Unfair love
Chapter 8 (The MALAS day )
Hope's POV
"Siguro naman titigil na yung bakulaw na yun dahil sa kahihiyang nangyari sa kanya na dulot ko." masaya kong bulong sa sarili ko at ready ng gumora sa campus.
Naglalakad ako sa papasok sa school at saktong nakita ko si Bakulaw kaya nilapitan ko sya.
" Bakulaw!!"sigaw ko sa kanya at ramdam ko na takot na takot sya sa akin. Pagkalapit ko sa kanya, pinektusan ko agad.
"Lumuhod ka !"pasigaw kung utos sa kanya na sinunod naman niya.
" Master Hope, tama na po.!"pakikiusap niya sakin at halos maiyak nyang pagmamakaawa pero hindi ako nagpatinag kaya sinipa ko siya dahil yan ang nararapat (bwuahaha).
" huhuhu MOMMY!"iyak ni bakulaw. Himala ah dahil ngayon ko lang nakita na nasasaktan 'tong lalaking 'to.
"Sa susunod wag mo akong kalabanin." sabi ko sa kanya at napatango lang sya.
" hmmmm.. Ini-imagine ko lang ang saya saya na, panu kaya kung totoo na" sabi ko sa sarili na nakangiti hahaha! May gana tuloy akong pumasok.
Tas tinapon ko na ang bubble gum sa sako na pink na nakita ko sa likod ko dahil wala pang laman ang mga sako.
Ang dami naman nya para saan kaya to?
"Well it's none of my business"bulong ko sa sarili ko.
Naglakad na ako nang may bumangga sa aking likod.
" araaaayy naman"nilingon ko ito. tsk ! not my type. Haha agad agad ?!...
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad pero napansin kong tumatawa ang mga estudyante sa tuwing tumitingin sa akin kaya pinahid ko yung mukha ko eh wala namang dumi ah! React ng isip ko, well bahala sila.
Naglakad na lang ulit ako at nang makita kung papalapit si bakulaw. Tinaasan ko ito ng kilay pero dinaanan niya lang ako sabay sigaw ng
"REYNA NANG MGA SAKO!!"Sihaw ni bakulaw habang tumatawa sila ng mga unggoy niyang tropa pero patuloy ako sa paglakad. Ano kaya ang ibig nyang sabihin niya? Kaya nilingon ko sya.
Nakatawa parin sila papuntang canteen at napansin na ng gilid ng mata ko ang mga sako.
Shiiitttt!!!
Kung baliw ako siguro iisipin kung sinusundan nila ako pero, wahhhhh napansin ko yung string na nakakabit sa bag ko kaya dali-dali ko itong tinanggal.
"BAKULAWWWWWWW!"Sigaw ko ng matanggal ko na ang string at pumunta agad sa classroom.
Natapos ang klase pero hindi muna ako umuwi dahil dumaan muna ako sa computer shop at hindi pwede na ganito nalang lage.
Humanda sya sa bagyong HOPE na darating sa buhay nya. Pagsisisihan nyang kinalaban nya ako. Ni research ko ang " how to prank a straight guy" at ang dami ng lumabas.
"Humanda ka na bakulaw"insert evil laugh(BWUAHAHAHA!).
"Haha baliw!" boses ng isang babae na ikinalingon ko.
"Yeah, girl tama ka! " boses naman yung nang isang bakla. Tae nasa computer shop pala ako at
nakakahiya dahil ang lakas lakas pa ng boses ko kaya nag out na ako at umuwi..
Pasakay na sana ako nang may natanaw akong pamilyar sa akin.
Si andrew at may kasama siyang babae. Nakayakap ang girl sa kanya at sya din. Ang sweet naman nilang dalawa sa anggulong iyon.
Naramdaman kung may tumulo sa mata ko. s**t umiiyak ako kaya binaling ko ang tingin ko sa sasakyan na tumigil at sumakay agad ako. Naiinis ako sa sarili ko.
" bakit ko ba sya pinakawalan?!"ani ng puso ko.
" the question is bakit di mo pa sya kalimutan?! Masaya na sya oh!" Pambabara naman ng utak ko.
"Mahal ko pa bes" makatotohanang sambit ng puso ko.
"Yan kasi, pano ka matututong mag move on kung lagi mong iniisip na mahal mo pa sya.?"pangangaral ng utak ko.
"Di ko kayang kalimutan sya bes. Ang hirap mag move on at wala na akong makikitang katulad niya" pagdadahilan ng puso ko.
" Bes buksan mo lang yang puso mo at makikita mo kung ganu ka mali yang pinagsasabi mo" pambabara ng utak ko. My god!
"Shiiiiittttt tama na please? Awat na!" Napipika na'ko ah. Haha tae kinakausap ko puso at utak ko. Ano ba kasing ginawa mo sa'kin Andrew?
Inangat ko ang ulo ko para tignan kung malapit na ako sa amin. Charlie puth** . saang lugar to?!
"Ah, excuse me ate?! Nasaan na po tayo?" tanong ko kay ate na busy sa kung saan.
" nandito na tayo sa bla bla bla" explain ni ate. Andami pang sinabi eh isa lang naman ang ibig sabihin eh.
NALILIGAW AKO!
"Ah okay!" tae na di pala ito yung jeep na sinasakyan ko at ang masakit pa eh wala akong alam sa lugar na ito.
" kuya babalik pa ho ba ito sa school kanina?" tanong ko gamit ang malakas kong boses. Sobrang lakas kasi ng tugtugan ni manong driver.
"Nako bata , di na kasi 10 na nang gabi at gagarahe na ako. Bakit ba bata?!" Aniya at nilingon ako ngunit muling tumingin sa daan.
"Wala po kuya, sige baba na lang ako"bumaba na ako baka sa kung saan pa'ko makarating kaya lalakbayin ko nalang ang daan dito.
Pero shiiitness kasi di ko alam kung saan sya lumiko-liko kanina! nakakainis talaga dagdag mo pa yung driver na tinawag akong bata!
Langhiya naka uniform ako oh! Di nya napansin. Actually unique kasi tong uniform namin, kung sino man makakita nito malalaman kaagad na college kana kasi nga ano. BASTA.
Naglakad nalang ako dun sa may bench na malapit sa may park. Ang ganda dito comment ng isip ko. Umupo ako, nag iisip ako. Pano kung mawawala ako dito't hindi na makabalik.
Edi wow.
Mababaliw ako nito eh. Wala namang dumadaan na jeep dito eh. Mga mamahaling sasakyan lang naman. Maiiyak na talaga ako.
"BAKULAWWWWWW!" Nagulat ako sarili ko kasi ba't bakulaw yung sinigaw ko? Haha! nagiging expression ko na ang bakulaw na 'yan.
"Pag may dumaang taxi, mag tataxi talaga ako papunta sa amin." ilang oras pero wala man lang kahit isang taxi ang dumaan. Bwisit talaga.
" sana may taxi namang dumaan"bulong ko habang naka upo parin at ilang sandali lng ay may dumaang taxi kaya dali-dali akong tumakbo.
Nang biglang...
"Aww.!"sigaw ko dahil nadapa ako at ng tumingala ako'y wala na ang taxi, maghihintay nalang ako dito. Ilang sandali may dumaan. Dali dali kong pinara. kaso occupied. Ilan ilan din ang dumaan na occupied.
"Tae wala man lang vacant jan?" Sigaw ko!
Ilang sandali may vacant na taxi ang dumaan at pinara ko.
"Sorry bata, mag gagarahe na ako".
sabi ng taxi driver at pinaharurot ang sasakyan.
Suko na ako kaya bumalik ako sa upuan ko.
"Pag may dumaan na vacant na taxi at di pa gagarahi HINDI TALAGA AKO SASAKAY"sigaw ko sa inis
Ilang sandali may dumaan. Tae vacant sana kaso, di ko pinansin. Kaya umalis , may umulit na naman. Tae talaga at nang dumaan ang ikatlo. Tumakbo na ako uy kasi sayang ang opportunity.
So sumakay na ako and after 200 years ay nakarating na ako sa amin at mabawasan din ng 200 yung pera ko dahil binayad ko sa taxi.
Kapagod lalo na nung nagexplain na ako kina Mama, nagworry talaga sila. So mom let me take a rest na agad at sya nalang daw ang gagawa ng mga gawain.
Pagpasok ko sa kwarto open laptop and then nag sss ako at may sarili akong pocket wifi naman ako kahit papano eh. May nag add.. OMG si Daniel the naked.
View profile and then woah.. super hot and sexy. Gosh his abs, biceps, V-line and lastly the bulge .. naka summer short Lang sya, so ayun bakat na bakat mga ate! Kabog talaga...
ANG Gwapo nya , AS IN G.W.A.P.O.
Ideal Boyfriend talaga sya sanamay chance akong maranasan ang pagmamahal niya kaso hindi na siya virgin eh pero okay lang. Inaccept ko ang friend request nya at ilang sandali'y may nag pop-up nya chat box.
/Hi Hope?/ daniel
/Hello, hihi salamat sa pag add ah/
/anong salamat/
/huh? What you mean?/
/may bayad yung pag-add
ko sa'yo/
/Grabe naman, wala akong pero uy!/
/Wala naman akong sinabi
na pera ang ibabayad mo?/
/eh, ano? Ginto?/
/haha, bakit meron ka?/
/wala din , pera nga wala ako,
ginto pa kaya/
/wala naman pala eh,
edi iba nalang/
/e ano nga ?/
/bukas nalang, sa school/
/tae, may pa thrill thrill ka pang nalalaman. Sabihin mo na nga? Matutulog na ako eh/
/Mamaya ka na matulog Hope, please/
. At nagsend pa ng picture na nasa bed na sya at naka pout ang lips. Ang cute... yung abs talaga eh.
/inaantok na ako eh/
/sige pero may itatanong lang ako sayo isang tanong lang/
/ano naman yun?/
/Nakita mo ang ano ko no? yung totoo/
Halos masubsub ang mukha ko sa laptop dahil sa tanong niya.
Binasa ko ulit ang tanong nya, baka kasi namamalikmata lang ako. Tae yun talaga eh.
/Hoy! Speechless ka Hope?/
/Tae, sabing hindi nga. Pwede ba!
Matutulog na ako/
/may follow up question ako/
/ang daya sabi mo isa lang/
/isa nga kaso may follow up question talaga yan/
/okay, ano naman yun?/
/Nakaranas ka na ba ng s*x/
/H-hindi pa, anong tanong ba 'yan/
/College ka na tapos wala pa?/
/Eh kasi wala pa naman talaga kasi eh/
/sa lalaki?, I'm sure you've done it very well grin emoticon hahaha/
/WALA PA!/
/Ahhh.... wala pa. OK /
/No, I mean Wala. Wala akong balak.
Hoy lalaki ako baka nakakalimutan mo/
Sineen niya lang ako kaya nag-scroll down and like lang ginagawa ko. Until dinalaw ako ng antok at nakatulog na.
Pagod na pagod ako shems!
END OF CHAPTER EIGHT