CHAPTER 12 CRYSTAL POV “Sir Ezekiel…” Napalingon siya mula sa laptop niya, malamig pa rin ang itsura kahit Pasko. Nakasuot siya ng simpleng white polo, mukhang fresh kahit walang effort. Nakakainis talaga ’tong lalaking ’to kahit nakakunot-noo, gwapo pa rin. “Bakit?” diretso niyang tanong. Ngumiti ako nang wagas, ’yong klaseng ngiting may masamang balak. “Sir… Pasko ngayon, ’di ba?” Napakunot ang noo niya. “Obviously.” “Merry Christmas po,” sabi ko, sabay abot ng isang medium-sized gift box na kulay pula, may silver ribbon. Pinipigilan ko na ang tawa ko, swear. Ramdam ko na nanginginig na ang pisngi ko sa pagpipigil. Saglit siyang tumingin sa regalo, tapos sa ’kin. “What is this?” “Gift ko po,” inosenteng sagot ko. “Open niyo na po.” May pag-aalinlangan pa siyang sumulyap kay Ma’

