Chapter Two

2124 Words
PAGDATING sa Talisay City… Natagpuan kaagad ni Denise ang clinic umano ni Dr. Lee, pero nang pumasok sila ay iba na ang may-ari ng nasabing clinic. Noong nakaraang taon pa raw iyon binitawan ni Dr. Lee, pero may ibinigay na address ang katiwala ng clinic, kung saan na raw ngayon nagki-clinic ang doktor. “Alam mo ba ang address na ito?” tanong niya kay Sean, sabay abot ng kaperasong papel kung saan nakatala ang address ni Dr. Lee. Kinuha naman nito ang papel kahit abala ito sa pagmamaneho. Nagtataka siya bakit ang tagal nitong natahimik. “Sean,” tawag niya. “Uhm, hindi ako pamilyar, pero hahanapin ko,” anito. “Dalhin mo ako sa address na iyan,” aniya. “Ano ba ang kailangan mo kay Dr. Lee? Akala ko ba magaling ka na,” mamaya’y usisa nito. “Basta mag-drive ka lang at dalhin mo ako sa address na iyan.” “Roger that,” tila nang-aasar pang tugon nito. Pagdating nila sa clinic umano ni Dr. Lee, ay hindi na sumama sa kanya si Sean sa pagpasok. Naiwan lang ito sa loob ng kotse. Mas pabor iyon sa kanya, para wala itong maisusumbong sa daddy niya, kung ano ang pakay niya sa lugar na iyon, o kay Dr. Lee. Pagpasok niya ay wala namang tao, pero may nag-iisang pasyenteng lalaki na nakaupo sa nakahilirang upuan. “Ahm, excuse me po, narito po ba si Dr. Lee?” tanong niya sa lalaki na sa tingin niya’y nasa early fifty ang edad. Pasyente rin malamang. “Ang sabi ng isang doktor ay mamayang alas-nuwebe pa raw ng gabi ang dating niya. Magpapa-ECG muna ako,” anito. “Ganoon po ba?” Mamaya’y may lumabas na matangkad na lalaki, suot ay puting coat, at may sukbit na stethoscope sa leeg. Ito na marahil ang sinasabi ng lalaki na isa pang doktor. Isang bata at guwapong doktor ang nakikita niya. Tinawag na nito ang pasyenteng lalaki. Pumasok ang mga ito sa isang kuwarto. Makalipas ang dalawang minuto ay lumabas na ang lalaki. Dumeretso na ito sa paglabas ng clinic at hindi na bumalik pa. Mamaya’y lumabas na ang guwapong doktor. Tumayo naman siya at umupo sa silyang katapat ng mesa kung saan umupo ang doktor. Abala ito sa pagsusulat sa logbook Taimtim niyang binasa ang name tag nito sa gawing kaliwang dibdib ng coat nito. Dr. Zyrus Clynes “Ano po ang ipapakunsulta nila?” tanong nito, na hindi kaagad niya natuunan ng pansin dahil nakamasid lamang siya sa mukha nito. Ang guwapo nito kahit may suot na eyeglasses. “Ahm, hindi po ako magpapakunsulta, gusto ko lang sana makausap si Dr. Lee,” aniya. Hindi kumibo ang doktor, sa halip ay naibaling nito ang tingin sa pinto na bumukas. Napalingon naman siya sa pinto, kung saan pumasok si Sean. Hindi niya ito pinansin. Ibinalik niya ang tingin sa doktor. “Ano po ang kailangan n’yo kay Dr. Lee?” usisa ni Dr. Clynes. “May gusto lang sana akong itanong sa kanya tungkol sa pag-opera niya sa akin. Naging pasyente po kasi niya ako last year,” aniya. Sinulyapan na naman ng doktor si Seann na nakaupo sa nakahilirang silya sa likuran niya. “I’m not sure if he would visit here later,” tugon nito. “Babalik na lang po siguro ako bukas ng umaga para siguradong naririto siya.” “Uh, hindi tumatanggap ng appointment si Dr. Lee ng umaga. Actually, nagbubukas ang clinic niya from 6: pm to 10: pm,” sabi nito. Mariing kumunot ang noo niya. Ngayon lang siya nakarinig ng doktor na sa tuwing gabi lang nagsisilbi sa isang clinic. Kadalasan ay sa umaga. “Ah, okay. May calling card siya sa akin, accurate pa rin ho ba ang contact number niya?” “I’m not sure. Just try to call him.” Pero baka puwede ko na lang makuha ang contact number niya.” “Thank you, Doc.,” sabi na lamang niya, tumayo na siya. Ngumiti lang ang doktor. Lumabas na kaagad siya at sumakay ng kotse. May isang minuto nang nasa loob ng kotse si Denise pero hindi pa lumalabas ng clinic si Sean. Nang akmang bubuksan niya ang pinto upang sana’y tawagin ito, ay siya naman ang labas nito. “Bakit ang tagal mong lumabas?” naiinip na tanong niya rito. “Ginabi na tayo.” “Nagpatingin pa ako ng blood pressure, baka anemic na ako,” sagot naman ito habang nagsusuot ng seat belt sa harapan ng manibela. “O siya, mag-drive ka na. Maghanap ka ng malapit na restaurant.” “International o local?” anito. “Kahit saan basta may pagkain,” naiinis na sabi niya. Nagugutom na kasi siya. “Okay.” Nagulat siya nang bigla nitong pinaharurot ang sasakyan. Kamuntik pang sumubsob ang mukha niya sa likod ng upuan sa kanyang harapan. Sa inis niya’y sininghalan niya ang driver. “Ano ba?! Ayusin mo nang mag-drive!” “Sorry, nabigla lang,” sabi lang nito. Panay ang buntong-hininga niya.   “HINDI pa ba tayo uuwi, ma’am?” tanong ni Sean, matapos nilang kumain sa isang restaurant ng resort na pinasukan nila. Open for walk-ins ang restaurant at puwede ring mamasyal sa ilang pasilidad. Nagbayad lang sila ng entrance na 200 pesos per pax for six hour stay. Hindi na masama. Maganda naman ang place. Aliw na aliw siya sa fire dancers na sumasyaw sa may tabing dagat. Sa beach front restaurant kasi sila kumain. “Alas-otso pa lang naman, mamaya na,” aniya, habang nakaupo siya sa silya at nakatanaw sa sumasayaw.. “Off duty ko na,” reklamo ni Sean. “Babayaran ko ang over time mo huwag kang mag-alala.” “Inaantok na ako.” Hindi na siya kumibo. Isinukbit niya sa balikat ang kanyang shoulder bag saka nagpatiunang lumabas ng restaurant. Dumeretso siya sa parking lot, sa kanyang kotse. Nakabuntot lang sa kanya si Sean. Hindi na niya hinintay na pagbuksan pa siya nito ng pinto. Nauna na siyang pumasok. “Uuwi na ba tayo?” tanong nito nang makasakay na rin ito at nakapuwesto sa harapan ng manibela. “Of course, angal ka nang angal, eh. Drive,” mataray niyang tugon. Agad namang binuhay ni Sean ang makina ng sasakyan saka nagmaniobra. Nagpapakaabala lamang siya sa pagtipa sa kanyang cellphone. “Babalik ba tayo bukas dito?” mamaya’y tanong ni Sean. “Hindi na muna,” aniya. Pero balak talaga niyang bumalik at hindi niya isasama ang mokong na ito. Pupunta siyang mag-isa. Alas-onse pasado na nang makarating sila sa bahay nila. Nakatulog siya sa biyahe kaya hindi niya namalayan ang bilis ng takbo ng sasakyan. Expected niya na ala-una ng madaling araw na sila makakauwi. Nakapatay na lahat ng ilaw sa kabahayan pero alam niyang gising pa ang daddy niya. Nagpaalam na si Sean matapos nitong iparada nang maayos ang kotse. Hindi man lang nito tinanggap ang isang libong bayad sana niya sa over time nito. Dahan-dahan siyang pumasok sa main door pero hindi siya nagbukas ng ilaw. Inaasahan niyang madadatnan niya roon ang Daddy niya pero wala ito. Nakarating siya sa kuwarto niya na walang umabala sa kanya. Kaagad siyang pumasok sa banyo at nag-hot bath. Pagkatapos ay inihanda na niya ang mga gamit na babaunin niya bukas papuntang Talisay. Plano kasi niyang mag-stay roon ng ilang araw hanggang sa makausap niya ng personal si Dr. Lee. Hindi na siya matutulog dahil kaagad siyang aalis. Hindi lang iyon ang unang pagkakataon na gagawin niya iyon. Minsan na siyang tumakas papuntang Mactan, para lang maibigay ang kalayaang makapasyal na walang ibang inisip kundi mag-unwind. Akala kasi niya noon ay mamamatay na siya, dahil sa lumulubhang karamdaman niya sa puso. Gusto lamang niyang ma-enjoy ang huling sandaling nabubuhay siya. At sino ang mag-aakalang makaka-survive siya? Matagumpay siyang nakatakas nang mataon na tulog ang guwardya na nagbabantay sa gate. Hindi nito naramdaman ang pagkuha niya ng susi ng gate na nakasabit sa tagiliran nito. Mabuti na lamang kilala siya ng mga aso ng kapit-bahay nila at hindi siya kinahol nang dumaan siya sa bakuran ng mga ito. Pagdating niya sa kanto ay may tricycle na huminto. Dagli siyang sumakay patungo sa bus terminal biyaheng Talisay City. May schedule ang biyahe ng bus kaya alas-sais na ng umaga siya nakarating sa Talisay. Nag-check-in siya sa hotel ng resort kung saan din sila kumain ni Sean noong gabi. Walking distance lang iyon sa bayan kung saan ang clinic ni Dr. Lee. Nagustuhan niya ang resort na iyon dahil maraming entertainment tuwing gabi. Hindi kasing sikat ng ibang resort na napuntahan niya pero masasabi niyang may maibubuga ito pagdating sa standard. Maganda rin ang mga rooms, at friendly ang mga staff. Classy ang rooms, pang-five star ang standard. Marami namang choices ng accommodations, merong pang masa at meron ding pang-VIP. Inaantok na siya pero ayaw siyang patulugin ng humihilab niyang sikmura. Hindi siya nakatiis. Lumabas siya ng kuwarto at hinanap ang restaurant sa gusaling iyon. Nasa ikatlong palapag ang inukupa niyang kuwarto at tahimik. Hindi siya gumamit ng elevator. Gusto niyang sanayin ang sarili na nababanat ang kanyang mga kalamnan. Kailangan niya ng exercise para mas maging malusog. Paglapag niya sa ground floor ay gumala ang paningin niya sa paligid. Hindi siya dumaan doon kaninang patungo sila ng staff sa kuwarto niya. Nag-elevator sila. The facility was surrounded by glass walls, and the ceiling was made of adobe, with an elegant chandelier hanging on it. Also, the furniture looks pricey with amazing designs. Halos magkandaduling siya sa kakaikot ng paningin sa paligid hanggang sa biglang…  “Aw!” daing niya nang may kung anong bumalya sa balikat niya, kasabay ng paghilagpos ng babasaging bagay sa kanyang harapan.  Bahagya siyang napaatras. Napatingin siya sa sahig na may nagkalat na bubog. Nang mag-angat siya ng mukha ay namataan niya sa kanyang harapan ang matangkad na lalaking suot ay itim na tuxedo. Tatntiya niyang nasa anim na talampakan ang taas nito. May two inches ang haba ng buhok nito na tila bagong ligo. Matikas ang tindig nito kahit mukhang na-distract sa pagbabanggaan nila. Ang una niyang napansin ay ang kulay tsokolate nitong mga mata na naliligiran ng mahahabang pilik. Katamtaman ang tangos ng ilong nito na makitid. At kahit mukhang nawiwindang ay nakangiti ang maninipis nitong labi na natural ang pamumula. “Ahm, s-sorry, hindi ko sinasadya,” naiilang na sabi niya. Umatras pa siya ng isang hakbang nang may lumapit na hotel staff upang linisin ang nagkalat na bubog. “It’s okay,” sabi lang nito sabay iwas sa kanya. Malalaki ang hakbang na pumasok ito sa pinto ng elevator sa may dulo malapit sa glass door. Hinabol niya ito ng tingin. May kung anong kumalabog sa dibdib niya nang matuon sa kanya ang tingin ng lalaki, habang hinihintay nito ang pagsara ng elevator. Pakiramdam niya’y minsan na niya itong nakita. His physical appearance was undeniable perfect, he looks dominant but there’s a natural charm that easily caught woman's attention. Hindi niya ito inalisan ng tingin hanggang sa tuluyan itong pumasok sa elevator. Hindi maintindihan ni Denise ang nangyayari sa kanya. Her heart suddenly race, producing an unusual excitement. This is strange. Hindi siya ganoon na mabilis ma-attract sa guwapong lalaki, lalo na kung unang beses pa lamang niyang nakita. Panay ang buntong-hininga niya upang pakalmahin ang naghuhurementado niyang puso. Hindi na ata normal ang nararamdaman niya. Kailangan na talaga niyang makausap si Dr. Lee. Nang kumalma ang puso niya ay sumabay na siya sa staff papuntang restaurant. Marami na ring guests na nag-aalmusal. Kahit kumakain na’y hindi pa rin maalis sa isip niya ang lalaking binunggol niya kanina. Umuukilkil sa balintataw niya ang imahe nito at boses. Pagsapit ng gabi ay bumalik si Denise sa clinic ni Dr. Lee. Pero ayon sa secretary, hindi pa rin daw nagre-report ang doktor. Bumalik na lamang siya sa tinutuluyan niyang resort. Pagtingin niya sa kanyang cellphone na naiwan sa kuwarto ay may sampung mensahe at walong missed call mula sa mommy niya. I’m fine. I need some fresh air, tugon lamang niya sa mensahe ng kanyang Ina. Lumabas siya ng kuwarto upang sana’y maghahapunan, ngunit nagulantang siya nang mamataan niya sa lobby si Sean. Naksuot ito ng blue faded jeans, black shirt inside his leather jacket. As usual, ganoon palagi ang attire nito. And wait, what the hell is he doing here? Pagkatapos nitong pumirma sa logbook ng front office ay kaagad siyang nilapitan. Malayo pa lang ay abot tainga na ang ngiti nito. “Hello, Ms. Denise!” kaswal na bati nito. “Anong ginagawa mo rito? Paano mo nalamang nandito ako?” magkasunod niyang tanong. “Inutusan ako ng Daddy mo na hanapin ka. Alam kong babalikan mo si Dr. Lee, kaya tumambay ako sa labas ng clinic niya, at nang makita kita ay sinundan na kita hanggang dito,” sagot nito. “Umuwi ka na,” aniya. “Ang sabi ng daddy mo, huwag daw akong uuwi na hindi ka kasama. Dala ko ang kotse mo,” anito. “I don’t care. I am commanding you to go home! That’s an order, Sean!” nakapamaywang niyang asik dito. “In tagalog please...” nakakalokong sabi pa nito. Nagsisimula nang uminit ang bunbunan niya. “Ang sabi ko, umuwi ka na! Hindi kita kailangan dito!”  aniya. “Parang ang layo naman ata,” pang-aasar pa nito. Lalong sumiklab ang inis niya. “Pabayaan mo na ako. Umuwi ka at sabihin kay Daddy na okay lang ako. Gusto ko lang mapag-isa,” aniya, na pilit pinapahinahon ang sarili. Ngunit tila mas matigas pa sa ulo niya ang paninindigan ni Sean. Hindi ito natinag. “Sorry, ginagawa ko lang ang trabaho ko,” anito at bigla na lamang lumapit sa kanya, may itinakip sa kanyang bibig na may nakakahilong amoy. Napayakap siya rito. Nanlalambot ang mga buto niya hanggang sa tuluyan siyang nakalimot.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD