CHAPTER 14 THIRD PERSON POV Tahimik ang buong mansyon ng mga Pineda kinabukasan ng Pasko iyon ay hanggang sa bumaba si Crystal mula sa kwarto niya suot ang oversized hoodie ni Ezekiel na halos abutin na ang tuhod niya. Mukha siyang inosenteng tupa habang bumababa ng hagdan, pero ang totoo, puno ang isip niya ng kalokohan. Sa dining area, nakaupo si Ezekiel, maayos ang postura, naka-pressed na polo kahit bakasyon, nagkakape habang nagbabasa ng financial report sa tablet. Mukha siyang CEO na handang sumugod sa board meeting, kahit ang totoo, wala naman siyang pasok. Si Mam Margaret naman ay nakaupo sa tapat, naka-pink na robe, masayang kumakain ng pandesal habang paminsan-minsang nakatingin sa anak niya na parang may binabalak. Napahinto si Ezekiel nang mapansin niya ang suot ni Crystal.

