Nakapagtanghalian na din sila at nagluto siya ng fish sweet and sour kanina. Naparami yata ang kain ni RJ. Kaya tuwang tuwa siya.
Nasa loob siya ng kwarto at naggigitara nang may kumakatok. Kaya dali dali niyang pinagbuksan, alam niyang si RJ ito. Sino pa nga ba? Sila lang namang dalawa dito.
“Ahmmm.” Anitong seryosong nakatitig sa kanya. “Would you mind if I use my equipment? Magsi-sit up muna ako.”
“Ha?” Kakakain lang nito. “Hindi ba pwedeng ipagpalipas mo lang muna ng mga dalawa o tatlong oras? Baka appendix abutin mo niyan? Kakakain lang natin ah?”
“It’s already one hour pass by.”
Hindi ba masyado na siyang umi-epal sa buhay ni RJ? At pati ang health conscious nito ay pinapakialaman niya? Pinatira na nga siya nito sa bahay nito, ngayon nangingialam na siya kung ano ang dapat gawin nito oh hindi?
Concern lang. Ano ba?!
Kita niyang seryosong seryoso ang mukha nito.
“Sabi ko nga. One hour pass by na.” Aniyang napapangiti na lang. At itinuro ang sala. “Kaya doon nalang ako sa sala. At makikinood ng tv.” Napapingot at napangisi pa ang kanyang hitsura.
Ayan epal kasi! Kaya dali dali na siyang nagpunta sa sala, umupo sa sofa at pinaandar ang tv. Naiwan naman ang kanyang gitara doon. Saka na nga lang.
Ito namay pumasok na sa loob ng kwarto ngunit di sinara ang pintuan.
Ang sabi nito kukunin daw bukas ang sit-up board, eh deh ngayon na dapat yun.
Paki ba niya kung hindi, dahil sa mabigat ito. Nakikitira nga lang siya. Sabi ko nga nakikitira lang ako! Kaya ipinagpatuloy na lang niya ang pagpindot ng remote at naghanap ng magandang movies sa Netflix. Isa din to sa libangan niya ang panonood ng movies.
NAPARAMI yata kain niya kanina kaya nagsi-sit-up siya ngayon. Napakasipag niya talagang mag-exercise. At bukod diyan gusto niya lang alamin kung anong ginagawa ng housemate niya. Ang sarap naman pala talaga nitong magluto. Namiss niya rin kasi ang lutong pinoy. Baka tataba siya nang dahil kay Megan. Totoong chef nga talaga ito.
Habang napapahiga at napapabangon siya dahil sa sit-up na ginagawa, bigla siyang napabaling sa higaan. Napatingin siya sa nakalatag na gitara doon. Magaling din pala siguro itong kumanta. Halos nasa kay Megan na ang lahat. Maganda, hot, sexy, magaling at masarap magluto, maganda ang boses at mabait. Bakit pa ito iniwan at ipinagpalit sa iba ng jowa nito?
Naririnig niya ang tunog at ingay ng tv. Mukhang may pinapanood ito ah? Saka niya naririnig ang napakabulahaw nitong tawa. Kaya napailing iling siya habang ipinagpatuloy ang sit-up.
Maganda nga! Bulahira naman. Saka napailing iling.
Maya mayay tumigil na siya at basang basa na ng pawis ang kanyang damit na suot.
Halos isang oras din siya sa ginagawa. Kaya napatayo na siya at hinubad ang damit na nabasa ng pawis.
NAPAPABUNGHALIT siya ng tawa dahil sa pinapanood na comedy movie. Habang may pinapapak siyang chitchiria. Cheat day niya ngayon sa pagkain kaya kumain lang siya ng kumain at bukas magfa-fasting na siya. Hindi naman siya muslim. I mean magda-diet siya at magsi-sit up din katulad ng housemate niya.
Napansin niya sa gilid ng mga mata si RJ na lumabas na ng kwarto niya. Parang pawis na pawis ito.
Kaya napatigil siya sa panonood ng mapatingin siya sa hitsura nitong nakahubad.
Oh my God?! Bigla niyang ibinalik ang mata sa tv. Pero nawala na yung concentration niya doon. Kundi ang isip niya nasa nakita niyang six pack lang naman nito. Maging ang basa nitong buhok na bumagay sa abs nito.
Oh my God! Parang naiinitan yata siya sa kinauupuan niya ngayon? Para kasing ang bango pa rin nito kahit naliligo lang ng pawis.
Hindi naman siguro napansin nitong nanakawan niya ito ng tingin. Dahil diri-diritso lang ito sa kwarto nito.
Paano kaya kung nahuli siya nitong nakatingin doon?
Huli pero ‘di kulong!
Jusko! Magkakasala yata siya sa isiping kung ano anong kahalayan ng nasa isip niya tungkol sa housemate niya.
Kaya ng makapasok na ito ay dali dali niyang pinatay ang pinapanood at pumasok agad sa kanyang kwarto.
Magsasalsal este mag-e-stay muna siya doon saka na siya lalabas pagmagluluto na ng hapunan. Mag-sisinigang siya mamaya.
Agad niyang isinerado ang pintuan at tumungo sa kanyang higaan. Nakita niya ang kanyang gitara at ipinagpatuloy ang pagtipa at kanta.
Maya mayay napagod siya at nakatulog. Nagising lang siya bandang mga alas 6 ng gabi. Madilim na pala.
Kaya lumabas siya at pagkalabas ay nadatnan niya si RJ na nakaupos sa sofa habang nanonood ng movie sa Netflix.
Napatingin ito sa kanya, napatango at matipid na ngumiti ganun din ang reply niya. Saka siya nagtungo sa kusina at nag-umpisang magluto.
Nang matapos siyang magluto ay sabay na naman silang kumain.
“Maaga ako bukas. Susunduin ko kaibigan ko sa airport. Umaga kasi siya makakarating.” Anito habang kumakain.
“Okay.” Tipid niyang sagot habang ngumunguya din.
“Mukhang tataba yata ako sayo ah?” Anitong natatawa. “Bukas ‘wag ka munang magluto. Dahil aalis ako. Baka tanghali na ako babalik o di kaya hapon na.”
Paano siya? Hindi ba siya kakain? Kailangan niya pa ring magluto para sa sarili niya.
Pero okay lang parin ang kanyang sinasagot.
Pagkakain nila, ito na nagpresentang maghugas ng pinggan kaya hinayaan nalang niya ito. Baka kung ano ano na naman kasing kahalayan na papasok sa utak niya. Dahil sa suot nitong sandong puti at pyjama.
Kaya bumalik na siya ulit sa loob ng kwarto.
Bakit ba ganito nalang ang epekto sa kanya ng binata?
Bakit parang nerereyp niya ito sa utak niya?
Bakit nag-iinit lage ang kanyang pakiramdam pagnakakalapit lang ito sa kanya kahit hindi magdidikit ang kanilang katawan?
Jusko naman Megan?! Ang laswa mo! Naku!
Kaya mas pinili na lang niyang magkulong ng kwarto kaysa makita ulit ito sa sala at di niya mapigilan ang sarili ma-rape niya talaga ito.
Gaga! Saway niya sa sarili. Kababae mong tao eh?!
Kaya ngayon inabala na niya ang kanyang sarili sa pagtipa na naman ng gitara.