Chapter 1
Alexandra POV
Nagising ako sa isa katok sa pinto ng aking kwarto.Alam kong si nanay Ellen ito, ang aking yaya na nanay na ang tawag ko.Siya na ang nakagisnan kong nag-aalaga sa akin kasi palaging out of town or out of the country ang mga magulang ko.Meron akong kapatid na lalaki ngunit malaki ang age gap namin.Ten years ang age gap naming dalawa.
Ngayon nasa twenty-two years old na ako kaya thirty two years old na rin ang kuya Alex ko.Wala rin ito palagi sa bahay kasi binigay na nila mommy ang ibang negosyo ng pamilya rito.
"Yes nay, gising na po." sabi ko sa butihing yaya.
"magmadali kana dyan iha at ng makakain ka bago ka pumasok sa opisina." ang sabi nito sa akin.
"Opo nay." at nagmamadali na akong pumasok sa banyo at naligo.
Pagkatapos kung maligo at magbihis ay bumaba na ako sa kusina para mag-almusal.Ang tahimik ng buong bahay namin.Malaki nga ito ngunit tatlo lang kami rito.Ang dalawang yaya namin.Once in a blue moon lang kami magkatipon-tipon nila mommy at kuya kasi palagi itong busy sa business namin. Binigay naman nila sa akin lahat, mga luho ngunit hungkag parin ang aking naramdaman.Sila ang kailangan ko at hindi mga luho ngunit ayaw kong malaman nila yon.Alam ko naman na ginagawa lang nila yon para sa amin ni kuya.At ngayon pati si kuya nawalan narin ng time na umuwi man lang dito kasi may sarili narin itong condo malapit sa kompanya namin na syang minamanage nito.
Graduate ako sa kursong Business management ngunit gusto kong magtrabaho sa ibang kompanya,ayaw kong magmanage ng business namin.Gusto kong maranasan muna kung paano maging employee sa ibang company bago ko imanage ang ibang kompanya namin.At dito ako nagtatrabaho sa kompanya ni Adrian Samonte ang lalaking mayabang at arogante.Isa sya sa mga hinahangaan ng mga kababaihan at hindi ako kabilang don.He's a ruthless young billionaire in business world.
Pagkatapos kung kumain ay nagdrive na ako sa aking kotse papunta sa Samonte shipping lines.one of the biggest shipping lines in Asia.Isa akong Finance manager ng kanyang kompanya.
As what as I've said na binigay nila lahat sa akin ang luho,may kotse,alahas at ilang credit cards at debit cards na milyon ang laman.
Inienjoy ko nalang ang aking sarili sa pakikinig ng musika sa aking stereo habang nasa daan papunta sa kompanyang pinapasukan ko.Maaga palang grabi na ang traffic dito sa Manila.Magdadalawang taon na pala akong nagtatrabaho sa kompanya ni Adrian.So far naman hindi kami masyadong nagkikita pero kung magkita kami parang hangin lang ako sa kanya,parang hindi ito matalik na kaibigan ni kuya.
Nang dumating na ako sa kompanya dumiretso na ako sa sariling opisina ko.Yes,meron akong sariling opisina rito as Finance manager.Kailangan kong madala agad ang mga dokumentong nasa mesa ko sa opisina ng CEO,sa opisina ni Adrian.Chineck ko muna ito,at siniguradong hindi ako magkakamali,ayaw kong mabulyawan nito.Ang yabang pa naman.
Habang nagbabasa ako ay kumatok ang aking sekretarya,yes may sekretarya ako.Siya ay si Melissa.
"Ma'am tumawag po ang sekretarya ni sir Adrian,hinahanap na po ang mga dokumento."Isabi nito sa akin habang nakadungaw matapos kumatok sa aking pinto.
"Ok Mel,thank you,ako nalang ang magdadala nito at mag-aabot sa sekretarya ni Adrian."sabi ko naman rito.
Nagmamadali na akong lumabas sa aking opisina habang dala-dala ko ang mga dokumento.Dumiretso na agad ako sa opisina nito na nasa thirteeth floor ng building.Pagdating ko don nakita ko ang kanyang sekretarya na parang namumutla at takot na takot.
"Oh,anong nangyari sayo?"tanong ko kay Aiza,ang sekretarya ni Adrian.
"Ma'am yan na po ba ang dokumento na hinahanap ni sir?Pwede kayo nalng po ang mag-abot sa kanya?"kinakabahang sabi nito sa akin.
Kahit nagtataka ako,tumango na lamang rito at dumiretsong pumasok sa loob ng opisina.