TUL 9

1974 Words
Unfair Love (The Mixed Emotion) Hope's  POV ~~~ Umagang Kay Ganda! Urrgghh.  Masaya ang gising ko ngayon dahil hindi ko naman napaginipan si Andrew. Hindi na nga yata panaginip yun eh. BANGUNGOT na -.- Btw. Ngayon pala sasabihin ni Daniel ung kapalit ng pagadd niya sakin sa sss. Ano kaya un? Medyo kinakabahan ang dyosa niyo . Tse! makaligo na nga ... *** Kakatapos ko lang maligo kaya nag-open muna ako ng sss para  makastatus or chat kung meron medyo maaga pa naman at 9am pa klase ko. *5 unread messages* Luh? Pagkakaalam ko halos wala ng online kagabi ah. *99 Notifications ... WTF! Floodlikes ako ni Daniel? akala ko tulog na yun kagabi mas nauna pa ngang mag offline un at lahat ng photos ko ay nilike nya pati ung mga neneng days ko noon Joke! Totoy days pala! I-cliclick ko na sana ung messages nang bigla akong tinawag ni Mama ay pabitin naman si mudrabells. "Anak kakain na!" Sigaw ni mama na akala mo nasa kabilang subdivision yung taong tinatawag niya at mas malakas pa yata yung boses niya sa megaphone eh. Haha! "Opo ma! Saglit lang" ani ko't inayos muna ang mga gamit ko bago bumaba para mag-alumusal. Actually, ayoko munang kumain dito sa bahay dahil balak ko sa cafeteria nalang kumain kasi gaya nga ng sinabi sa'kin ni Daniel importante daw pero ok lang bakit ko naman tatanggihan ang grasya na nasa harap ko diba? Shit! 8:13am na! "Ma! Pa!" Ani ko pagkatapos kong mailagay ang mga pinagkainan ko sa lababo. "Bakit anak?" sagot naman ni mama habang busy sila sa pagkain ni papa. "alis na po ako, papasok na sa school" ani ko't nagpunas ng kamay bago bumalik sa dining hall. "Ingat ka anak ah, wag na masyadong magpagabi nagaalala kami ni papa mo" alalang sabi ni mama kaya hinalikan ko siya sa pisngi bago ako umalis. *** Sumakay nako ng jeep papuntang campus at sure naman akong hindi malalate dahil 8:32 pa lang ay nakarating nako sa campus at napakahabang oras at minuto pa. Ay! oo nga pala asan na si Daniel? Palingon-lingon ako sa kaliwa't kanan at medyo nakakahilo pero wala siya ng biglang ... BOOM! Wala na sumabog na'ko. Joke! Natumba nanaman ako dahil may nakabangga nanaman sakin kaya tumayo ang reyna syempre! di ako padadaig ... 0_0 WOAH!!! "Oh natulala ka yata?" ani ni Daniel na ngayo'y nasa harapan ko at seriously? Bakit amPOGI nya sobra lalo na ngayon ... namumula nako shet. "hindi ah-h-h" pautal-utal kong sabi sa kaniya at kita ko na ngumisi siya. "Tss. namumula ka pa,nauutal. crush moko noh?" Aniya na lubhang ikinapula ko. Grabe ka Daniel 'wag kang ganyan. "Gago ka! hindi ah" pagmamatigas ko sabay hampas sa kanang braso niya pero deep inside OO punyeta kasing kabaitan at kagwapuhan yan... "Tara na nga! Punta tayong cafeteria... Kain tayo treat kita" paanyaya ni Daniel pero hindi ako gumalaw. "Sorry pero busog pa'ko" ani ko't ningitian siya baka kasi madisappoint kung hindi ko sasamahan. "Ok lang yan basta dun tayo...tara!" aniya sabay hila sa kamay ko. Kinikilig ako mga bes! Mukha tuloy kaming magjowa xD ...pero answeet niya kasi eh WHATEVER. *** Habang nasa dining area kami kumakain pero ewan ko ba parang nawala yng pagkabusog ko at ang kada subo niya'y ayun naman yung paglunok ko. Oo nga pala ung sasabihin niya na dahilan kung bakit ako napaaga ng pasok ngayon! "Oy! May sasabihin ka diba?" Pagbasag ko ng katahimikan na ikinatigil niya sa pagsubo ng pagkain. "Ahh yung kagabi?" Walang emosyon niyang sagot. Aba matinde! "Okay so ano nga?" Excited kong tugon sa kaniya pero napa-buntong hininga lamang siya. "Wala yun, ikain mo nalang" sagot naman niya at sumubo ng pagkain niya. Ano yun? Ganun nalang siya at biglang mawawala sa mood. "Niloloko mo ba ako?I'm just waiting kung ano yung sasabihin mo pero wala lang? akala ko pa naman importante" inis kong sabi at medyo pasigaw sabay walk out. Naiinis ako ah masyadong paasa. "Saglit lang Hope" pagpigil niya pero dire-diretso lang ako palabas ng cafeteria. *** Nasa hallway na'ko at medyo malapit na sa room ko kaya ilang kembot nalang ng biglang nakasalubong ko si BAKULAW. "Oy! Halikanga dito DUWENDE" nakangising sabi ni  Gray pero wala ako sa mood para sabayan siya ngayon. "Manahimik ka ha! Wala ako sa mood makipagsabayan sa mga kalokohan mo!" Inis kong sabi na ikinagulat niya. Tarush naman aketch "Aww" sambit niya pero hindi ko na pinansin yun at hindi naman ako nagmamadaling maglakad yung tama lang at akala ko wala na siya pero hindi kasi nakasunod pala si tanga... "Oh! anong ginagawa mo dito?" Taas kilay kong sita sa kaniya. Achievement na talaga 'to. "Ahmm bat nagiba ka ngayon? Pasensya na pala... kanino ka badtrip?"tanong niya sa'kin ng tumigil kami sa paglalakad at hinarap ko siya ng maayos. "Tss. sayo okay ka na?" Walang gana kong sagot sa kaniya at napaisip siya bigla. "Luh? panong ako eh ngayon lang kita pinuntahan" depensa niya sa'kin. Oo nga pala, haha! "Layuan moko please lang" maglalakad na sana ako ng pigilan niya ako. "Oo pero ihahatid muna kita sa room mo... saan ba?" Naka-ngisi niyang sabi sa'kin kaya ako naman ang nagulat. Anong trip ng lalaking 'to? "Sige" tipid na sagot ko sa kaniya. *** Gray's  POV Umagang kay Ganda! Gusto kong hanapin si Duwende at pagtripan ngayon kasi namimiss ko siya at ewan ko kung bakit natutuwa ako kapag inaasar at inaaway ko siya. Saktong pagpunta ko ng cafeteria kanina ay nakita ko si Hope kanina may kasamang lalaki at si Daniel yun. Hindi ko siya tropa pero nakasama ko na yun dati ... Hindi sa kama ah! Nagulat ako ng biglang tumayo si Hope at nagwalkout. Mukhang galit at badtrip yata? Hinarang ko siya para kausapin pero antaray niya sakin ngayon at hindi tulad ng nakaraang araw grabe nakakatakot siya pero ang ganda niya't mukhang babae talaga siya. Mukhang anghel kahit na nadedemonyo na ..xD Di ko alam sa sarili ko kung bakit ako biglang nagkaroon ng pake sa kanya eh samantalang dati naiinis ako... Tulungan moko LORD! Hindi ko alam ang gagawin ko! Naihatid ko siya sa room nila at ngayon alam ko na AB-1 ang klase na niya dito. Bussiness Administration pala ang course niya. Medyo malayo din pala pero ok lang kasi kaya namang takbuhin ung room ko sa kabilang building. KRING!! Sandro: Dude, punta ka dito ngayon sa auditorium pinapatawag tayo ng school head. Ako: Ha? para saan naman? ikaw lang? Sandro: hindi naman ... andito kaming tatlo ... bilisan mo! Ako:Ge fine -.- *** " Oh Mr.GrayBully andito ka na pala at buti nalang cassanova ka pero kung hindi wala ka dito ngayon" ani ng School Head na ikinagulat ko. "???" "Dude" napalingon sa mga nagsalita't sila yun. Andito nga sila si Carlos, Sandro at Edward. Mahirap maging campus heartrob noh? xD Umagaw ng atensyon ko na andito din si Andrew, Daniel at Kenneth ang mga lalaking medyo kinaiinisan ko't hindi gaanong close. *** "Magandang umaga sa lahat at pasensya na pala kung naabala ko kayo sa mga klase niyo pero importante itong pagpupulong natin pero bago ang lahat ako nga pala si Aljifier Castillo call me AC ang school head ng ating campus, 3rd yr. ComputerEngr." Ani ni AC habang nakangiti samin. Plastic! "Kaya ko pala kayo pinapunta dito dahil kayo magiging prize girl at prize boy kayo for 365 hours  at ang perang malilikom natin dito ay gagamitin para sa mga estudyanteng hirap sa kanilang tuition sa ating school at sana hindi malaman ng kahit na sino kung ano ang papel niyo dito hanggang sa araw ng raffle. Maliwanag ba?" Mahabang paliwanag niya. Andaming pakulo eh noh? "Yup" sagot ng lahat sa kaniya *** "Ansaya nito tol! araw-araw kong maikakama ang makakakuha sakin" tuwang-tuwa na sabit ni Edward. Baliw talaga "Gago! pano kung bakla. Edi kawawa ka" ani ni Sandro na mukhang napipilitan lang dito. "Arte niyo pareho lang naman un" singit ko sa usapan nila kaya tinignan nila ako na para bang may itinatago ako. "Nako! Gray may ipinahihiwatig ka ba?" Nakangising sabi ni Sandro. "Gustong mong sikmuraan kita?" Inis na sabi ko't pinakita ang kamao ko at ayun tumahimik din sila -___- *** HOPE's  POV Recess time na at nasa cafeteria ako ngayon habang inaantay ko yung mga kaibigan ko kasi ngayon lang kami ulit magkakasama-sama at bukod kay Layla kaibigan ko din sila Allen at Ruby na ngayon ko lang ulit nakita matapos ang ilang taon. Hay nako mahabang salaysay ang mahalaga ay magkakasama na kami. "HOOOPEEE!!"Sigaw ni Layla habang tumatakbo kasama sila Allen at Ruby. "Hoy Talakera ka talaga" ani ko sabay sabunot sa buhok niya. Maganda naman si Layla eh kaso nerd nga lang ung ugali niya at hindi bagay sa kanyang pagsasalita at pananamit kaya napagkakamalang anime. "Nako,Bakla punta tayo mamaya sa auditorium" nakangiting aya sa'kin ni Layla. "Ha? para saan naman?" Ani ko at biglang sumabat si Ruby. "May paraffle kasi ang campus natin at tao ang prize" nagulat naman ako sa sinabi ni Ruby pero ok lang din at hindi na ako umaasa na makukuha ako sa ganyan. "Ah siige ng matahimik ka Layla"ani ko at saktong dumating si Allen bitbit ang pagkain namin. "Oh, tara na kain na tayo pagkatapos kita nalang tayo mamaya bago umuwi" masayang sabi ni Allen. Namiss ko 'tong lalaking 'to. "Pwede ba kaming makiseat in?"nagulat naman ako sa nagsalita at paglingon ko'y si Gray at kasama ang buong tropa niya. "Sure"ani ni Ruby at naglaan ng space para sa kanila. "O Hi daw sayo Hope sabi ni Gray"ani ni Carlos na ikinatawa ng lahat. Baliw? "Tss"ani ko pero medyo namula ako at ang ipinagtataka ko kung pano sila nagkakila-kila. Weird! *** Kakatapos lang namin kumain sa cafeteria at ayun na nga kasama ko sa Layla nakapila kami sa bilihan ng ticket pero ang totoo siya lang at  nagaantay ako, sabi ko kasi na siya na ang bumili ng sa akin. "Baklang Hope! ito na shems pagnanalo tayo dito may maidadate tayo"aniya na ikinatawa ng nasa paligid niya "Nakakahiya ka talagang babae ka tara na nga at umuwi na tayo tutal wala naman tayong klase ngayon" "Hays. KJ mo porket maganda ka? ganyan ka na djk. Oh! ito pala ticket mo! in the next day na ung raffle niyan" aniya habang naglalakad kami pababa ng hagdan. Palabas na kami ng campus ng biglang... "Hope" Paglingon ko nalaman ko si Daniel nakatayo sa gilid ng kotse niya at mukhang may kasama at  si Kenneth yun. "Ui! Sabay ka na sakin" aniya at halatang malungkot dahil sa ngarag niyang boses. "Tsk :/ ahh si-" naputol na yung sasabihin ko ng may biglang may bumusina sa harap namin nila Layla at si Gray pala ito naka-kotse kasama ang tropa niya. "Hope, sakay na hatid na kita"aniya at hinila na ako ni Layla sa sasakyan nito. "Sensya na Daniel"ani ko at sinara na ang pinto ng sasakyan. *** Sobrang tahimik sa loob kaya nabalot ako ng dilim. "Oh Hope san ka pala nakatira?" ani ni Edward "Tulog na oy! basta ituro ko nalang magkapit bagay lang kami niyan" ani Layla at inayos ang ulo ko at inilagay sa balikat niya. "Sayang noh, walang lalaking handang sumangga ng ulo ni Hope pag nakatulog siya" ani ni Layla "Ako na lang" ani naman ni Sandro ng biglang sumabat si Gray "Tss pasalamat kayo ako ang driver" ani ni Gray na medyo napalakas at nagising ako. "Oh malapit na tayo sakto ka Hope ah"ani ni Layla "Bakit anong meron?"tanong ko habang nagaayos ng buhok "Wala" ani ni Edward *** Bumaba na ako ng sasakyan medyo pagod na ako pero nagulat ako ng hanggang sa loob ay hinatid pako ni Gray. "Magandang Gabi po, Ako po si Gray kaklase po ni Hope inihatid ko po siya medyo pagod po yata siya" ani ni Gray. Ambait naman pala! "Kay gandang lalaki naman pala anak...Salamat sa paghahatid sa anak namin ah" ani ni Mama "Walang Anuman po"aniya at umalis na iniwanan niya ako ng ngiti... "Ma! tulog nako medyo pagod talaga ako eh" ani ko at umakyat na sa kwarto baka kasi pag nagtagal pa'ko ay marami pang itanong si mama. Matutulog na sana ako kaso naisipan kong magfb kaya medyo nabuhayan ako... *1 sent you a request* *click* *Gray Yarg* "Huh" sabi ko sa sarili ko "Sino to?" *checking the photos* "Ahh si Gray" :) Ang ipinagtataka ko kung bakit niya ako inadd at kung paano niya nakuha ung sss acc ko... Di ko na kaya inaantok na talaga ako atmaaga pa ang pasok bukas. END OF CHAPTER NINE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD