SA HARAPAN NG malaking bahay ni Devin ay magkakasama na sila nina Leroi, Mount, Exxon, at Audimus. Naghihinatay sila kay Ribal na wala pa sa mga oras na 'yun. Ngayong araw ang alis nila papuntang Nasugbu Batangas upang linisin ang kalat na may balak pasukin ang underground society. Maraming gustong sumubok pasukin ang underground, pero lahat mga ito ay hindi nagtagumpay lalo pa at ayaw ni Valdemor ang mga outsider na walang invitation mula sa kanilang head founder. "Sanay na naman tayong si El Diente ang late dumadating sa mga meeting place natin, pero our Prince is fifteen minutes late and counting. Nasaan na ba 'yun? Natawagan mo na ba, Smith?" "I'm trying Natievez, but his f*****g phone is out of coverage." inis na reklamo ni Audimus nang makarinig sila ng tunog ng parating na motorb

