TUL 10

1450 Words
Gray's POV ~~~ Hinahanap ko ngayon yung squad ni Hope baka sakaling uuwi na sila kasi gusto ko silang isabay pauwi sakay ng sasakyan ko at syempre kasama ko din yung 3 kumag kong tropa. Wala akong napala kaya ayun diretso na sa parking lot at ng malapit nako sa gate ng makita ko si Hope kasama si Layla at sa tingin uuwi na yata sila. Pero hindi lang pala si ang nandoon dahil may lalaki at si Daniel ito. Magiging karibal ko na yata siya kay Hope eh. s**t! ba't ako ganto -.- erase.erase.erase. Dalawa siguro yung utak ko at biglang humarurot sa harap nila Hope at isinakay sila. Hahaha! Buti nalang ay hindi na pumalag pa si Daniel dahil kung hindi baka mabigwasan ko siya. ... Maingay ang tropa siyempre sinabayan pa ni Layla na OA kung magreact pero masaya lalo na't naaninag ko si Hope sa salamin. SHIT! Ang cute niya lalo na yung napaka-amo niyang mukha. Anghel na anghel kung matulog kaso sa bintana nakadantay yung ulo niya. Dapat ako yung sinasandalan niya eh! ... Nagulat ako nung nahuli ako ni Layla na nakatingin kay Hope kaya nagsimula nanaman ang kakadakdak niya tungkol sa buhay ni Hope. Di ko makalimutan yung sinabi ni Layla. "Sayang noh, walang lalaking handang sumangga ng ulo ni Hope pag nakatulog siya" Ewan ko kung bakit tinamaan ako sa sinabi niya. Maya-maya'y naihatid ko din siya.Hindi naman malayo ang bahay nila pero kailangan mo lang talagang sumakay papuntang school. Hindi naman sa panglalait pero ampangit ng garden nila. Siguro'y hindi lang gaanong naiaayos kaya ganun pero sa loob FUCK! Ang ganda nakakaamaze at parang mansyon yung style pero sabi nga ng mga kaibigan ni Hope sakto lang pero sa probinsya nila'y may Hacienda sila. Gusto kong makapunta doon balang araw. Pagkapasok namin sa loob ay naabutan ko yung mga magulang niya.Gwapo at Maganda din pala kaya pala dun siya nagmana ng kagandahan. Hindi rin ako nagtagal at umalis narin. Inopen ko talaga yung sss ko then inadd ko siya dahil nalaman ko kay Layla at chineck ko lahat ng laman ng f*******: niya lalo na yung mga pictures niyang nakakabighani talaga. Mukhang babae f**k this! After nun umuwi na rin ako pagkatapos kong maihatid si Layla at ang tropa. ---- Daniel's POV Ang ganda ng gising ko ngayong araw at ewan ko ba kung bakit pero alam ko dahil kay Hope yun. Mukhang tinamaan ako ng todo sa kaniya ah. VIRGIN pa siya. Tama nga ako na hindi siya katulad ng ibang bakla na makikita mo sa tabi-tabi dahil matino siya at mapagkakatiwalaan. Nagulat ako kung bakit siya nagalit kanina. Medyo pahiya ako dun dahil maraming tao sa loob at hahabulin ko sana siya ng dumating si Kenneth at hinarang ako. "Dude wag mo ng habulin"aniya "Tsk.  Ano bang ginawa kong mali"ani ko at umupo uli at tinapos ko ang pagkain. May buwanang dalaw yata siya ngayon kaya may topak. Pagkatapos ng lahat ng gawain ko pinatawag kami sa Auditorium kasama pala kami ni Kenneth dun at andun din yung si Gray na laging nambabakod kay Hope. Paepal siya ng husto kay Hope akala mo naman gusto siya. "Alam mo dude, di ko gusto yang lalaking yan medyo epal"ani ni Kenneth habang nakatingin sa pwesto nila Gray. "Ako din naman eh, karibal ko kay Hope" inis kong sabi sa kaniya. "Sana lang ako yung mabunot ni Hope" buong pag-asang sabi ko sa kaniya. "Bakit kasi sa kanya dude, marami pa naman dito eh" aniya kaya napangiwi nalang ako. "Iba kasi siya eh basta hindi ko maipaliwanag yung feelings ko" ani ko't nagkibit balikat na lamang ako. ---- Pagkatapos nun ay nagpasiya na akong umuwi kasama si Kenneth at iniintay ko ang paglabas ni Hope para naman maihatid ko siya at makabawi sa nangyari kanina kaso dumating nanaman yung Epal! Hindi pa nga kami nakakapagusap ng maayos ay kinuha na niya si Hope sakin. P@#$/^& !!! Gray Humanda ka dahil hindi magiging iyo si Hope. ----- Layla's POV (Kagulat ba? Lahat ng characters magkakaroon ng part dito. Basta staytuned para updated) - PL Hay nako. Medyo boring din pala kung hindi mo kasama yung pinakaclose mo. Bakit pa kasi nagAccounting pa si Hope at Ruby at si Allen nama'y Engineering. Hay buhay. Pero ok lang dahil may get together kami ngayong recess at napagusapang treat ito ni Allen. Anyway, I'm Layla Tuazon Malapit na maggraduate sa kursong BSE in Secondary . Basta Bestfriend ko si Hope at noong una'y ayaw niya sakin kasi ang OA ko daw pero hindi nagtagal ok na sa kanya ... Madalas kasi bigla nalang akong naglulupasay if kung merong nakakagulat at nakagigimbal na pangyayari tsaka malakas din kasi boses ko at sobrang nakakatrauma daw. Hindi daw bagay kasi may pagkanerdy ako at di fitted sa aking pananamit. But I don't care. Whahaha Nakakaloka lang na maraming nagkakagusto kay Hope. Tarush ang ganda ng besty ko pero gusto ko yung kasama niya na si Kenneth kasi may hawig kasi siya kay Chanyeol (EXO).Ampogi kasi eh at siya yung dahilan kaya ako di mapakali dun sa raffle ticket na yan ... Kaya dapat ako ang manalo sa kanya!!! *CrossFinger* ---- Tulad nga ng naiisip kong mangyayari. Nagsisidatingan ung mga manliligaw ni Hope kaya ewan ko kung bakit ako sumakay at hinila si Hope pasakay sa loob ng sasakyan ni Gray. EWAN -.- Di ako bias Promise :) Medyo nakakatawa lang ng mahuli ko si Gray na nakatitig kay Hope habang natutulog at ewan ko din kay Hope kung bakit yun nakatulog. Siguro nga at pagod ito kaya ayun borlog. Syempre. Naiuwi na siya ni Gray at nang pagbalik niya'y tinanong  ako ni Gray kung ano sss name ni Hope at ibinigay ko syempre. Yes! hindi talaga ako bias. Aba. Makatulog na nga at marami pang gagawin bukas Tomorrow is another Day!!! ^^ ---- KINABUKASAN ---- Hope's POV ~~~ GoodMorning Philippines! Hay! Ang ganda ng Gising ko ewan ko pero napapadalas na ito ah. Thanks G! Ay! Ang aga papala?! 5:41 palang eh 8am pa naman klase ko mamaya. Makabili muna ng almusal para naman makabawi din ako dito sa bahay. Hindi na kasi ako nakakagawa ng gawaing bahay kaya peace offering nadin. Hindi pa naman gising sila Mama at Papa kasi wala pang tao sa baba at sarado pa ang mga ilaw. Habang naglalakad ako papunta grocery ay nagulat ako sa nakita ko sa loob ng sasakyan. Si Andrew! Nakahubad siya at may kasamang babae. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. f**k boy na ba siya? Medyo nakakadiri naman pero nakakalungkot na bisyo niya na ang s*x. Naiiyak nanaman ako. (Ano ba hope?! Tama na Huwag mong iyakan yang taong yan) Hays. Buti nalang lumalaban pa ang isip ko pero paano naman kaya ang puso kong durog-durog na dahil sa kaniya. Tss. Naglakad na ako papunta dun at few minutes nakauwi din ako at naghanda ng masarap na almusal. "Hmm Ang bango naman niyan anak" ani ni papa at with matching paamoy-amoy na akala mo namang may naamoy pero wala talaga. "Naks naman anak, pwede ng magasawa" ani ni mama. Nagpapatawa ang nanay ko! "Ma,Pa gusto ko lang makabawi sa mga araw na di ako nakatulong sa inyo dito sa bahay"ani ko sabay upo at hinarap ng taimtim ang aking pagkain. "Wala yun anak, siya nga pala BOYFRIEND mo ba yung kasama mo kagabi?" ani ni papa habang nagbabasa ng kaniyang dyaryo. "Si Gray? Pa naman eh.Syempre hindi kaibigan ko yun tsaka lagi nga akong binubully nun eh" ani ko na ikinatawa nilang dalawa "Ganun ba anak? Parang ganyan din kami ni mama mo dati, pero sa huli kami parin ang nagkatuluyan" ani ni papa sabay kindat kay mama. Kitang-kita ko naman ang pagpula ng mukha ni mama. "Kumain na tayo" ani ni mama sabay irap kay papa. Answeet nila kainis! ---- Pagkatapos kumain ay naligo nako at naghanda ng pumasok at sakto namang nakasalubong ko si Layla. "Sakto ka bessy, Tara sabay na tayo" aniya ng makalapit sa'kin "Sige" ani ko at pumara na kami ng jeep papuntang school. --- Habang sa paglalakad namin may naalala ako yung sa sss kagabi yung pagadd ni Gray sakin na hindi ko inaasahan. "Oy!Layla de Lima may sala ka! May alam ka ba kung bakit nalaman ni gray sss ko?" ani ko habang nakataas ang kilay ko. "Whahah syempre meron, ibinigay ko malamang" aniya sabay tawa. Loka talaga "Nakakatawa pa yun ah" aniko na medyo nainis "Nako bessy marami ng nagkakandarapa sayong boys diyan oh, kasama na si Gray dun kaya pagbigyan mo na" aniya sabay kindat. Ewww! "Lalaking-lalaki yun si Gray at hindi magkakagusto sakin yun"ani ko "May mga tunay na lalaki pero kayang magmahal ng bakla at ituring itong prinsesa nila"aniya sabay hawak sa balikat ko. "Whatever"ani ko. Kahit walang boyfriend 'tong babaeng 'to sobrang lakas makahugot. Pagkatapos namin magusap nahiwalay na kami at nagkausap-usap lang ulit sa Cafeteria kasama sila Ruby at Allen. Masyadong busy 'tong araw na ito kaya aral-aral muna at bukas hayahay naman dahil may raffle draw bukas. Kailangan kong maghanda bukas pero wag ng umasa na mananalo ako doon at kung manalo man baka hindi lang ako mag-enjoy. END OF CHAPTER TEN
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD