SA LA CUISINE RUSSIANO, isang russian fine dining restaurant ay magkakasamang nag-dinner si Yshara with her parents. Yshara always reserves her time sa tuwing nag-aaya ang kaniyang mga magulang ng lunch or dinner with her. Masayang nag-uusap ang mag-asawa, yet si Yshara ay nakatuon ang tingin sa kinakain niya habang si Ribal ang laman ng isipan niya. Hindi ko talaga maisip paano ko nagustuhan sa maikling panahon ang masungit na lalaking 'yun. Maliban sa guwapo siya, anong rason bakit nagre-reak ang puso ko sa kaniya?! angal ng ni Yshara sa kaniyang isipan. "May problema siguro sa puso ko..." bulaslas ni Yshara kung saan natigil ang pag-uusap ng kaniyang magulang at napilingon sa kaniya. "What do you mean by that, Marie? May nararamdaman ka bang kakaiba sa puso mo?" ani ng kaniyang ama

