Chapter 13: No feelings

1055 Words
Kay bilis dumaan ng mga araw at pauwi na si Mikey ng Pinas ngayong araw na ito. Susunduin niya ito mamayang gabi sa airport. At balak niyang doon lang din matutulog sa bahay ng tita nito. “RJ, aalis ako mamaya. Susunduin ko lang yung kaibigan ko sa airport.” Sa ilang araw na wala silang kibuan at ilag sa isa’t isa ay ngayon niya ulit kinausap ang binata. “Okay.” Matipid nitong sagot habang nanonood pa rin ng tv. Wow! Ang tipid! Okay. Aniya sa sarili at papasok na siya ng kwarto. “Hey!” Tawag nito. Kaya napatigil siya at humarap ulit dito. “Yes?” “Care to drive?” Anitong nakatingin na sa kanya. “Hmmm? Baka kasi busy ka eh?” Aniyang nakangiti dito. “Nope! Wala din naman kasi akong gagawin.” “At tsaka kasi eh.” Paano ba ito? “Doon kami balak umuwi sa tita niya sa Pasay.” “No problem Megan. I still can drive with you.” Kaya napatango tango nalang siya at napapangiti. “That mean it’s a yes?” Tanong nito. “Yes.” Sagot niya. Paano ba ako makakatanggi sayo? At paano ako iiwas? “Thanks.” “My pleasure.” Pagsapit ng dapit hapon ay nagbyahe na sila papuntang airport. Pagkarating nila sa airport ay gabi na. Ilang na ilang pa siya rito habang nasa byahe. Sino ba hindi maiilang ang hot ng kasama mo?! Ang lamig naman ng aircon sa loob ng sasakyan nito pero yung kasama mo parang posporo. Nagpapaalab. Gwapong gwapo ito sa suot nitong polo at ripped jeans. Gwapo na nga ang hitsura, dagdag pa ang bango nito. Mas gwapo pa yata to kay Ejay Falcon ah. Kaya panalangin niya na sana mabilis ng makarating sila ng airport. At heto siya ngayon nasa loob ng NAIA Terminal 1. Nag-aabang sa kaibigan niya sa may labasan. Hanggang sa makita niya ito. Palapit na sa kanya na nakangisi. Habang bitbit nito ang cart na may mga bagahe. Ang sabi nito susunduin ito ng tita niya kaya tinawagan nalang niya ang tita nito na siya nalang ang susundo at diritso na sila sa Pasay. May number na naman siya sa tita nito. Agad silang nagyakapan ng magpang-abot. “Hi dai, kumusta?” Anito. “Okay pa rin. Ikaw diyan?” Aniyang ngiting ngiti. “Okay lang din.” Saka kumalas sila sa isa’t isa. “Iba talaga ang amoy ng Pinas ano?” “Kaya nga.” Aniyang iginiya na itong lumabas. Lets go hinihintay na tayo ni RJ. “Ha?” Anitong namilog ang mga mata. At parang nanonokso. “Hala ka dai ha? Kinareer mo na talaga si papa R.” Sabay tawa. “Ikaw talaga. Kaibigan lang kami.” “Naku! Magsisimula yan sa kaibigan hanggang sa nagkaíbigan.” Anitong tawang tawa habang tulak tulak ang cart palabas. Pagkalabas andoon ang sasakyan ni RJ na nakita nila agad. Nang bumaba ito mula sa sasakyan para tulungan silang isampa ang mga gamit ni Mikey sa compartment. Parang slow motion sa kanya ng bumaba ito at ipinaglalagay ang mga gamit ng kaibigan sa compartment. Kaya siniko siya ng kaibigan dahil hindi niya namalayang tapos na pala ito. At sinabi na ng hop in! Lutang teh?! Adik lang talaga sa kay RJ? Kita niyang napapangisi lang si Mikey habang nakasampa sa may likurang upuan. Syempre siya, sa passenger seat sa tabi ni RJ. Alangan naman tabihan niya si Mikey? Gawin pa nilang drayber to. Ang hot naman ng drayber nila. Kainam! “You guys? Care to eat something?” Ani ng gwapong drayber nila. “Ah hindi na.” Aniya. “”Sige.” Si Mikey. Kaya pinandilatan niya ito ng mata sa rareview mirror. “Gutom kasi ako eh.” Ani ni Mikey na may with action pa na hawak nito ang tiyan. “Okay. Lets go eat. Saan niyo gusto?” Ang drayber naming hot. “Kahit saan nalang.” Aniyang nahihiya talaga sa binata. “Walang kahit saan na restaurant Megan.” Anito. “Sa jollibee nalang.” Aniyang nakabusangot. Kaya nagtuloy tuloy sila sa jollibee. Habang kumakain sila doon inimbitahan din sila nitong magbar daw bukas kasama ang kaibigan nitong si Billy. Na agad namang sinang-ayunan ni Mikey. Dahil ito naman talaga ang gusto nito ang palaging maghahang out at maglalasing. Maging doon nga sa Dubai sila. Pagnagkataon na walang pasok bukas kahit gaano pa kapagod aayain talaga siya nitong mag-iinom. Kaya sinasamahan nalang niya minsan. Silang dalawa lang naman. Pagkatapos nilang kumain ay hinatid na sila nito sa Pasay. Sa tita ni Mikey. At ang drayber naman nila ay umalis na agad. Hindi man lang pumasok kahit inimbita ni Mikey at ang tita nito. Pagkapasok nila sa loob ng bahay ay napakaganda at napakalaki naman pala ng bahay ng tita nito. Kaya bumati muna siya sa tita nito. Na mainit naman siyang tinanggap. Hanggang sa tumuloy sila sa kanilang kwarto. Magkasama nalang sila total isang gabi lang naman siya dito sa kina Mikey. At uuwi na rin siya bukas sa bahay nila ni RJ. Anong bahay nila? Bahay lang ni RJ kamo! Ambisyosa din. “Oyyy?” Tukso agad ni Mikey sa kanya pagkapasok sa kwarto nito. At binubuksan na ang mga dala dalang gamit. “May pahatid hatid pa talaga ha. At may pakain pa teh?” “Naku! Ano naman ngayon?” “Naku Megan! Alam na this.” Anitong nakangisi pa. “Anong alam na this?” Aniyang tinutulungang buksan ang mga gamit ni Mikey para ayusin. “Kung hindi kayo ni RJ siguro may feelings na?” “Wala ah. Magkaibigan nga lang kami.” “Naku dai, wag mong sabihing hindi ka affected sa hitsura na yun ni RJ?” “Hindi!” “Hindi nga? Sure ka?” “Sure!” Aniya. “Oy dai tingnan mo nga ilong mo oh?” Sabay turo nito sa ilong niya. “Humahaba.” Kaya tawang tawa ito. “Heh! Tigil tigilan mo ako Mikey.” Aniya ritong napapatawa na rin. Wala nga ba siyang ni katiting na gusto kay RJ? Pero bakit sobrang apektado siya sa presensya nito? Hanggang ginusto niyang iwasan ito ng mga ilang araw. At grabeh ang epekto nito dahil kahit kailan hindi naman siya nakakaramdam ng ganito katindinh pagnanasa kay Patrick dati. Pagnanasa talaga?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD