Gray's POV
Ngayon ito na ang araw ng raffle draw at sana naman maganda yung kakalabasan nito kahit si Hope lang sapat na.
erase.erase.erase.
Ano na ba itong utak ko. Hays bahala na nga!
Btw. 5pm pala start nung program kaya mahaba-haba pa ang oras dahil 9:38 palang. Makapagfb nga muna.
"hmmm"
(Hope Hanley is active now)
Woah! Open siya, maichat nga!! -.-pero ano naman paguusapan namin...
Typing...
-------------------------------------------------------------
Convo Mode:
"Hi, GoodMorning Hope"
"Hello, Goodmorning din Gray"
"Anong ganap at naisipan
mo akong ichat?
bakit masama ba?
hindi naman pero nakakapanibago ka
dati ayaw mo sakin pero ngayon para
kang lintang dikit ng dikit sakin
grabe ka naman sakin :(
sige bye na :/
Oy! Grabe ka naman joke lang uy
pero nakakapanibago ka nakakaproud
ka naman yes improvement
Talaga? :) Salamat
Huwag kang ganyan baka mafall
ako sayo ;)
Sus, don't say that Gray iba nalang
Wag ako ayokong maloko muli
Assumera ka naman XD
Grabe ka o Sige na may gagawin
pa ako see you later na lang
mamaya.
Ok! Ingat ka. Gusto mo
sunduin kita?
Hindi na kailangan kaya ko
ng magcommute, bye ^_^
♡
End of Convo :)
------------------------------------------------------------
Ayun natapos din nagoffline na siya. May past ba si Hope na naging dahilan kung bakit medyo bitter siya? Di ko maintindihan.
*Kring*
Edward: Pre, bago daw mag 4pm dapat nasa campus na
Ako: Oo. Wag kayong magalala di ako malalate.
Medyo tinatamad talaga ako pero biglang kumatok si mama
"Anak" ani ni mama habang kumakatok sa pinto.
"Yes ma? pasok ka."ani ko at nagbukas ang pinto
"Punta tayong mall anak,bonding naman tayo bilhan kita ng bagong damit kung gusto mo" ani ni mama na ikinatuwa ko
"O sige ma, bihis nako para makaalis na tayo" ani ko at pumunta na ng banyo.
"Ok anak" ani ni mama sabay labas ng kwarto ko.
----
Grabe to si mama, akala ko isang pares lang ng damit pero hindi andami pati sapatos at bagong relo...
Napaka thankful ko kay Lord dahil nagkaroon ng katulad niyang Ina pero sayang lang at wala si Dad :( pero ok na masaya narin at nakamove on nako
----
"Anak ibigay mo ito kay Sandro, Carlos at Edward" ani ni mama sabay abot ng mga paperbags.
What! bibigyan ni mama mga tropa ko. BOOM PANES!
" At anak para naman ito sa magiging kabiyak ng iyong puso, ingatan mo yan sana sa tama iyan mapunta, di ko masasabi ang panahon anak, galing yan sa papa mo, kung kanino man mapunta yan tatanggapin ko basta mahal mo at gusto mo, siguraduhin mo lang hindi ka magsisisi sa huli" ani ni mama sabay yakap niya sakin
"Mama naman eh! Andrama mo pero ma paano kung magkagusto ako sa alam mo na sa bakla ok lang?" ani ko na medyo kinakabahan
"Ok lang anak, basta't ipakilala mo muna siya sakin walang problema"aniya
"Talaga ma?! I Love You ma" ani ko sabay yakap sa butihin kong ina
"I love You too anak, Sino ba itong prinsesa mo? Ipakilala mo naman sakin" ani ni mama
"Hindi pa kami ma! Hindi pa niya alam na may gusto ako sa kaniya" ani ko at napakamot sa ulo ko
"Ah ganun ba anak, di bale mapapasayo din siya basta umayos ka lang" aniya at hinalikan ako sa pisngi at iniwan sa aking silid.
---
Nagpahinga muna ako ng 2 oras at nagayos na para di ako malate sa campus at ayun di nga ako nalate 3:13 palang nandun na ako pero wala pa namang gaanong tao.
~~
Hope's POV
Gandang Araw! Masarap na talaga yung tulog ko lasang panis na laway XD djk.
Masaya lang ako kasi parang magaan na sakin lahat ng bagay.
Myghad! Ngayon pala yung Raffle draw... Matawagan nga si Ruby.
calling...
"Bessy"ani ko ng sagutin niya ang tawag.
"Oh? Hope morning. ang aga ah bakit?"ani ni Ruby habang naghihikab pa.
"Tanong ko lang kung tuloy yung program mamaya?" ani ko
"Oo,Bessy punta ka lahat naman tayo andun basta pasabog un, Alam mo naman diba hindi magpapahuli si Lay" aniya na medyo buhay na ang pananalita niya.
"Ah ok, bago mag 4 diba?"
"Yup. Tulog muna ako bessy, see you later" ani niya at pinatay na ang tawag.
---
Casual ba o Formal?
Casual nalang hindi naman kasi party ung mangyayari mamaya para magpabongga ng damit atsaka alam ko namang di ako mananalo dun.
Makapagfb nga muna. :)
*Checking who's online*
Ay! Aba online si Gray...
---
Later on. Nagkausap kami.Ang eme niya pero nakakapagtaka lang talaga kung bakit dikit ng dikit sakin yung mokong na yun eh dati lang eh lahi kaming nagaaway nun. Napa principal pa nga eh.
Nagbago na siya. Dahil ba sakin yun? Ang ganda ko naman diba?Whahaha
---
Di nako nagpatumpik-tumpik pa at naglinis muna ako ng bahay. Wala sila mama at papa umalis dahil may pupuntahan daw sila kaya nagayos ng gamit para mamaya ok na at hindi ako magmamadali.
2:45 na nako maaga pa yata masyado kaya nagmuni-muni muna ako...
Saktong 3pm ay umalis nako ng bahay at hindi naman yun maaga pero magkikita pa kami ni Layla at panigurado ako na halos hindi na yun makatulog sa sobrang excitement.
Whahaha!
----
"Bakla"aniya habang tumatakbo. Diba? Excited siya.
"Oy! umayos ka baka madapa ka"ani ko
"Tara na bess nako baka malate tayo"aniya at pumara na kami ng jeep
---
Malapit ng mag alas quatro ng dumating kami... napakadaming tao atsaka may mga outsider yata?
Napakaimplwusenya talaga ng school head namin at napaka charming pa grabe. Andaming benta nito.
---
"GoodAfternoon to everyone please remain in silence and our program will be started within 5mins." ani niya ikinatahimik ng lahat at pagkatapos ay rakrakan nanaman.
---
"Bessy Hope dun tayo sa harapan para kitang-kita natin" ani ni Lay habang pilit akong hinihila sa harap.
"Ayoko dun uy nakakahiya" pagpipigil ko sa kaniya pero hindi ko kinaya yung energy niya ngayon.
"Ay nako basta tara na, maeenjoy natin 'to"aniya at tuluyan na kaming napunta sa harap.
----
"GoodEvening Everyone, Welcome to our Campus raffle draw this night. Anyway i'm AC; the School Head of our Campus
Before that I would like to Thank all the people who became part of this successful program and to those who keep supporting us in our activities
The fund that we'll collect from this raffle draw will be given to some students who can't avail next semester tuition fee and for the other expenses that they will handle
The price in our raffle draw is not just a grocery items or cash but it is our 10 campus heartrobs and 10 campus princesses
They will become your slave in 365 hours but we assure you that is safe and within the school premises"
---
"So Everyone are you ready?" Aniya.
"Yes" sabi ng lahat. Nako dumadagundong na ang buong campus ...
"Ladies and gentlemen's,Lets all welcome,the prize boys and prize girls of our fund raising event!" umalingawngaw iyon sa buong gymnasium at may tumugtog na kanta,kasabay ng paglabas ng mga prize boys ang prize girls mula sa back stage at magkakasunod na rumampa,suot ng mga babae ay mga daring na damit,ang mga lalaki naman ay topless.
Halos mabingi ako sa sigawan ng mga tao,lalo na sa sigaw ni Layla una daig pa ang sirena ng ambulansya.
Tinitigan ko ang mga rumarampa,ang gaganda at ang gagwapo,plus mga sexy pa. Pero ganun na lang ang pagkalaglag ng
panga ko ng sunod na rumampa si Ruby ,kasunod si Allen.
"Woah,kasali pala yung mga yun kaya pala hindi sila gaanong nagpapakita sakin kasi busy sila sa event na ito". ani ko sa sarili ko
Nagulat ako pati sila Sandro, Carlos, Edward at Kenneth kasali !! shet pero wala si Gray??
Ay ayun naman pala siya. Ang ganda ng hubog ng katawan ni Gray. Well Proportioned ! Nag ggym ba siya?
Myghad! Bakit ako kinakabahan ng gan'to!! I hate it.
"And They're the 20 price boy and price girl, Get ready with your ticket, Again i'm AC and Goodevening" tas biglang naglights off
Ayun may mga nagentermission number na katagal-tagal ...
---
Maya-maya nagbukas muli ang mga ilaw at nasa stage na muli ang mga price boy at price girl...
"Alam kong excited na kayo, ito na lets start the raffled draw" ani ni AC at may inakyat na tambyolo
"Bago ang lahat,gusto lang namin magpasalamat sa lahat ng bumili ng mga tickets,sa mga faculty members at mga club organizations na nag sponsor at sumuporta sa event na to,lalo na kay Mr.President,at ngayon,simulan na natin ang raffle!" at muli nagsigawan na naman ang mga tao,sa pakiwari ko eh dinig hanggang kabilang syudad ang sigawan sa sobrang lakas,nakakabingi.
Pati tuloy ako nadadala,parang na e-excite din ako na ewan,kumakabog kabog ang dibdib ko.
"So lets welcome our first price boy and price girl"
Nagpakilala muna si priceboy next si price girl...
"GoodEvening, I'm Riyu Castelo 2nd yr Engr. dun sa makakakuha sakin ay titiyakin kong susundin ko lahat ng gusto niya at pasasayshin ko siya"
...
*umiikot na ang tambyolo*
"The winner is "09682" ani ni AC
Umakyat yung lalaki ay bading pala at parang nahihiya pa kaya niyakap ito ni Riyu at pinosasan sila.
Myghad! totoong posas ito, nakakagulat sila ah.
"Goodevening, I'm Angelica Palacio, 3rd HRM, sa taong makakakuha sakin di kita papabayaan"
*Umikot na ang tambyolo*
"The winner is 01435"ani ni AC
Umakyat na yung lalaki. Ampogi nung nakabunot sa kanya, mas maswert pa yata siya kaysa doon ka nakabunot sa kaniya eh. Joke
...
Ayun natapos din sila Allen at Ruby pati yung tropa ni Gray at si Kenneth naman ngayon halos mabaliw na si Lay dito.
"Goodevening everyone, I'm Kenneth Franco salvador, 3rd Computer Engr. at sino man ang makabunot sakin at sinisigurado kong masasatisfy ko siya"
*Umikot na ang tambyolo*
"The winner is 042280"ani ni AC
"OMG!!!!!! Its me ! Its me !" habang naglulupasay si layla pagaakyat ng stage at ikinadapa nya pa kaya natawa tuloy ang lahat.
"I Love You Kenneth"ani ni Layla at parang kinakabahan si Kenneth sa kaniya grabe naman kasi si Layla eh.
----
Medyo pinanghihinaan na ako ng loob wala naman akong pagasa dito eh.
paalis na sana ako ng biglang...
"Goodevening everyone,I'm Gray Collins, alam kong maraming nakakilala sakin sa dating ako pero gusto ko mabago ito para sa ikakaunlad ng lahat" aniya at tumili ang lahat ng mga babae...
*Inikot na ang tambyolo*
*The winner is 042281*ani ni AC na ikinagulat ko -.- at may biglang sumigaw.
"Kay Hope yan"!!!! alam kong si Layla yun at dahil dun napaakyat nako sa stage.
Marami akong naririnig na nagsasabi "Bat siya pa" "Answerte ng mga bakla" Hindi ko alam kung matutuwa ako sa mga sinasabi nila o maiinis, bangag ako ngayon!
---
Pinosasan kami ni Gray at bigla niya akong inakbayan at hinalikan sa noo. Naestatwa ako sa ginawa niya. s**t!
"Mukhang itinadhana talaga tayo Hope"aniya habang naglalakad kami papuntang gilid ng stage. Trip lang yata ako nito eh
"Tsss... Suwerte ka lang kaya ganun"ani ko at nanahimik na siya at nilingon ko si layla na mukhang sinasaniban na ewan. Natatawa nalang ako.
Natapos na ang lahat ng mga raffle at biglang nagsalita sj AC
"Lets welcome the Jackpot price boy and price girl" Aniya na ikinagulat ng lahat.
"Si Daniel un ah" ani ni Layla
"Pati ba naman yang lalaking yan. Hay nako" rinig kong sabi ni Gray.
---
"Goodevening everyone, I'm Daniel Montederamos, 3rd yr HRM at wish ko na makakuha sakin ang karapat-dapat na tao"
*Umikot na muli ang tambyolo* ng biglang sumingit Layla
"Wait! wait ! I suggest na ibalik ang lahat ng raffle ticket na previously nabunot para may thrill diba?" aniya na ipinagtaka ko.
Gusto niya bang dalwang lalaki ang kasama niya? Abno na yata 'tong si Layla eh
"I agree with you Ms.Tuazon" at ibalik lahat ng raffle ticket.
*pinaikot na muli ang tambyolo*
*The winner is 042281*
WHAT! ako nanaman -.-
"Pati ba naman kay Hope may kahati ako?"narinig kong sabi ni Gray.
Wala na akong choice kundi umakyat ng stage with Gray. Magkabilaan ung posas sakin mukha nakong tanga.
"SUWERTE MO HOPE" dinig kong sabi ng mga taong malapit sa stage.
Di ko alam kung matutuwa ako basta hindi ko maexplain yung nararamdaman ko.
--
Pagkatapos ng program ay inihatid ako ni Gray at Daniel na ikinagulat nila mama at papa..
"Anak,Isa-isa lang"ani ni papa na ikinapula ng mukha ko.
"Grabe naman to si papa, nanalo lang ako sila yung price"ani ko habang umaakyat ng hagdan.
"Sus. napakaganda naman talaga ng anak namin"ani naman ni mama
"Itulog nalang natin yan ma"ani ko at umakyat na sa taas.
"Medyo pagod nako at gusto kong magpahinga na borlog na borlog nako"
Hindi ko maintindihan kung bakit ganun kabilis yung pagbabago ni Gray kasi parang noong dati lang ay hindi kami close pero ngayon. Hays ewan
Makatulog na nga!
END OF CHAPTER ELEVEN