Dumaan ang mga araw ngunit wala paring maalala si Hope. Gusto ko ng mawalan ng pagasa pero hindi pwede dahil responsibilidad ko siya at ang pamilya ko. May pasok kami ngayon at kailangan ito dahil gusto kong mahabol ang mga namiss kong lessons and tests para pumasa. Iniwan ko muna si Baby Faith at si Epholyn kina mama at papa tutal wala naman daw silang pasok kaya naggayak na kami ni Hope para pumasok. Pagkadating ng campus ay hinawakan ko ang kamay niya tinitigan niya ako pero umiwas ako ng tingin at ngumiti habang naglalakad. Tinitingnan kami ng mga tao. Maraming nalulungkot sa nangyari at ang iba ay natutuwa dahil ligtas kami. Nagmumukha na kaming artista dahil sa mga nangyayari may love, romance, comedy, action at horror. Pwede nang pang MMFF. Haha! Agad kaming nilapitan ng tropa

