” Aniyang seryosong seryoso na.
“Aye aye sir!” Parang ginaya lang nito si Captain Jack Sparrow.
Wala lang dalawang pong minuto ay narating na nila ang The Hangouts. Nagpapark si Billy ng sasakyan pagkatapos ay bumaba na sila.
Pagkababay naglalakad na sila patungo sa bar. Pagkarating sa entrance ay binati agad sila ni Bugart. Ang bounser ng bar na iyun.
“Mga bossing long time no see?” Ani Bugart na sumaludo pa sa kanila.
“”But now see now.” Si Billy. “Kumusta Bugart?”
“Okay lang po bossing.”
“Kumusta dito?” Ani niya.
“Okay na okay po bossing. Palaging maraming tao.”
Nagpatango tango siya habang nakangiti. Saka nagpatiayun silang pumasok.
Bumungad agad sa kanila ang malakas at nakakabinging togtogin sa loob. Pati ang mga iba’t ibang ilaw sa bulwagan na iyon. At ang mga taong naghihiyawan at nagsasayawan habang nag-e-enjoy na umiinom.
Agad silang nagpunta ni Billy sa may bar. Doon lang muna nila hihintayin si Alex. Saka na sila pupunta sa VIP. Nag-order sila ng Whiskey. Kahit sa kanila ang bar, gumagastos at magbabayad pa rin sila sa kanilang iniinom.
Oo lima silang may-ari ng bar na ito. Na nagkakilala dito sa Maynila at nagdesisyon na pumunta ng America. Sa tulong ng pera at talino ng mga kaibigan niya nagpatayo sila ng computer shop doon. Siya, si Billy, si Alexander, si Ken, at si Jude ang mga may-ari nito. At marami pa silang resto sa iba’t ibang panig ng Luzon, Visaya at Mindanao. Siya rin ang may pinakamalaking shares dito sa bar na ito.
Malapit sa pangangalahati ang kanilang iniinom na whiskey ay wala pa rin si Alex, pero nagtext naman ito na on the way na. Busy kasi ito sa sariling kompanya nito.
Palinga linga siya sa paligid. Kaya namataan niya ang isang magandang babaeng nakaupong mag-isa sa lamesa malapit sa bulwagan. Nakatingin din ito sa kanya. Nang mapatingin siya ay napangiti naman ito at ito pa talaga ang naunang sumenyas ng cheers sabay taas ng hawak nitong kopita. Kaya gumanti din siya, sabay taas sa hawak na baso.
Maya mayay napapatingin na naman siya rito maging ito din ay totok na totok sa kanya. Ito talaga ang mga unang sensyales na maharot na babae. Aakitin ka sa tingin. Saka ito tumalima papuntang comfort room.
“Excuse me?” Aniya kay Billy. Kaya napailing iling nalang ito. Alam na alam na kasi nito. Napapatawa nalang siya.
Dahil sumunod siya sa babae sa may rest room.
“Hi.” Anito ng makita siyang napasunod. At ubod tamis na ngumiti. Hindi na bago sa kanya.
“Hello.” Aniya ring napangiti. Alam niya inaakit siya ng babae. Ganito rin kaya si Megan pag may na-e-encounter na mga ibang lalaki? Mukhang hindi naman dahil ilag nga ito ng makilala niya.
Nang bigla nitong sinaklit ang mga braso sa batok niya at titig na titig sa kanya habang kay tamis ng ngiti.
Kaya siya namay nagpatiayun sa kalandian nito. Free naman siyang maglandi, wala naman siyang asawa kahit girlfriend kaya okay lang.
Pero ng maalala si Megan na iwan niya kung bakit? Ay tinanggal niya ang mga braso nitong nakakapit sa kanyang batok.
Pero ngiting ngiti pa rin ito.
“Clarissa nga pala.” Pakilala nito.
“RJ.” Pakilala niya rin sa sarili.
Mukhang lasing na ito. Kaya hinintay niya nalang lumabas ito para umihi, ayaw niya ng sumama sa loob ng rest room. Nagpakagentle man siya ngayon.
Pagkabalik niya sa bar counter ay sumama na si Clarissa sa kanya at ipinakilala niya kay Billy at kay Alex na bagong dating. Hanggang sa VIP na sila tumuloy.