First day nilang magsama sa iisang bahay ni RJ ngayon. Maagang nagising si Megan kinabukasan. Kaya kusina agad ang kanyang unang pinuntahan. Naghaloghog siya kung ano ang pwedeng lutuing pang almusal. Buti nalang may mga konting mga bagay doon na pwedeng lutuin. Nakita niyang may bigas. Merong mantika. May mga de lata. Pero walang laman ang ref.
Mamaya magogrocery siya. Ito lang muna ang mga nakita niya ang kanyang lulutuin. Kompleto din naman ang mga kagamitan sa kusina.
Nae-report na niya ang nangyari sa pagpapatira ni RJ sa kanya sa condo nito kay Mikey. Kaya puro tukso inabot niya. Na baka si RJ na raw ang itinadhana sa kanya o di kaya may gusto ito sa kanya dahil sino bang matinong lalaki ang magpapatira sa isang katulad niya? Ang ganda daw niya baka maakit niya si RJ. At kung ano ano pang mga pinagsasabi ni Mikey na mga walang kwenta.
Dahil una sa lahat, may anak na ito at syempre may nanay. Baka bumalik syempre first love yun ni RJ eh, pagnagkita ang mga ito ulit magkakabalikan oh ano siya pagkatapos? Nganga na naman dahil nasaktan? Kaya hanggang maaga pa put boundary in between na agad sa kanilang dalawa. Total, tatlong buwan lang naman siya titira dito. Ito na nga nagmagandang loob magte-take advantage pa siya rito? Naku, Megan umayos ka?!
Napagsasaing na siya ng bigas ng bumaba siya sa unit nito mula 17th floor. Alam na naman niya ang passcode ng bahay nitong digital ang code naituro na ni RJ sa kanya kagabi. Bibili lang muna siya ng mga ingredients at magsisinangag na muna siya.
Buti nalang at may supermarket sa baba. Kaya nakabili din siya ng tuceno. Namiss niya ang mga ganitong pagkain. Nakabili din siya ng isda para sa tanghalian at isang kilo ng karne.
Pagkabalik niya sa taas at nasa may pintuan pa siya ng mapansin niya ang isang napakacute na batang lalaki. Nasa edad isang taon ito karga karga ng ina siguro nito. Ngumiti ito ng bumaling sa kanya. At nagpakilala na Lea. At ang bata ay si Vince. Naka-smile ito at ang sarap pogpogin ng halik ang pogi kasi kahit wala pang mga ngipin. Kaya inaliw niya rin ito sa pamamagitan ng matatamis na ngiti. Saka pumasok na ng unit ni RJ.
Nakangiti pa siya ng pumasok. Ang sarap sarap sigurong may anak? Gustong gusto na niyang magkaanak. Sa edad niya na 33 ni paggawa ng bata hindi pa niya alam.
Ano kaya kung magpabuntis ako kay RJ? Anang pasaway niyang isip. Nakakaloka ka Megan. As if naman mata-type-an ka ni RJ. Mahilig yun sa may clasa ikaw low class. Saway niya.
Kasa kung ano anong kahalayan ang iniisip niya sa isipan ay pumunta nalang siya ng kusina at nagsimula ng magluto.
Sinangag na maraming bawang, tuceno at dalawang sani-side up na itlog para sa kanya at kay RJ ang kanyang ginawa. Hanggang sa matapos siya. Saka na siya magtitimpla ng kape paggising ng housemate niya, nasa coffee maker pa naman hindi pa niya nilalagay sa tasa.
Alas 8 palang ay tapos na siya. Ngali-ngali na siyang gisingin ito. Pero parang pagod na pagod yata ito. Kaya nagfe-f*******: nalang muna siya. At pinapanood na naman ang kanyang paboritongg mga vlogs sa watched video. Lalo na ang mga video’s ni Vice Ganda. Actually hindi naman siya masiyadong fans nito pero gusto niya lang itong humuhugot. Lalo na pagnanggigigil. Minsan nga nakaka-offend pa ito pero prangka, atleast napapatawa ka naman. Dahil ito ang pinakamay sense of humor. Ang bilis bilis nitong magpalusot.
Kaya tawang tawa siya habang nanonood ng mga videos hindi niya napansin nakalabas na pala si RJ. Palapit na ito sa kanya. May pa over reacting pa siyang body language na pag ang taong tumingin sa kanya ay masasabi talagang loka loka siya.
Nabigla pa siya ng makalapit na ito at mag-good morning. Biglang napalipad naman ang cp niya dahil sa gulat at sinalo salo pa niya. Para siyang timang! Pero nalaglag pa rin kaya pinulot niya ito, at chi-neck buti nga okay pa rin, ang tibay talaga pag iphone.
Napangiti ito ng tumingin siya rito.
Pakshit! Ang gwapo naman nito ngayong umaga kaya may good nga ang morning. Kaya bigla din siyang ngumiti.
“Good morning din.” Todo ngiti pa talaga.
Nakapaligo na pala ito. At naka tshirt lang na puti at shorts. Ang yummy pa rin nito kahit nakapangbahay lang.
Tulo laway teh?
“Ahhh oo nga pala. Kanina pa sana kita gigisingin para mag aalmusal.” Saka siya tumalima. At ito namay naupo sa counter chair paharap sa kanya.
“I don’t take breakfast. Normally, nagkakape lang ako.”
“Pero nagluto ako. Dapat kumakain ka sa umaga, at hindi yung diritso kang nagkakape mabubutas bituka mo niyan. At tsaka the important meal in a day is breakfast.” Aniyang seryosong nakatitig dito.
“What did you cook?” Tanong nito.
“Tusilog. Teka initin ko lang.” Saka ininit muna niya ang sinangag pero yung itlog nasa lamesa na at ang tuceno. Hindi na niya hinintay magsalita ito basta pakakainin niya ito ngayon.
Sayang naman ang pagkayummy at gwapo nito kung butas naman ang bituka. Napangiti siya sa sarili. Hindi naman kita nito kasi nakatalikod siya sa counter table.
Pagkainit ay inihain na niya. Maya mayay sabay na silang kumakain.
“Ah syanga pala.” Anito habang ngumunguya. “Bukas darating ang kaibigan ko.”
Kaya napabitin sa ere ang kutsarang isusubo niya sana. Ibig sabihin baka dito yun matutulog?
“Dito ba siya tutuloy?” Aniyang parang nahihiya pa ngunit sinubo pa rin ang kutsarang may pagkain.
“Si Billy? Nope! Mas mayaman sa akin yun. May condo at bahay din yun sa Makate. At ang pamilya non mayaman.”
Kaya nakahinga siya ng maluwag, akala niya sa sala siya matutulog.
Napatango tango nalang siya at ipinagpatuloy ang pagkain.
Naalala niya si Mikey next week na ito uuwi din.
“Ako nga din yung kaibigan ko next week din uuwi.” Aniya maya maya rito.
“She can stay there in your room.” Anitong ngumunguya.
“May tita yun dito, at maraming kamag-anak.”
Nakakahiya naman! Baka isipin nito dagdag na naman sa housemate nito.
Napatango tango na rin ito.