AVERY'S BABY STEPS

3677 Words
PUNO ang mansion ng mga Miller buong linggo sa mga nakikiramay. Famous politicians, celebrities and big names are there to pay their respects on the late Elijah Miller's ashes.  Isaac, on the other hand, has been recluse by staying at his room despite people looking for him to relay their sympathies. Nagkagulo rin nung nakaraang araw dahil may reporter ang iligal na pumasok sa mansion at pilit kumuha ng litrato sa pribadong pagtitipon.  The next thing everyone knew, binalita nalang sa TV na naging major stockholder si Isaac ng mismong TV Station kung saan naka-empleyo ang naturang reporter at tinanggal ito sa trabaho. Kasalukuyang nakatayo si Avery sa balkonahe ng ikalawang palapag at nakatingin sa malawak na hardin habang kausap ang pamilya sa cellphone. Andro: "Ate! Ate! Pwede ba kaming makiramay diyan?"  Tiningnan ni Avery ang iilang kotse na nagsisidatingan. Narinig niya ang boses ng ina niya sa kabilang linya. Aling Aurora: "Hoy, Andro! Tumigil ka bata ka! Di masayang pagtitipon ang pupuntahan na'tin." "Puwede naman siguro kayong pumunta rito, Ma. Kilala naman kayo ni Isaac." Umupo siya sa balustre. "Bisitahin niyo na rin ako." Andro: "Tingnan mo 'ma! Pwede! So ate, pwedeng maka-selfie kay Isaac? Ang yaman pala----" Umiling si Avery. "'Wag muna, Andro. Magbigay tayo ng respeto na sa nawalan. Isa pa, wala sa kalagayang ngumiti ni Isaac ngayon. Narinig niyang inagaw ng Ate Andrea niya ang cp mula kay Andro. Andrea: "Ava, okay lang ba siya?" "Hindi ate, eh. 'Di ko pa nga siya nakakausap ng matagal kasi mas gusto nitong mapag-isa. Pinabayaan ko muna. Kung pwede ko lang sigawan ang mga abogadong pumupunta rito para i-discuss raw ang transition of power and authority sa kaniya bilang bagong CEO, matagal ko nang ginawa. Di nila nilulubayan si Isaac." She then heard Andro shouts in the background. Andro: "Wow! Girlfriend lang ang peg, ate ah!" "Ate... tuli-in mo nga uli 'yang si Andro." Andrea: "Ibababa ko muna tawag ko, Ava. Sasamahan muna naming magsimba si Mama." "Ingat kayo." Ini-off niya rin ang cellphone. Pumasok siya sa bahay at nakitang kaka-akyat lang ni Jinkie dala ang isang tray. "Merienda ni Isaac?" "Opo, Miss Avery." Lahad nito sa tray na may orange juice at strawberry cookies na may raisins sa tuktok. "Ito na naman? Kaka-serve lang natin nito sa kaniya kaninang umaga 'ah?" Nagkibit-balikat si Jinkie. "Request niya po 'eh."  Naalala ni Avery ang cookie na binigay niya rito sa Batangas na sana ay para kay Liam kung di lang siya pinigilan ni Helga kasi nga raw may allergy ang idolo sa raisins. Nag-presinta nalang si Avery na ihatid iyon sa kwarto ng lalake. Tinulak niya pabukas ang pinto. "Oy... merienda ka muna." Nakita niya itong nakasandal sa mesa. Reading something in a folder, he is wearing a light blue shirt with one hand on his pants' pocket. May nahalata si Avery. Ang karaniwang bagsak na buhok nito sa may noo ay nakataas, making him more... sexier. 'Sexier?! Hannuraw?! Harot mo rin 'eh no, Avery?'  Tinabi niya ang mga documents sa mesa at nilapag ang tray. "Have a break." "Have a Kitkat." Sagot nito na nakatingin pa rin sa folder. Napalingon siya rito. "Huh?" Lumingon si Isaac sa kaniya. "Hindi ba? Iyon yung nasa commercial di'ba ng KitKat? 'Have a break, have a KitKat'? Napatawa si Avery 'di dahil sa joke kundi sa seryosong mukha nito kahit nagbibiro. Pero ang saya niya na kahit papaano'y nakikipagbiruan na ito. "May sayad ka talaga." Kumuha ng isang cookie si Isaac at inipit iyon sa mga ngipin nito habang nagbasa ulit.  Nilapitan ni Avery ang ginamit na plato at baso sa isang mesa nito para kunin at ihatid sa kusina. Hinila pataas ni Avery ang pajama niya. Naglakad siya para pulitin ang nahulog na dokumento sa sahig at nilagay sa mesa. Hinila ulit nito pataas ang pajama. "Ibababa ko muna 'tong mga ginamit mong utensils 'ah?" Isaac, still with a cookie in his mouth, nods and notices Avery pulls up her pajama again.     LIAM, half-naked and fresh from the bathroom, picks up his phone on the bed and cancels a call from Helga. Umupo siya sa kama at inalala ang nakitang balita noong nakaraang araw. 'Isaac was Elijah Miller's son.' Napabuntong-hininga siya sa pagkakataon talaga. Humiga siya kahit basa pa ang katawan at kinuting ang mga files sa phone. Swiping on his gallery, he stopped when he saw Avery's pic eating a lot of spaghetti. He swipes sideways.  Avery holding the teddy bear he bought for her from Paris.  Avery making duck face in their rooftop deck date. Their selfie in Batangas where Avery is at his back. Binagsak niya ang braso at ang cp sa tabi niya at tumingin sa kisame. 'Ava..'. He immediately grabs his phone then searches Ava's contact number. He is about to press call when Helga called again. Inis niya itong sinagot. "What?" Helga: "What 'what?' 6:30PM ang sinabi mong oras na sunduin ako rito sa hotel para makiramay kina Isaac. Anong oras na?"  Pabagsak nalang na pinatay ni Helga ang tawag at walang magawa si Liam kundi magbutong-hininga nalang.       "GILRFRIEND? Si Sir Isaac?" Nag-isip si Jinkie. "Bago lang kasi ako rito... 'di ko alam if meron. May alam ka, 'nay Mona?" Nasa garden sila sa likod ng bahay at nagluluto ng hapunan na isisilbi sa mga bisita para hapunan.  Nagtatanggal ng balahibo sa manok si Jinkie. Naghihiwa ng carrot noon si Avery. Naitanong lang niya baka lang kasi makatulong, kung meron man, para pasiyahin ang lalake. Tinikman ni Yaya Mona ang niluluto nito. "Oo. Marami-rami rin akong pinalayas na babae ni Ice na nakahubad." Sabay napalingon sa likuran nila si Avery at Jinkie. "Marami-rami?" "Oo.'Yang batang yan... noong magmomodelo pa yan, gabing-gabi na umuuwi. Kung hindi lasing, may dalang babae." Nilingon siya ni Jinkie. "Miss Ava, naalala mo ba ang ikapitong abs ni Sir Isaac?"  Tumango siya.  "'Di ba malaki yun? Kaya siguro binabalik-balikan." Niyuko niya ang hinihiwang carrot na namumula. "Tsaka..." Dagdag ng matanda. "Naabutan ko yang bata na 'yan may kasamang babae sa mesa sa kusina at doon---" Agad umagos ang dugo sa ilong ni Avery habang ini-magine ang nangyari.  "Hala! Ms. Avery, nag-no-nosebleed po kayo!" Hiyaw ni Jinkie.  Nag-excuse si Avery at pumasok sa backdoor. "...kumakain ng ice cream." Pagtatapos ng matanda sa sinabi. "Ang iingay kasi. 'Di man kinonsedera na alas-dos na iyon ng madaling araw." Sinundan ni Yaya Mona ng tingn si Avery       NAKAYUKONG tinakpan ni Avery ang ilong at nag-sorry sa lalakeng nabangga niya sa pagmadadali. "S-Sorry." At dire-diretsong naglakad palayo. Liam intently looked at the woman who bumped him. "Is that --- " Helga pulls her arms. "Liam, nakita mo si Madame Rosette?" "Huh?" Lingon niya sa kasama. "Uh... yes." At naglakad na sila papunta sa tinuran nitong sikat na fashion designer.       "ANONG ginagawa mo diyan?"  Napatalon si Avery na nakaupo sa sofa sa lobby ng second floor habang may nakatusok na dalawang bulak (cotton balls) sa dalawang butas ng ilong. Isaac, in his black sando and pajama and is barefooted, sits beside Avery. "Anong nangyari diyan sa ilong mo? Yuck. Pangit mo." Saad nito. Sumimangot si Avery. "Hiya ako sa kagwapuhan mo." Umingos siya. "Nabangga lang ako sa poste sa likod." "May poste ba sa likod?" "Uhh... yung poste ng kulungan na baboy." "We don't raise pigs here." "Nung mga kabayo pala!" "Ano naman ginagawa mo dun?" "Pakialam mo." Umingos uli siya. Then her eyes landed on Isaac's well-developed, bare arms... the firm biceps... biglang bumulwak ang dugo uli sa ilong niya. "s**t!" Mabilis na umisod palayo si Isaac. "Anong bang nangyayari sa'yo?" "S-Sorry..." Kumuha siya ng maraming bulak at tinakpan ang ilong. "May menstruation lang ang ilong ko." "That's not how you stop a nosebleed." He grabs the cotton balls from her hand. "Lumuhod ka sa sofa at tingin ka sa akin." Niyakap ni Avery ang sarili. "A-Anong gagawin mo sa'kin?" "...to help you stop your nosebleed. You're doing it the wrong way." Inakyat ni Avery ang mga paa sa sofa at lumuhod paharap kay Isaac. Pinatangala siya nito at mahinang pinindot ang taas ng ilong niya. "Breathe through your mouth." Habang nakatingala, tinanong ni Avery si Isaac. "K-Kamusta ka na?" "Araw-araw tayong nagkikita, tinatanong mo pa ako niyan?" "Alam ko... p-pero iba parin yung sagot na galing sa'yo."  Isaac slowly pulls down her head. "I needed to be fine. I don't even have the time to mourn properly."  Tapos dahan-dahan siya nitong pinatingala uli. "Di ka kasi lumalabas sa kwarto mo..." "Busy. Pinagaaralan ko ang mga naiwang trabaho ni Dad." Tapos pinayuko uli siya. "Ikaw, kamusta?" Nagtama ang kanilang mga mata. "Masakit pa rin...pero di na mabigat rito." Turo sa dibdib. "Magulo pa rin dito pala." Nakangising turo niya sa ulo. Ngumiti si Isaac. "Binibwesit mo na nga si Mang Hener." "Oh... ikaw rin naman 'ah! Ngumingiti ka na rin!" Tawa ni Avery. Isaac smiles widens. Malakas na rumirigodon patalon ang puso ni Avery. Biglang umagos uli ang dugo sa ilong niya. "Ah, yuck!" Umisod uli si Isaac.       "AVA, heto na ang hapunan ni Isaac." Utos ni Yaya Mona. Lumapit naman si Avery at dahan-dahang binuhat ang tray. "At pakisabi sa batang 'yon na inumin ang vitamins diyan sa platito." Tiningnan ni Avery ang gamot. "Mahal niyo talaga si Isaac, 'ya no?" "Bata palang yan, iyakin at uhugin, ako na nag-aalaga diyan. Nung namatay ang ina at kapatid niyan, nag-rebelde yan kay Elijah. Nakow! Ako pumipigil kay Eli na 'wag niyang patulan ang bata noong pumasok 'yun sa pagmo-modelo. Kasi tutol ito baka raw mapabayaan ang pag-aaral." "Ina at kapatid? Namatayan po?" "Oo. Kung may nakita kang magandang babae na may kandong na magandang batang babae na portrait sa sala, si Charlotte yun at ang bunso sa magkapatid na si Elaine." Gusto sana niyang magtanong kung paano namatay ang dalawa pero masyado na siyang nakikiusyoso sa lagay na 'yun eh may lamay pa nga. "So talagang nag-mo-modelo nga talaga si Isaac noon." Pag-iiba niya sa paksa. "Pinakasikat." Proud na sabi ni Yaya Mona. "Pero 'di rin nagtagal kasi nang ma-diagnose si Eli ng lung cancer, walang magawa si Isaac kundi tumayong de facto CEO ng kompanya." 'Hmm... pero bakit siya naging manager ni Liam?' "Sige po, 'ya Mona. Iaakyat ko po 'to muna sa taas tapos balik nalang po uli ako rito.       LIAM is smiling to everyone who wants to shake hands with him and politely refuses anyone who wants to take picture together with him. 'Di ito tamang lugar para mag-pa-selfie o magpakuha ng litrato.  Why does he feel like a robot these past few days-- programmed to do the same thing again and again?  Then he glimpses someone familiar holding a tray and slowly climbing up the stairs? 'Avery?'  Susundan na sana siya niya ito nang pigilan siya ni Helga. "Where are you going, babe?" Her nails buried on his sleeve. Bumaba ang tingin niya sa kamay nito sa braso niya. "I..." Tumingin siya sa nawalang pigura ni Avery sa taas. "...I'll visit Isaac in his room. Just... to check on him." He then pulls his arm off her clutch. Nagdududang tango ni Helga. "Okay. Make it fast. It's late. Masisira ang sleeping schedule ko. I'm already sleepy." Tumango si Liam at mabilis na inakyat ang hagdan.       NILAPAG ni Avery ang tray sa maliit na mesa sa gilid ng pintuan at kumatok. "Isaac? Dinner mo 'oh. May vitamins rin na pinadala si Yaya Mona. Inumin mo ---- " "Avery?" Nanigas si Avery nang marinig ang napaka-pamilyar na boses. Malakas na kumabog ang puso ni niya. Dahan-dahan niya itong nilingon. Her emotions drop heavily on her heart like a bomb. "L-Liam??"       MULA  sa pagbabasa ng dokumento, nilingon ni Isaac ang pintuan nang biglang nawala ang boses ni Avery.  'Ba't di pa ito pumapasok?'  Tumayo siya mula sa pagkakaupo at akmang bubuksan ang pinto nang may narinig siyang may nag-uusap sa labas ng kwarto niya.       "HOW are you?" Tanong ni Liam nang makalapit kay Avery. "W-What are you doing here at Isaac's place?" Nakatitig pa rin si Avery sa kababata niya. "I-Ikaw nga..." Alanganing ngumiti ang idolo. "May iba pa bang Liam?" Tinakpan ni Avery ang bibig para wag humagulhol. 'A-Ang bigat sa pakiramdam... d-di pa ako handang makita siya uli.' Nawala ang ngiti ni Liam nang makitang nanginginig si Avery. "Ava... I'm sorry---" Hahawakan sana niya ang balikat nito nang umatras ang babae palayo sa kaniya. "God... Avery, I'm sorry." Kita ng lalake ang pag-alinlangan sa kilos ni Avery nang nag-iwas ito ng tingin. "N-Nabigla lang ako at --- " Napaka-sakit makitang takot ito sa kaniya. "Avery, please... look at me. Ava, please." Nilahad niya ang mga kamay. "'D-Di ko sinadya y-yun.. Let me make it up to you..." Tumingin si Avery sa mga kamay ni Liam. Gusto niyang abutin ang kamay nito pero may sinisigaw ang utak niya. 'Avery..please gamitin mo utak mo... please. 'Wag puso...'  Pero parang may buhay ang sarili niyang kamay nang dahan na tumaas iyon para abutin ang kamay ni Liam nang biglang may ibang humawak sa palad niya.  Napadilat siya at nakitang nakatayo si Isaac sa harap niya, pumagitna sa kanila ni Liam. "I-Isaac?" Seryoso ang mukha nito na nakahawak sa kamay niya. "My dinner?" His brown eyes bore down to her. Natauhan siya. "Ah! Oo... heto." Kinuha niya ang tray sabay tinaas iyon. "Gutom na ako. Why did you deliver it late?" Masungit nitong tanong. Sumimangot si Avery. "Excuse me? Ano ako, maid mo? Kumatok ako---" 'Di niya natapos ang sasabihin ng hinilamos ni Isaac ang palad nito sa mukha niya. "Ano ba?!" "Enough talking. Ipasok mo sa kwarto ko. Sa nighttable, 'wag sa center table. May mga papeles."   Nakasimangot na tumalima si Avery. "Enough talking, enough talking daw..." Kopya ng babae sa pananalita ni Isaac.  Sinara ni Isaac ang pinto nang makapasok si Avery sa kwarto at hinarap si Liam. "Liam." With same body-built and height, both of them are trying to intimidate each other. "Isaac." Liam acknowledge him. Isaac throws a glance to his closed room. "We'll talk tomorrow." Then left Liam clenching its jaw. Sakto namang dumating si Helga. "Liam?" Liam still staring at the door. "Coming." He un-clenches his palms who were tightly balled into fist.      NAKAUPO sa kama si Avery at dinama ang dibdib na kanina pa kumakabog ng malakas. "A-Ang gwapo pa r-rin nya..." Pumasok sa kwarto si Isaac. "I'm tired." Sabay umupo sa tabi ni Avery na tulala pa rin. Tumingin si Ava sa palad at naalala ang kamay na nilahad kanina ni Liam. Pero bakit ganun? Nilingon niya ang katabi. Mas dama niya ang kamay ni Isaac.  Nagulat siya nang bigla itong humiga sa kamay. "I-Isaac? Oy... sabi mo gutom ka. Kumain ka muna. Pinadalhan ka pa naman ni Yaya Mona ng vitamins--- Aray!" Hiyaw niya nang hinatak siya nito sa buhok at pinahiga sa tabi nito. "Sleep." "H-Huh? Ayaw ko pang matulog---" She freezes when Isaac wraps his arms on her shoulder and pulls her closer. "Ayaw ko pa ngang matulog---" Piglas niya palayo. "Ang lambot mo... parang unan----" "Unan-in mo yang mukha mo!" Bumangon siya at hinambalos ito ng unan. "'Langya ka! Yayakap ka na nga lang... kukutya ka pa." 'Di na ito nagsalita at narinig nalang niyang mahina itong humilik hudyat na nakataulog na talaga ito. Tinitigan niya ang payapang mukha nito. 'Pagod na pagod nga talaga ito.' Nilingon niya ang kalat sa mesa nito at pabalik sa himbing na natutulog na si Isaac. 'Nakatulog pa 'to na naka-eyeglasses.' Hinubad niya rito ang salamin at walang ingay na nilapag sa nighttable.  Humiga uli siya sa tabi nito at tinitigan ang gwapo nitong mukha. 'Wag ka ng mag-eyeglass. Mas lumalabas pagka-tisoy mo. ' Ngi-ngiti na sana siya ng may nakita siyang peklat sa may kilay nito. Parang bakas na may tinahi doon. She then softly touches the scar, tracing her fingers on it. Mas nakadagdag ito sa kagwapuhan niya. Isaac felt the touch and lightly opens his eyes. Now they're staring at each other.  Avery saw a flash of warmth and playfulness in Isaac's brown eyes. 14 YEARS AGO | AVERY'S AGE: 9 years old.   Three days after the bullying incident, she saw the boy who saved her exits the Principal's Office accompanied with a man in suit. May bakas na tahi ng sugat sa gilid ng kilay nito at nangigitim ang putok na labi.  Brown eyes filled with rebellion.     PRESENT DAHAN-DAHAN na ring hinila ng antok si Avery. Isaac, slipped his hands underneath her head and pulled her close, hugging her tightly.    ISAAC gasped for air that morning. He can't breathe properly. "Haah..." Walang hanging pumapasok sa baga niya ---  Napayuko siya kay Avery na nakahiga sa katawan niya na ang pisngi'y nakadikit sa dibdib niya. He was about to smile until he saw her making a pool of drool on his shirt. Agad nasira ang mukha ni Isaac at pilit itong tinulak. "G-God, Avery...y-you're heavy. Get off me! I can't breathe properly..."      TUMINGIN si Avery sa reflection niya sa salamin. Parang may nag-iba sa katawan niya na di niya mapagtanto. "Hmm... may something." Tumalikod siya at inaninag ang likurang bahagi. "Hmm..." Lumabas siya sa kwarto at hinila ang pajama pataas. Nang makapasok siya sa kusina, dumiretso siya sa water dispenser at uminom ng tubig. Sa may refrigerator naman ay nabitin ang pagbukas ni Isaac rito. Nakita niyang hinila ni Avery ang pajama nito pataas habang naglakad palapit sa sink. Muling naghila ito pataas nang kumuha ng plato. Umupo si Isaac sa counter at sinundan ng tingin ang babae. Lumapit si Avery sa bread toaster na hila-hila ang pajama. "Ba't ka ba hila ng hila pataas sa pajamas mo?" Nagtatakang tanong ni Isaac nang makalapit ito sa kaniya para kumuha ng pineapple jam. "Ewan ko. Lumuwag 'eh." Inis rin na turan ni Avery. "'Di naman sira ang garter." Sinilip pa nito ang  suot. "Pati pants ko, medyo nahuhulog din pag sinusuot ko." Himutok nito. "Nagtimbang ka na ba?" Nahinto si Avery sa pag-pahid ng jam. "Hindi." Umiling ito. "Hindi pa." "May timbangan ng mga kabayo do'n sa ---" 'Di na niya natapos ang sasabihin nang pinahid ni Avery sa mukha niya ang kutsarang may jam.     KABADO si Avery na hinihimas ang sling ng bag niya habang sakay sa elevator papunta sa pinagtatrabahuan niyang call center agent. Tangan niya ang resignation letter.  Nang nakapasok na sa opisina, ramdam niya ang mga tingin na pinupukol ng mga empleyado doon. Lingid sa kaalaman ng mga ito, rinig na rinig niya ang kani-kanilang bulungan. "Ay... di'ba siya yung sa presscon ni Liam."  "Oo nga."  "Dito talaga siya nagtatrabaho? 'Di ko siya kilala 'ah."  "Sinong makakakilala sa taba niyan."  "Ang taba nga..." Taas-noo siyang pumasok sa opisina ng manager.     TITIG si Rose sa kaharap niyang si Avery habang nananghalian sila. Nilibre kasi siya nang kaka-resign lang na babae. Huminto ng pagkain si Avery at tiningnan ang kaibigan. "Uy, kakain ka ba o hindi? Isa sa isang dekada lang ako marunong manlibre." "Bes... inalila ka ba doon kina Isaac?" "Hmm? 'Di, ah. Sagana nga sa kain doon tapos tulog..." Sumubo uli siya. "No, bes ...parang may-iba sa'yo 'eh." "Feel mo rin? Feel ko rin kanina. 'Di ko lang alam ano." Tinaas ni Rose ang isang plato at tinabi sa mukha ni Avery. "OMG!" Hiyaw ng bakla dahilan para lumingon sa kanila ang ibang kumakain. "A-Ano ba..." Iniwas ni Avery ang mukha. "Pag 'yan nabasag, ikaw magbabayad 'ah!" "B-Bes! Lumiit mukha mo!" Uminom mula sa baso ng may lamang iced-tea si Avery. "Huh?" "No joke! Parang lumiliit ka 'ata." Doon napagtanto ni Avery ang paghihila niya sa pajamas at sa pagluwag ng damit niya nung nagbibihis siya kanina. "Imposible, walang araw walang kain doon kina Isaac." "Ilan na timbang mo?"     HABANG naglalakad si Avery sa sidewalk, napadaan siya sa isang mall. 'Makabili nga ng timbangan.' Nang makauwi, agad niyang nilapag ang weighing sa sahig ng kwarto. Tumuntong siya roon at nag-sign of the cross. "Lord, masakit umasa. Ang sakit, sakit mo talaga." Tumingala siya sa kisame. "Sabi nila nakakapagpapayat po ang pagiging heartbroken. Hindi ako naniniwala roon. Kasi tamang ehersisyo at pagkain ang sikreto sa pagpapayat." Nagbuga siya nang hangin. "At iyon ang pinagagawa ko sa nakaraang araw. Kaya po... tanggap na tanggap ko po kahit ilang timbang lang binaba ko ---- AH, HINDI KO TANGGAP, LORD! SANA NAMAN MALAKI BINAWAS KO!" Sabay yuko sa weighing scale. Dahan-dahang nanlaki ang mata niya. "T-Totoo ba 'to?" To her amazement, from 92kilograms, she went down to 80kgs.  Bumaba siya at pumatong uli sa scale para siguraduhing tama ang pinapakitang numero. 80kgs. Tinakpan niya ang bibig para pigilang 'wag magsisigaw sa saya. Malapit lang kasi sa hagdan ang kwarto niya at may mga bisita pa naman sa baba na nakikiramay. Kaya halos madapa siyang tumakbo palabas at pumasok sa kwarto ni Isaac na nasa sulok ng right wing ng mansion.  Her chest rises and fall with every breath deep she takes. Magkasalubong ang kilay ni Isaac na nakatingin sa kaniya na noo'y nakatukod ang mga braso sa mesa at nakayuko sa mga papel na andoon. "What ----" "AHHHH!!" Malakas na malakas niyang sigaw. Sambakol ang mukha ni Isaac na kinuha ang isang ballpen at binato sa kaniya. "Hoy! Ano ka ba---" "ISAAC! ISAAC!" Umiiyak sa saya siyang nagtatalon. "Shhh! Shhh!" Pilit na pintatahimik ito ni Isaac. "What's up with you ---" At nagulat nalang ang lalake nang biglang yumakap sa kaniya si Avery nang mahigpit. "Ava --" "I LOSE WEIGHT!" Hinawakan pa ni Avery ang mukha ni Isaac. "I LOSE WEIGHT, ISAAC!" Tears of joy streams her blushing cheeks. Napatitig si Isaac sa kaharap.  And yes, the more Isaac stares at her face... the smaller it seems.  She really did lose weight.       [NEXT CHAPTER PREVIEW:] "P-Pag balik mo... promise ko, payat na ako." Naiiyak na pangako ni Avery. Ngumiti si Isaac at pinisil ang pisngi ng babae. "No. Just promise me when I come back, you're still here... waiting for me." Ngumisi si Avery at pilit kinubli ang luha sa mata. "At di ka na mahihirapang yakapin ako." And despite all the cameras and videocams staring at them in the airport, Isaac bend his head to kiss Avery. A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Mag-vote. ⭐  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD