Chapter 15: Jealousy

1159 Words
Nasa loob na sila ng VIP sa The Hangouts. Doon pala ang tambayan nila RJ,pagnasa bar ang mga ito. Merong videokehan sa loob, maluwag at pwedeng iadjust ang dim light. Silang lima palang ang nauna ngayon. Malapit na daw si Billy at maging si Alex. Tumabi talaga ang halos kita na ang kaluluwang suot ni Clarissa kay RJ. Naka tube dress ito na maiksi kaya paggumagalaw ito ay kita na ang kuyukot. Masyado pa namang maggalaw ito. At ang kasama nito naku?! Masyadong pabebe mukha namang pato ang hitsura. Pati ang pagvivideoke ay sinarili lang ng mga itong kumanta. At silang dalawa ni Mikey ay nakatunganga lang habang nag-iinom ng alak na in-order ni RJ na shoulder monkey. Tumabi kasi ang bangkay este babaeng si Irene kay Clarissa. At si Clarissa naman ay halos ingudngod na ang mga bundok nito kay RJ. Samantalang ang huli ay gustong gusto rin naman. Ano kaya kung tanggalin niyang blazer niya taob tong mga to. Silang dalawa ni Mikey ay nasa may malapit na malaking screen sa tv. Mukhang nakakahiya kasi kina Clarissa at Irene tumabi eh. Kaya ang inumin nalang nila ang pinagdiskitsahan. Parang kay bilis naman uminit ng inumin na monkey shoulder. Manamis tamis nga pero napakainit sa katawan. Kaya tinanggal niya ang blazer na suot. Kararating lang din ni Billy kasunod naman si Alex. Tumabi si Billy kay Mikey. Si Alex naman sa kanya. “Hi girls!” Ani ni Billy sa kanila at si Alex din. “Hi Billy, hi Alex!” si Clarissa na ngumiti pa ng todo todo. At ipinagmamalaki pa yung hinaharap. Kung ikompara sa kanya waley ito. Pero waley siya kay RJ dahil ang mga ito ang magkatabi. “Hanep bro?” Ani Billy kay RJ. “Akala ko ba resto bar ito? Ginawa mong club ah?” Anito habang tawang tawa. “Hi Megan?” Ani ni Billy sa kanya. “Sino kasama mo? Boyfriend mo?” Kaya kita niyang biglang simangot naman ni Mikey sa tabi niya. “Ah kaibigan ko nga pala si Mikey.” Pakilala niya sa dalawang bagong dating. “Babae siya hindi siya lalaki.” “Ah akala ko kasi babae din ang hanap.” Dugtong na naman ni Billy na tawang tawa pa. Maging siya ay napatawa na rin. Kung minsan talaga mapagbiro itong si Billy. Kaya naman lalong naasar si Miley, lalo pat nagsitawanan din ang mga dalawang hitad. Nag-iinuman pa rin sila at ang dalawang lang ang pabida, hindi talaga namigay ng microphone o kahit ayain man lang sila. “You guys, why dont you sing?” Ani ni Alex sa kanila ng katatapos lang kumanta ni Clarissa. Medyo maganda naman ang boses nito. “Naku! Hindi na.” Ani ni Mikey na nakangiti kay Alex. Pero parang asar lang sa katabi nito. “Nakakahiya naman kasi sa kanila.” Na ang tinutukoy nito ay ang dalawang hitad. “No, guys. Here.” Si Billy na ang kumuha ng microphone mula sa kay Clarissa. “I want Megan to sing.” “Oo si Megan. Pakantahin niyo. Buti nalang sila ang naunang kumanta, baka kasi mawalan na sila ng gana pag si Megan ang kumanta.” Iba din ang bunganga ni Mikey talaga pagnang-aasar. Kaya kita naman niya ang pag-ismid ng dalawang hitad. Samantalang si RJ napapangiti lang. Bakit parang pakiramdam niya tinitingnan siya nito? Hindi kasi kita ang hitsura nito kasi nasa dulo at tsaka dim ang light. “Wait! Bago yan cheers muna.” Ani ni Billy sabay taas ng baso. Kaya isa isang nag si-tayuan ang lahat at ipinagkimpis ang mga kanya kanyang baso. Pagkatapos ay lumagok at bumalik na sa pagkakaupo. Si Mikey naman ay agad naghanap ng mga kakantahin niya. Kabisadong kabisado na nito ang mga kinakanta niya. “Ito muna kantahin mo Dai.” Ani ni Mikey na nagpipindot ng mga numero sa remote. Nang makita niya sa screen ang kakantahin. Akin ka nalang by Morissette. Ay napapalunok siya. Ang taas nito pero kaya naman niya. “Bagay sa iyo ang kantang to. Taob ang mga ibang singers!” Dugtong pa ni Mikey. Saka naman ito naupo ulit ng maayos at kita niyang umirap sa katabi. Parang ang bigat ng loob ng mga ito sa isa’t isa ah?! Kaya ininda nalang niya at nagsimula ng kumanta. At alam niyang titig na titig sa kanya ang lahat na naroon. Bakit hindi mo maramdaman Ikaw sa akin ay mahalaga Ako sayo ay kaibigan lamang Pano nga ba't 'di ko matanggap At ako pa ba'y iibigin pa Ang dinadasal, makikiusap na lang Akin ka na lang Akin ka na lang Ang dinadasal sa araw-araw Akin ka na lang Akin ka na lang At maghihintay hanggang akin ka na Giliw At sa panaginip lamang Nahahagka’t nayayakap ka At ako pa ba’y iibigin pa Ang dinadasal makikiusap na lang Akin ka na lang Akin ka na lang Ang dinadasal sa araw-araw Akin ka na lang Akin ka na lang At maghihintay hanggang akin ka na Giliw At ako pa ba’y iibigin pa Ang dinadasal makikiusap na lang Akin ka na lang Giliw Akin ka na lang Ang dinadasal sa araw-araw At maghihintay hanggang akin ka na Giliw Lalo pag bumibirit na siya. Haggang sa matapos ang kanta. Nagpalakpakan pa sina Mikey at Billy. Maging si Alex ay napa wow ng matapos na siya. Pero si RJ tuwang tuwa lang na kinakausap si Clarissa maging si Irene din ay gustong kausapin si Billy dahil napapagitnaan ang huli nina Irene at Mikey. Buti nalang naikanta niya ng maayos at nakuha niya ang mga tono. Kaya naman kinanta niya na naman ang susunod na kanta. Hindi tayo pwede by Katrina Velarde at ang Lasong mong Halik din nito. Nagpaalam naman si Alex na lilipat ito sa tabi ni RJ kaya tumango lang siya. Dinig niya ang mahinang sabi ni Mikey sa kanya ng makaalis si Alex. “Ang gwapo naman non. Kamukha ni Dao Ming Si.” Anitong parang kinikilig pa. Kaya napatawa lang siya. Hindi rin nakaligtas sa kanya ng asarin ni Billy ulit ito. “Mikey, sigurado ka bang hindi mo type ang isa sa dalawa nitong kasama ni RJ?” Anitong biglang pinaningkitan naman ng mata ni Mikey na tumingin dito. “Sigurado ka ba talagang Billy ang pangalan mo?” Tanong balik ni Mikey rito. “Oo naman.” Anitong parang hindi komportable ang katabing si Irene. “Akala ko kasi Bella.” Ani ni Mikey na napakunot ang noo at biglang tinungga ang alak sa baso. “Masyado ka kasing madaldal. Para kang babae!” Si Billy namay napasimangot at naasar sa tinuran ni Mikey, kaya umalis ito at lumipat sa tabi ni Alex. Kaya hindi mapigilan ang tawanan sa loob ng VIP room na iyun. Maging ang katabi ni RJ, parang lalong ikiniskis pa yata nito ang mga dibdib pag napapa-usog si RJ dito. Bakit parang ang sarap yatang isubsob nito sa harapang lamesa? Mukhang nagseselos yata siya? No way!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD