Chapter 16: Attractive with you

1043 Words
Kanina pa parang gustong gusto na niyang itulak ni RJ ang katabi niyang parang ahas kung makalinkis. Pero pinigil niya ang sarili dahil ayaw niyang mapapahiya ito. Kaya patawa tawa nalang siya dahil kina Billy at Mikey. Ramdam niya ang pagngodngod ng mga dibdib nito sa kanyang braso. Bakit parang wala man lang yatang dating ang katawan nito. Mas namesmerize pa siya ng biglang tanggalin ni Megan ang blazer nito kanina. Napapalunok siya at parang may kakaibang nararamdaman ng makita niya ang magandang hubog ng katawan nito. Sa suot nitong halter vest crop top na lalong nagpa-imphasize sa dalawang malalaking bundok nito at ang skinny blue jeans nito na lalong hinubog ang maliit na beywang at mauumbok na puwitan. Ngunit satsat ng satsat yung katabi niya kaya naman respeto nalang na kausapin ito kahit ang sarap ng sapakin. Ngayon siya nagsisisi kung bakit niya inimbitahan si Clarissa, at nagdala pa talaga ng chaperon na mukhang ewan. Hindi naman siya mapagpintas pero ang mukha talaga nito parang iningodngod sa abuhan. Wala naman siyang pakialam kaso mukhang ito pa yata ang hindi feel sina Megan at Mikey, side bet nga lang hindi pa marunong makisama. Kaya lang naman niya isinama si Clarissa para pagtakpan na ang kakaibang nararamdaman kay Megan. Parang ang laki na kasi ng epekto nito sa kanya. Lalo na ngayong kumakanta ito. Parang nagslow motion ang bawat bigkas ng mga lyrics mula sa bibig nito. At hindi niya mapigilan na titigan ito. Kahit na kwento ng kwento naman si Clarissa sa tabi niya pero wala doon ang focus niya. “Minsan hindi naman masama, kung magpapakatotoo tayo minsan sa nararamdaman natin.” Ani ng isang taong bigla nalang nagsalita sa kabilang tabi niya. Si Billy, ngising ngisi at nanunukso ang mga ngiti. Maging si Alex din na unang tumabi sa kanya ay nakangiti rin, ito pa naman ang pinakaseryoso sa kanila. Tiningnan lang niya ang mga ito at inignora. Kaya binalingan na niya si Clarissa. Mukhang aasarin pa kasi siya lalo ni Billy kung tititig pa siya sa kumakanta. “So RJ, sigurado ka ba talagang hindi kayo ni Megan?” Biglang napataas ang kilay niya sa tanong nito. “Why you asking me this kind of question?” Balik tanong niya rito. “Kung kami?bakit pa kita isinama? “Hmmm kanina ka pa kasi titig ng titig sa kanya.” Napansin din pala nito. Pero ipinagpatuloy pa rin nito ang ginagawang paghimay sa kanyang leeg hanggang sa braso sa pamamagitan ng mga malalanding daliri nito. “Don’t you see me I’m attractive?” Kapalang mukhang tanong nito talaga sa kanya, tahasan. Ang landi pa ng boses niyo na may paupo upo pa talaga itong masyadong maarte ang pagkakaupo. Kaya bigla niyang inunat ang pagkakaupo na napaayos naman ng upo dito, at kinuha niya ang kanyang baso sa lamesa maging ang baso din ng katabi bilang gentleman. Ibinigay niya rito at nakipag cheers. Sabay naman silang lumagok ng alak sa kani kanilang mga baso. Pagkatapos bigkasin ang cheers. Ang landi pa talaga ng “cheers” na binigkas nito na ipinangiwi naman ng mukha ni Megan. Tama ba ang nakikita niya? Parang titig na titig kasi ito at mukhang hindi masaya. Mukhang nagseselos? Pero ayaw niyang mag-assume. Dahil wala naman itong pakialam sa kanya. Kaibigan lang ang turing nito. “So bro,” ani ni Alex. “Why we don’t plan to make a band here in bar?” Anitong titig na titig sa basong inininuman nito ng alak. “Tama. We need a band here.” Sang ayon naman ni Billy. “Since may target na naman tayong vocalist.” “At hindi mo na kailangan magperform RJ. Kailangan natin ng female vocalist at hindi na male.” Ani ni Alex. Dati kasi nagpaplano silang maghanap ng female vocalist, dahil hindi sa maipagmamayabang magaling din siyang kumanta. Pero female ang kailangan nila. Hanggang sa nawaglit na sa mga isipan nila dahil sa napakabusy nila masyado. “Hindi mo na pwedeng idahilan na wala kang time sa mga ganito. Alam naman namin na mayaman ka na kaya hindi mo na kailangan magperform.” Patuloy ni Alex. “Since your girl friend Megan here. Siya nalang ang gawin nating female vocalist.” “Hindi ko siya girlfriend.” Pagtatanggol niya sa sarili. “I said girl friend kaibigang babae. Hindi kaíbigan.” Napangisi naman si Billy sa sagot ni Alex. Kaya napatango tango nalang siya. Mukhang bagay nga talagang maging vocalist si Megan. Magaling itong kumanta talaga. Nakuha nito ang kanta ni Morissette maging ang boses ni Katrina Velarde ay kuhang kuha din. Pati ang porma nito ay pang reggie talaga. At kahit bumibirit ito ay ang ganda ganda pa rin. Pero bakit pakiramdam niya yung kakaibang selos na pumapaloob pagmagpeperform na ito hindi pa man? Siguradong maraming magkakagusto sa ganda at tindig nito. Pero sa dahil gusto niyang pagtakpan kaya nakipag cheers siya sa mga kaibigan. Hudyat na sumasang-ayon siya sa mga ito. Napabaling siya sa katabing si Clarissa. Napangiti siya rito. Maging ito ay napangiti rin. Maganda sana ito pero masyadong makapal ang make up lalo na ang nguso nitong parang pinagawa pa kay Vicky Bello. Noong unang kasama niya itong uminom noong kauuwi lang ni Billy ay lasing na lasing ito. Ito pa nga ang humamon sa kanya na they make s*x daw pero tinanggihan niya. Dahil una sa lahat, lasing na lasing na ito, pangalawa mukhang hindi naman siya interesado dahil kay Megan na ewan kung bakit, pangatlo turn off sa kanya ang babaeng masyadong malandi maging sa kaibigan niya lumalandi din, gusto niya siya lang. Kaya hinatid niya lang ito ng uwi. Biglang binigay naman ni Billy ang microphone sa kanya. Nagrerequest ito na siya naman ang pakakantahin sa susunod na performer. Mukuhang mapapalaban siya at matagal na siyang walang insayo. Ngunit sina Billy at Alex ay sobrang kulit talaga. Ang mga ito pa talaga ang pumili ng mga kakantahin niya. Ang katabi naman niyang si Clarissa ay sobrang kinilig ng kumanta siya ng All Of Me by John Legend. Sa umpisa mukhang kinakabahan siya pero ng mukhang maganda naman pakinggan ang boses niya mukhang bumibirit na siya. Kaya tinapos nalang niya ang kanta maging ang mga sumunod pa na mga kanta na pinindot nina Billy at Alex.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD