bc

Sangre 5: Jegsyn Lee, My Guardian Devil (Filipino)

book_age18+
2.9K
FOLLOW
7.2K
READ
age gap
body exchange
brave
heir/heiress
drama
tragedy
bxg
city
illness
lies
like
intro-logo
Blurb

WARNING!

Rated 18

This novel strictly not suitable for minor readers.

Denise didn’t believe that a patient with a heart transplant will able to feel changes in behavior or emotions. But when she was in the situation, her belief shockingly turned her world fantastic. Pero hindi lang iyon ang nabago kundi pati ang feelings niya sa lalaking nakatakda na sana niyang pakasalan. At bakit tila bumaba ang standard niya sa lalaki nang makadama siya nang espesyal na damdamin sa driver niyang si Sean.

She can’t take it as normal, so she finds her cardiologist and surgeon. She met the most handsome, young, and gorgeous doctor, Dr. Jegsyn Lee. He enlightens her about her mysterious heart donor. Pero hindi lang iyon ang nadiskubre niya, kundi ang pamilyar ding damdamin para sa guwapong doctor.

Nahahati ngayon ang puso niya sa dalawang lalaki, and these two guys with the different world was her biggest distraction. But they are not the same feelings for her. She doesn’t know what exactly to do with her life. It seems to be not normal, mysterious, and dangerous.

chap-preview
Free preview
Prologue
Identity: Name:    Jegsyn Lee Age:       358 years old Height:  6’1’’ Eyes:      light brown Favorite Color: Blue/ black   Special Ability: He can disguise, and he can protect his immortal body from the sun. He can use magic or even black magic.              Short Profile: Jegs used to work in the medical industry for a hundred years. He was a cardiologist and a surgeon, but he decided to live like a stranger, without proper identity. He was a bastard of his mother. Her mother was one of the oldest vampires and known as the immortal woman. Jegs has unknown bloodlines of vampires. He also is known as a devil instrument because of his ability to use black magic and evil power. But despite those abilities, he was able to live like a normal creature, easy-go-lucky, but he has a good heart for those people who need a medical assistant. He cares for a woman as one of his goals, not to hurt their hearts, but to protect them.             Prologue   NAALIMPUNGATAN si Denise nang biglang yumanig nang malakas ang hinihigaan niyang kama. Una’y inakala niyang nahihilo lamang siya, pero nang mapansin niya na naglalaglagan ang mga gamit na nakasabit sa dingding ay bumalikwas siya nang bangon. Lumilindol pala talaga! Sobrang lakas ang pagyanig, at halos hindi niya magawang ihakbang ang kanyang mga paa. Paglabas niya ng hotel suite na inuukupa niya ay nagtatakbuhan na ang mga tao. Nabibitak na ang ilang dingding at sahig, nagbabasag ang mga salamin at may nagpuputukang wire ng kuryente. Maingay,  hindi niya maintindihan ang ingay. May nagsisigawan, nag-iiyakan at kung ano-ano pa. Natataranta siya. Maya’t-maya siyang nadadapa dahil sa lakad ng pag-alog ng gusali. Naduduling na siya. Pagdating niya sa elevator ay hindi na ito mabuksan. Delikado rin kung papasok siya roon. Nagsumikap siyang bumaba ng hagdan ngunit pagdating niya sa ikalawang palapag ay nagkandalaglagan na ang mga kisame at chandelier. Nabibitak na ang ilang parte ng sahig. May gumuho nang pader. Wala na siyang makitang tao. “Help!” sigaw niya. Halos hindi na siya makahakbang. Tumili siya nang gumuho na rin ang pader sa harapan niya. Nadapa na naman siya. Hinahapo na siya at kumikirot ang kanyang dibdib. Imposibleng iniwan na lang siya basta ng daddy niya roon. Nag-check in sila roon sa isang hotel sa El Nido Palawan dahil iyon ang birthday gift ng daddy niya, she’s twenty-two years old and graduated in college with honor, kaya doble ang selebrasyon. Iyon ang pangako ng daddy niya, ang ipasyal siya sa Palawan. Ngunit tila iyon na ang katapusan niya. Ayaw niyang mamatay sa ganoong paraan kaya nagsumikap siyang bumangon at tumakbo kahit bugbog na siya sa kakabalya niya sa pader. Pababa na siya ng hagdan nang may marinig siyang sigaw ng babae sa ‘di kalayuan. “Help! Help!” Hindi lang pala siya nag-iisa. Matagal siyang nakapagdesisyon kung tutulungan pa ba niya ang babae. Paulit-ulit siyang bumuntong-hininga habang mahigpit ang kapit niya sa barandelya ng hagdan. “God, please, give me strength and let me save a life. If ever na hindi ako maka-survive sa sakit ko, please at least, I can help before I die,” puno ng determinasyong dasal niya. Buo na ang desisyon niya. Hinanap niya sa mga kuwartong nakahilira ang sumisigaw na babae. Isa-isa niyang binuksan. Sa ikatlong kuwarto niya mas malinaw na naririnig ang boses ng babae. Mabuti na lang hindi naka-lock ang pinto. Nang bunksan niya ito ay tumambad sa kanya ang babaeng naipit ng natumbang aparador ang kalahati ng katawan. “Help me, please!” umiiyak na samo nito. Panay ang buntong-hininga niya. Hinihingal na kasi siya at nahihilo. Ngunit ginawa pa rin niya ang lahat upang mai-angat ang mabigat na aparador. Yari ito sa matibay na kahoy kaya mabigat. Nang mai-angat niya nang mabahgya ang aparador ay gumapang ang babae palabas doon ngunit hirap na itong makatayo. “T-thank you… thank you so much,” anang babae. “We need to get out here right away!” aniya. Ibinagsak niya ulit ang aparador saka inakay patayo ang babae. Nakasukbit sa katawan nito ang pulang shoulder bag nito. Sandaling humupa ang lindol kaya mabilis silang nakalabas. Ngunit pagdating nila sa ground floor ay muling umatake ang mas malakas na pagyanig. Nadapa sila pareho ng babae. Malayo pa sila sa exit or entrance. Nagpumilit siyang bumangon ngunit biglang kumirot at kaliwang dibdib niya. Nanginig ang buong katawan niya at tumindi ang kanyang pagkahilo. “Oh, God! Not now, please!” usal niya. Nauna pang nakaangat sa kanya ang babae. Siya naman ang inalalayan nito. Nakaluhod siya pero lalong sumigid ang kirot sa kanyang puso. “What’s wrong with you?” nag-aalalang tanong nito. Napahawak siya sa kaliwang dibdib niya. Bibigay na ata ang puso niya. “I-I’m fine. Let’s go,” pagsisinungaling niya. Pinilit pa rin niyang tumayo kahit naninilim na ang paningin niya. Kung kailan malapit na sila sa exit at may sumalubong sa kanilang lalaki ay saka naman tuluyang bumigay ang katawan niya. Napaluhod siya sa sahig. Nasalo pa siya ng babae. “O my God! What happened?” balisang tanong nito. Namimingi na siya. Nang bumitiw na siya sa babae ay saka naman siya tuluyang bumagsak sa sahig. Pakiramdam niya’y hindi na tumitibok ang puso niya. Hindi na niya maramdaman ang presensiya ng paligid. “Hey! What’s wrong?” narinig niyang tanong ng lalaking dumukwang sa kanya. Naramdaman niya ang paglapat ng ilang daliri nito sa puno ng leeg niya, na tila pinupulsuhan siya. “Oh, my God! Denise!” pamilyar na tinig ng lalaki, it was her dad. Wala na siyang maaninag, at tanging alingawngaw ng ambulance car ang narinig niya. Ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata. Kasabay niyon ay ginupo siya ng antok at tuluyang nakalimot. “SHE needs an immediate heart transplant,” narinig ni Denise mula sa isang doktor, na kausap ng kanyang ama. Akala niya ay patay na siya. Kagigising niya lang pero ramdam pa rin niya ang paghihirap ng kanyang puso. She was diagnosed with rheumatic heart disease but it’s too late to cure with some therapy or heart medication process. She was suffering from serious heart failure, due to the complication caused by uncured rheumatic fever. Nahulog ang sakit niya sa mas malala pang karamdaman sa puso. Bata pa siya noong nakakaramdam ng mga sentomas ngunit binalewala niya. Busy ang parents niya sa business at madalas ay naiiwan siya sa bahay kasama ang kanyang yaya. Hindi siya nagrereklamo sa tuwing may nararamdaman siya, sa takot na makaabala sa kanyang mga magulang na halos wala na oras sa kanya. She was lack of attention, she doesn’t even have a friend from their neighborhood, or even in school. She’s always alone, seeking attention. Nitong twenty-one years old lamang siya natuklasan na malala na ang kanyang sakit. Last month lang ay sinabi ng doktor niya ang final decision, na kailangan niya ng heart transplant. Naghahanap na ng donor ang parents niya. Pero dahil sa trahedya, tila hindi na siya aabot. Wala pa siyang donor at naroon sila sa Palawan, sa isang private hospital. Hindi siya sigurado kung mayroong available na doktor na makakaya ang sakit niya sa lugar na iyon. But then, she’s prepared… prepared to die. At least, before she leaves, she made good things for someone. That was enough. Naaaninag niya pa ang Daddy niya na kausap ang dokto sa may bukana ng pinto. Malinaw pa sa pandinig niya ang pinag-uusapan ng mga ito. "Diyos ko! Please, doc., gawin n'yo po ang lahat para mailigtas ang anak ko," her dad again. "Tutulong po ang hospital sa paghahanap ng donor. Huwag po kayong mag-alala. May nakausap na kaming cardiothoracic surgeon," anang doktor na lalaki. Lalaki rin ang doktor niya sa Cebu. Hindi niya namalayan ang mabilis na pagdaloy ng luha niya, basta dama lamang niya ang init nito. Tumigil siya sa paghikbi nang mapansin ang isang libro na nakapatong sa bed side table, na abot kamay lamang niya. Kinuha niya ang libro at binasa ang pamagat. Isa itong English novel na may pamagat na… ‘The house of faith’, at isinulat ni Alice Scott. Binuklat niya kaagad ang unang pahina at may sulat kamay. Hi, Denise! This is my first published novel and my copy. I gave it to you as a simple remembrance. You saved my life, and I knew there are no prices that can be paid for your sacrifices to save me, even that you’re in pain. I hardly pray for you to survive. God may always with you, so don’t lose hope. Whatever happens to me, or even you, please keep this book as one of the memories that we had met, even in a minute. Thank you, and please, get well soon. Alice Scott Hindi na tumigil sa pagpatak ang luha niya. Naitiklop niya ang libro nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang kanyang ina, na hilam sa luha ang mga mata. Naalala niya, umalis ang daddy niya sa hotel na tinuluyan nila upang sunduin ang Mommy niya sa airport. Sumunod ito sa kanila. May inasikaso pa kasi ito sa negosyo kaya humabol na lang sa kanila. “Ibinigay iyan ng babaeng tinulungan mo kahapon sa hotel,” anito. Umupo ito sa tabi niya at ginagap ang kanyang kanang kamay. May mga aparatos nang nakakabit sa katawan niya at oxygen. Hirap pa rin siyang huminga. “N-nasaan na siya?” “Naka-admit din siya rito.” “K-kumusta na po siya?” “Maayos naman ang lagay niya. May injury raw siya sa mga binti,” sagot nito. Pinisil nito ang kamay niya saka ginawaran ng halik. “Magpahinga ka muna, may kakausapin lang kami ng daddy mo,” anito saka siya muling iniwan. Narinig niya ang paghagulgol ng kanyang ina sa labas ng pinto. Bumuntong-hininga siya at pilit ikinalma ang sarili. Binuklat niya ulit ang libro na binigay ng babae saka taimtim na binasa. Narinig niyang bumukas ang pinto ngunit hindi siya nag-abalang tingnan kung sino ito. May naririnig siyang kaluskos. Itiniklop niya ang libro saka pumihit paharap sa pinto. Nagulat siya nang makita ang lalaking suot ay bughaw na polo at itim na fitted jeans. May hawak itong punpon ng dilaw na rosas. Matangkad nito, tantiya niya’y may anim na talampakan ang taas nito. Katamtaman ang kaputian ng balat nito, maskulado ang katawan, barber cut ang buhok at obvious na may lahing banyaga dahil sa kayumanggi nitong eyeballs. In short description, he was a drop-dread handsome! “Hi!” nakangiting bati nito. Lalong lumitaw ang kaguwapuhan nito nang sumilip ang mumunting biloy sa magkabilang pisngi nito. “S-sino ka?” manghang tanong niya rito. Hindi niya maipaliwanag ang karesmang taglay ng guwapo nitong mukha. Pero wala siyang pakialam sa hitsura nito. Ang malaking tanong ng isip niya ay kung sino itong bigla na lang pumasok. Mukhang hindi naman ito nagkamali ng kuwartong pinasukan. “I’m Sean, bagong driver mo at bodyguard na rin,” pakilala nito. “Bagong hire lang ako ng Mommy mo.” “Driver?” Tumango ito. “Para sa iyo,” anito sabay abot sa kanya ng rosas. Hindi niya maintindihan bakit ganoon na lamang kabigat ang nararamdaman niya rito. Hindi niya hinawakan ang bulaklak. “Hindi ko tatanggapin ang bulaklak na ‘yan. Alam kong mamamatay na ako pero ayaw kong tumanggap ng advance flowers,” sabi niya. Tumawa ang hudyo. “Grabe naman po kayo kung magsalita, Ma’am. Hindi ka mamamatay, sigurado ako,” positibong sabi nito. Mariing kumunot ang noo niya. Kakaiba ang confidence ng lalaking ito. Still, she hates his guts, she hated his idea to give her a flower. Ayaw na ayaw niyang binibigyan siya ng bulaklak kapag nasa ospital siya. Feeling kasi niya ay mamamatay na siya. “Wala kang alam. At bakit pa kumuha ng driver si Mommy?” inis pa ring sabi niya. Kumibit-balikat ang lalaki. “Siya na lang po ang tanungin n’yo. Iiwan ko na lang po rito ang bulaklak,” anito. “No!” asik niya. “Take those flowers and leave me alone!” “Okay, kayo po ang masusunod.” Binawi nito ang bulaklak. Nagulat siya nang kindatan pa siya nito bago ito tuluyang lumabas ng pinto. Pero bakit parang sumigla bigla ang puso niya dahil sa ginawang iyon ng simpatikong driver niya kuno? “Kainis!” 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Stubborn Love

read
98.8K
bc

OSCAR

read
226.7K
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
501.1K
bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

read
1.0M
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
454.3K
bc

ZACH HOFFMAN

read
225.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook