CHAPTER 15 EZEKIEL POV Kung may Guinness World Record lang para sa “Pinakamahabang Umaga na Hindi Ka Makapag-focus Dahil sa Isang Babae,” sigurado akong pasok ako sa Top 1. Alas-sais pa lang ng umaga, gising na ako. Hindi dahil may meeting. Hindi dahil may emergency sa kumpanya. Kundi dahil may isang babaeng may pangalan na Crystal na paulit-ulit na nagpa-play sa utak ko na parang sirang playlist. “Sir Ezekiel Falkner.” Napamura ako sa isip ko. Bumangon ako at dumiretso sa banyo. Malamig na tubig. Kailangan ko ng malamig na tubig. Pero kahit ilang beses kong binuhusan ang mukha ko, nandoon pa rin ang alaala ng boses niya may halong lambing, kalokohan, at ewan kung anong klaseng mahika. “Focus,” bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. “CEO ka. Hindi ka teenager.” Pero a

