"Pa-Pasok ka." Dere-deretsong pumasok si Ribal sa opisina ni Yshara at umupo ito sa bangko sa may mesa nito. Huminga ng malalim si Yshara bago nagtungo sa mesa niya upang harapin ang pasyente niyang nagtungo talaga sa kaniya para magpacheck up dis oras ng gabi. Hindi niya inasahan ang pagdating ni Ribal, at mas lalong nawiwindang siya dahil nasa harapan niya ang lalaking istorbo sa tulog na ginagawa niya kanina, bago ang nangyari sa ward. "Correct me if i-im wrong pero you came here for your check up at this late night?" pagkukumpirmang tanong ni Yshara kay Ribal. "Yeah." Huminga muli ng malalim si Yshara bago straight na tingin ang binigay niya kay Ribal, kahit ramdam niya ang hilo dahil sa ilang can na nainom niya kanina lang. "Siraulo ka ba Mr. El Diente? Sinong nasa matinong pag-

