Chapter One

2682 Words
ISANG taon na ang nakalipas magmula noong naoperahan sa puso si Denise, pero wala pa ring sagot sa katanungan niya kung sino ang donor ng kanyang puso. Simula rin noong na-operahan siya ay ang daming estrangherong damdaming gumugulo sa kanya. Hindi sila natuloy noon sa US dahil may magaling umanong cardiologist at thoracic surgeon na nagbulontaryo na operahan siya, kasabay sa pagdating ng kanyang donor. Pero ang donor ay hindi na nagpakilala. “I’m sorry, hija, we don’t have an idea who your donor is. Hindi na namin inintindi ng Daddy mo ‘yon, as long as safe naman ang process and we are thankful that she gave her heart for free. Processing and facilities, medicines lang ang nabayaran. Hindi na naningil ang surgeon ng kantang professional fee. Gusto lang niyang makatulong sa atin,” paliwanag ng kanyan ama nang magkasalo na sila sa almusal. Halos araw-araw niyang tinatanong ang kanyang ina tungkol sa bagay na iyon. It felt fantastic. She was blessed and thankful that the stranger donor gave her a chance to live longer at least. Though some experts say that a heart transplant patient can’t live longer than a normal one, she still hoping for a good result. Five or more years is a big help. “Imposibleng hindi alam ng doktor na nag-opera sa akin kung saan nagmula ang puso na ipinalit sa akin,” aniya. “Hindi ako sigurado. Noong kinausap ko ang surgeon na si Dr. Lee ay hindi naman niya alam. Pero tiniyak naman nila na ligtas ang pusong ipapalit sa iyo. Magaling si Dr. Lee, halos tatlong dekada na siyang cardiologist at surgeon. Sa England pa siya nag-aral at nagpakadalubhasa. Kaya walang pag-aalinlangang pumayag kami ng Daddy mo sa offer niya. Last will daw ng donor na huwag nang ipalandakan na siya ng donor ng puso mo. Pero kahit sino pa siya, malaki ang utang na loob natin sa kanya at kay Dr. Lee.” Umiikot lang ang isip niya kay Dr. Lee. In her impression, the doctor was an old man and a genius, as usual. Base sa medical background nito, she could say that he was good. Gustong-gusto niyang makilala nang personal ang doktor. Ni minsan ay hindi niya ito nakita, before and after ng operation niya. Halos dalawang buwan din siyang walang malay pagkatapos ng operasyon.  “Si Dr. Lee ba ay regular na doktor sa ospital dito rito sa Talisay?” interesadong usisa niya. “Hindi ko alam, anak. As usual, most surgeons and medical specialists didn’t stay in one hospital. They are on call or by the emergency operation. Pero ang alam ko ay may sariling clinic si Dr. Lee sa bayan ng Talisay. Naging busy lang siya kaya si Dr. Romero ang nagmo-monitor ng condition mo rito sa Lapu-lapu General Hospital.” Hindi na lamang siya umimik. Pagkatapos ng almusal ay hinagilap niya ang medical record niya sa kuwarto ng mga magulang niya. Layon niyang mahanap si Dr. Lee. Nang mahanap niya ang papeles ay kaagad niyang isinulat sa kaperasong papel ang buong pangalan ni Dr. Lee, na siyang pumirma sa medical certificate niya. Hinintay lamang niyang makaalis ang Mommy niya upang makalabas din siya ng bahay. Tinaon niyang tanghalian at kumakain pa ang driver niya. Inantabayanan niyang umalis sa gate ang guwardya saka siya sisibat. Mamamaya pa’y sumalisi na siya. Paglabas niya ng gate ay lumakad siya palayo sa tapat ng bahay nila saka pumara ng pumapasadang jeep. Pagdating niya sa general hospital, ay kaagad niyang hinagilap si Dr. Lee sa information section ng ospital. “Sino pong Dr. Lee ang tinutukoy n’yo ma’am?” tanong ng nurse. Inalam niya ang schedule nito sa naturang ospital. “Uhm, si Dr. Jegsyn Lee,” aniya. “Sandali lang po, ma’am, titingnan ko sa record,” anito, saka nagtitipa sa computer. Panay naman ang linga niya sa paligid habang naghihintay. “Ma’am, wala pong schedule ngayong araw si Dr. Lee at wala pa pong update kung kailan siya magre-report dito,” mamaya ay sabi ng nurse. “Ganun ba? Pero alam n’yo po ba kung saan siya regular na nagsisilbi bilang doktor?” usisa niya. “Base sa record niya, wala po siyang regular destinations. Kahit saang hospital lang po siya nagsisilbi, pero last year ay mayroon siyang clinic along public market sa Talisay. Hindi lang po ako sigurado kung hanggang ngayon ay nag-o-operate pa rin ang clinic niya,” tugon naman nito. “Alam n’yo po ba ang exact address ng bahay niya?” “Hindi ko po alam pero meron po siyang iniwang calling card na may address ng clinic niya.” “Can I have one?” aniya. Hindi talaga siya matatahimik hanggang hindi niya nakakausap nang personal si Dr. Lee. “Isa kasi ako sa naging pasyente niya.” “Wait lang po.” Mayamaya’y may inabot ito sa kanya na kaperasong papel kung saan may nakasulat na address. “Address lang iyan ng clinic niya ‘yang nasa ibaba. Ang nauna ay hindi ako sigurado kung address ng bahay niya. Try n’yo na lang po siyang tawagan,” anito. “Salamat.” Pagkuwa’y umalis na lamang siya. Dumidilim na kaya nagdesisyon siyang umuwi. Malayo ang Talisay City sa Lapu-lapu kaya ipapabukas na lamang niya ang paghahanap kay Dr. Lee. “Saan ka nanggaling?” Kumislot si Denise nang pagpasok niya ng bahay ay biglang bumukas ang ilaw at nagsalita ang daddy niya. Namatan niya itong nakaupo sa sofa.  Tumayo ito at humakbang palapit sa kanya. Kaagad itong pumalatak. “Ilang araw ka nang hindi nagre-report sa opisina, at kanina, na-miss mo ang importanteng meeting. Umalis kang walang paalam. Nakalimutan mo na ba kung ano ang mga pinagdaanan mo at namin ng mommy mo para lang maka-survive ka sa sakit mo? Anong silbi ng driver mo kung lalakad kang mag-isa? Paano namin malalaman kung saan ka hahanapin in case na may mangyari sa iyo?” Nalilito siya kung alin sa mga tanong nito ang una niyang sasagutin. “Sorry, Dad, hindi pa rin ako makapag-adjust sa kumpanya,” sabi lamang niya. Namaywang si Romulo. “Ano’ng gusto mong mangyari sa buhay mo? Walang ibang hahalinhin sa akin sa pabrika kundi ikaw lang. Bumaba na ang demand ng prudokto natin. Hindi ko na alam kung sino ang mapagkakatiwalaan sa mga staff natin. Dumarami na ang complains. Sa palagay ko sapat na ang isang taon upang bumalik ka sa trabaho. Humingi na ako ng payo sa doktor.” “Hindi pa ako handa, Dad. Pakiramdam ko bumabalik ang sakit ko sa tuwing marami akong iniisip.” “What?” Sanay na siya sa kanyang ama. Masungit talaga ito lalo na kapag pagod at stress sa business nila. Naaawa siya rito. Ang dami na nitong sakripisyo para sa kanya. Alam niyang masakit para rito na magkaroon ng anak na masakitin. Nag-iisang anak lamang siya at wala pang katiyakan kung hanggang kailan ang itatagal ng bagong puso niya. Pero at least, nadugtungan ang buhay niya. “I’m sorry, Dad. I just can’t carry all of these changes after my operation. I felt I’m newborn again,” aniya. Humakbang siya palapit sa kanyang ama. Inakbayan siya nito at hinalikan sa noo. “Masasanay ka rin. I’m sorry if I’m forcing you to go back at work. Napapagod na rin ako, anak,” malumanay nitong wika. Lalong nababag ang kalooban niya. Mahigpit siyang yumakap sa kanyang ama. Pagkuwan ay sinamahan siya nito sa hapag-hainan at kumain. Hindi pa raw umuuwi ang kanyang ina mula sa dinaluhan nitong business party. “May nararamdaman ka na naman bang pagbabago, anak?” usisa ng kanyang ama. “Yes, Dad,” maagap niyang sagot. Sumubo siya ng salad. “Hindi ko maintindihan ang pabigla-biglang pagbabago ng emosyon ko. Bigla na lang ako nakakadama ng hindi maipaliwanag na lungkot, kaba at takot. Posible ba talagang ma-store ang memories ng tao sa puso?” curious na usisa niya. “Well, I’m not sure but that’s possible.” “Ang dami ko kasing nararamdamang kakaiba, na hindi ko naman nararamdaman dati.” “Huwag mo na lang pansinin. Basta sundin mo lang ang payo ni Dr. Romero.” “Yes, Dad” ALAS-SAIS pa lamang ng umaga ay nagising na si Denise, hindi para pumasok sa trabaho kundi magtungo sa Talisay. Pagkagising niya ay agad siyang naligo at kumain lamang siya ng oatmeal, isang saging at gatas. Paglabas niya ng bahay ay nagulat siya nang salubungin siya ng driver niyang si Sean. Ilang buwan din itong nawala dahil pansamantlang pinatigil ng Daddy niya since hindi pa naman siya nakakalabas ng bahay. Akala nga niya ay mapapalitan na ito. “Hi, Ma’am!” malapad ang ngiting bati nito sa kanya. Bumuntong-hininga siya. Ang kulit pa naman ng isang ito. “Hindi ako aalis, kaya wala kang ipag-drive,” masungit na sabi niya. Hindi niya ito tinitingnan nang deretso sa mga mata. Naiinis kasi siya sa epekto nito sa kanya sa tuwing nagtatama ang mga mata nila. “Pero sabi ng Daddy mo, palagi raw kitang sundan kahit saan ka magpunta,” anito. Napilitan siyang tingnan ito sa mga mata. “I know but I’m your boss, only me can comand you for what you gonna do,” aniya. Lumabi ang binata. “Pasensiya na, ginagawa ko lang ang trabaho ko.” “Exactly, you’re doing your job and your job is only my driver, not my bodyguard.” “Total package na po ‘yon, Ma’am,” giit nito. Bahagyang uminit ang ulo niya. Mukhang hindi niya maiisahan ang isang ito. Pero habang pinagmamasdan niya ito ay may nakalilitong damdamin siyang nasagap sa kanyang puso. It felt confusing. Noong una niyang nakita si Sean sa ospital sa Palawan ay mainit ang dugo niya rito. Kahit noong umuwi sila ng Cebu, ayaw niya itong makita. Ini-expect niya na ganoon pa rin ang mararamdaman niya. But it was strange, her heart instantly producing some unusual emotions that made her felt uneasy. Napakababaw ng inis niya, pilit at hindi niya kayang panindigan. Tila kusang lumalambot ang puso niya sa lalaking ito. Ano ba ang meron sa lalaking ito, maliban sa guwapo at makisig? He’s not her type anyway. Gusto niya iyong professional, good in business or any in other field. Ganoon ba kababa ang standard ng puso na ipinalit sa kanya. She’s being judgmental. She tilted her head to cleared her mind. Nag-iisip siya ng paraan kung paano niya malulusutan ang lalaking ito. “Uhm, seryoso ako, hindi talaga ako aalis,” aniya sa mahinahong tinig. Tumikwas ang isang kilay ng binata. “Kung hindi ka aalis, bakit may dala kang bag? Nakabihis ka pa,” anito habang sinusuyod siya ng tingin. Hindi pa niya naisusuot ang pulang jacket niya with hood, nakasabit lang ito sa kanang braso niya. Nakasuot lang siya ng pulang blouse at itim na fitted jeans at rubber shoes. Hindi niya maintindihan. Gusto niyang magsungit pero parang kumukontra ang puso niya. “It’s none of your business. I can wear anything I want inside our property. I can double your salary if you let me go and do not tell dad about it. Babalik din naman ako kaagad,” sabi niya. Humalukipkip pa ang loko at iniharang ang malaking katawan sa daraanan niya. Ang tangkad nito kaya halos tinitingala niya. “Sorry, Ma’am, hindi talaga puwede,” pagmamatigas nito. “Aba’t dinaig mo pa si Daddy, ah! Ako na ang nag-uutos sa ‘yo, let me go!” asik niya. Lalagpasan sana niya ito pero hinaharang nito ang daan niya. “Hindi ka po lalabas hanggat hindi ako kasama,” anito. “Ano ba? Let me go!” Itinulak niya ito sa dibdib. Aba’t ang tigas! Pinagsusuntok niya ito sa dibdib ngunit kamay lang niya ang nasaktan. Hindi man lang ito natinag. Ang tigas ng dibdib nito! Sumuko rin siya sa huli. Humalukipkip siya habang nakipagsukatan ng tingin dito. “Magkano ba ang kailangan mo para hindi ka na magtrabaho rito?” hamon niya rito. Mariing kumunot ang noon ng binata. “Ma’am, nagtatrabaho ako para kumita, hinid para umasa sa libre o bigay. Hindi ako tatanggap ng suhol na alam kong sa mali nagmula,” matigas na sabi nito. Pinagdilatan niya ito ng mata. “At hindi naman ako salat talaga sa salapi. Mahal ko lang ang trabaho ko at karangalan ko na makapaglingkod sa isang magandang binibini.” Napangiwi siya. Kakaiba rin ang angas ng lalaking ito, pero in fairness ah, ang lakas ng dating nito, pang-Mr. Romantiko ang banat. Bumuntong-hininga siya. Suko na siya rito. “Fine! Ipag-drive mo ako,” aniya pagkuwan. “Roger, Ma’am!” anito at sumaludo pa sa kanya. Kagad naman nitong kinuha ang sasakyan.   “SAAN tayo pupunta, Ma’am?” tanong ni Sean nang lulan na sila ng kotse. Tinatahak na nila ang malawak na kalye. “Sa Talisay City, sa public market,” aniya, habang nakaupo sa back seat. “Medyo malayo ma’am.” “Trabaho mong mag-drive, hindi magreklamo,” aniya. Hindi ito umimik. Namayani ang may isang minutong katahimikan. Abala na sa pagtipa sa cellphone niya si Denise. Nag-text na naman kasi ang ex-boyfriend niya na si Marc. Matagal ding naudlot ang relasyon nila dahil sa pagtutol ng parents niya. Inamin niya na mataas rin ang standard ng parents niya pagdating sa lalaking pipiliin niya. Palibhasa, wala pang napatunayan noon si Marc. Bulakbol kasi iyon sa pag-aaral kahit may panggastos naman ang mga magulang nito na parehong nasa Dubai at nagtatrabaho bilang OFW. Mas gusto nitong sumama sa mga barkada nitong addict sa illegal car racing. Pumapasok bilang construction worker si Marc para may pantustos sa sarili nito. Sinula kasi noong sinayang nito ang isang taon sa college ay bihira na ito pinapadalhan ng mga magulang nito ng pera. Para raw matuto itong magsikap. Kahit ganoon si Marc, hindi siya nadismaya rito, dahil ito lamang ang taong nagpapasaya sa kanya at lubos na nakakaunawa. Noong bago siya ma-operahan ay nakipag-break siya rito. Isa rin sa dahilan niya kaya hiniwalayan niya ito ay dahil ayaw niyang mahirapan ito, gayung posible siyang mamatay sa isang iglap dahil sa sakit niya sa puso. Alam niyang masakit iyon kay Marc, mas masakit kaysa sa pagtanggi rito ng mga magulang niya. College pa lang siya noong niligawan siya nito at lihim niyang sinagot. Pero dahil bantay-sarado siya ng magulang niya, natuklasan pa rin ng mga ito ang relasyon nila. First love niya si Marc, ito lang rin ang bukod-tanging lalaki na nagustuhan niya kahit pasaway ito kung minsan. Aminado siya na naghinayang siya sa paghihiwalay nila. Marc was a funny guy, romantic and supportive. Umaasa siya na hindi naapektuhan ng bagong puso niya ang feelings niya sa binata.  “May maipagmamalaki na ako, Denise, hindi na mag-aalangan ang magulang mo sa akin dahil alam nilang kaya na kitang buhayin,” naalala niyang sabi ni Marc noon sa kanya bago siya ma-operahan sa puso. Tiniis niya si Marc, binalewaa niya ang mga sinabi nito, sa halip ay sinaktan pa niya ang damdamin ng binata noong opisyal siyang makipaghiwalay rito. But now, Marc was a successful civil engineer in Dubai. May sarili na rin itong construction firm sa Metro Manila katuwang ang nakababatang kapatid nitong lalaki. Pinatunayan ni Marc na kaya nitong tuparin ang pangako sa kanya. Hindi pa naman huli ang lahat. Puwede pa niya itong balikan. Gusto pa rin niya itong makasama sa ilang taong itatagal ng buhay niya. “Bakit ba ang init ng dugo mo sa akin, Ms. Denise?” Kumislot siya. Bumalik ang isip niya sa realidad dahil sa tanong ni Sean. Awtomatikong tiningnan niya ito buhat sa rearview mirror. Maya’t-maya ang sipat nito sa kanya. Napahagilap tuloy siya ng maisasagot dito. Bakit nga ba mainit ang dugo niya rito? Wala naman itong ginagawang masama sa kanya. Pero noon ‘yon, kasi may nagbago sa kanya. “It’s none of your business,” masungit na sagot niya. “Nandoon na tayo sa hindi ko trabahong makiusyoso, pero wala naman akong ginagawang masama sa iyo, nagtatrabaho lang ako. Sana kung merong heart transplant, sana meron ding brain transplant, baka kapag napalitan ang utak mo, ay hindi na madalas uminit ang ulo mo,” anito. Pumanteng ang tainga niya. Nadampot niya bigla ang bag niya saka inihataw sa balikat ni Sean. “Aray!” daing nito. Nawalan ito ng control sa manibela, dahilan upang mawala sa tamang kalsada ang kotse. Napakapit siya sa sandalan ng upuan sa harapan niya. Mabuti na lang naagapan ni Sean at naikabig ang manibela. “s**t!” napalakas na mura nito. “This is your last job, Sean! Papatayin mo ako!” singhal niya rito. Sinipat siya nito. “Ako pa ang may kasalanan?” seryosong tanong nito. “Ang ibang driver hindi nakikipag-usap ng ganyan sa kanilang amo.” “At ang mga amo, hindi dapat ganyan kung magtrato sa kanilang driver,” buwelta nito. “Aba’t sumasagot ka pa, ah!” akmang hahampasin ulit niya ito ngunit biglang sumikdo ang puso niya. Natigilan siya lalo nang mapansin niya sa rearview mirror na pilyo ang ngiti ni Sean. “Lalo kang gumaganda kapag napipikon, Ma’am Denise,” wika nito. Lalo lamang nagwala ang puso niya dahil sa sinabi nito. Hindi na niya maintindihan ang nangyayari sa kanya. Biglang naglaho ang inis niya kay Sean. May crush ata rito ang bagong puso niya. Bumuntong-hininga siya. Pakiramdam niya’y sasabog ang puso niya sa halo-halong emosyong inilalabas nito. Umupo na lamang siya nang maayos. “Drive well… please,” sabi na lamang niya, at hindi na niya ito pinansin. Tahimik na rin ito.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD