1 linggo na ang lumipas mula ng mangyari ang trahedyang ito. Ligtas kaming lahat ngunit si Kyle ay pumanaw. Pilitin ko man maging masaya pero hindi ko magawa dahil hanggang ngayon ay hindi parin gising si Hope. Pahilom na lahat ng mga sugat niya pero wala pa din siyang malay. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil nahuli na ang magasawang Estaquio at si Daniel. Hindi ko aakalaing sa pananahimik niyang iyon ay may ganun siyang balak para sa amin. Wala paring pinagbago si Hope, napakaganda parin niya at napaka amo ng mukha ngunit nagpapasira dito ang mga galos at sugat na natamo niya sa pagkahulog namin sa creek. "Anak, kumain ka na muna dito ng almusal at magpahinga ka pagkatapos dahil may pasok ka pa mamaya"-boses ni mom iyon. "Bantayan niyo maiigi si Hope Ma at itext mo ako or tawagan kun

