Chapter 2

1182 Words
Alexandra POV Dumiretso na ako sa pagpaso sa opisina ni Adrian,wala akong pakialam kong boss ko ito.Wala akong pakialam sa taong arogante at mayabang,akala nya kung sino syang gwapo at mayaman. Wait,Did I say na gwapo sya?Gosh,no hindi sya ang type ko. Sabi ko sa aking isip. "Do you know how to knock the door??!!!" Singhal ni Adrian sa akin ngunit hindi ko sya pinansin,duniretso lang ako sa kanyang mesa at inabot ang sa kanya ang folder. "brat" rinig kong sabi pa nito kahit mahina. "What did you say?"Naka arkong kilay na sabi ko dito. "Tsk." rinig kong sagot nito. "May problema ka ba sa akin?" Mataray kong tanong sa kanya. "Get out!" Tanging sagot nito sa akin. Padabog nalang akong umalis sa opisina nito.Ang yabang talaga.Kung hindi ko lang sya boss,ang sarap sagut-sagutin.Ngunit boss ko ehh.Tama nga sila mommy bakit kailangan ko pang magtrabaho sa ibang kompanya,meron naman kaming sariling kompanya.Pero mas gusto kong magtrabaho dito ehh.Ayaw ko ng pressure na gaya ng pressure ng isang CEO.Gusto ko kung ako na maghandle ng ibang kompanya namin ay bihasa na ako at nasa 30 years old na ako.Hindi gaya ngayon na twenty-two years old palang ako.Gusto kong maenjoy muna ang life ko bago ako sumuong sa pagiging CEO. Pagdating ko sa aking opisina, hindi maipinta ang mukha ko.Hindi ko nga alam kung bakit naiinis ako kapag nakita ko si Adrian,mabait naman ito dati sa akin at malambing nong time na college palang sila ni kuya.Masayahin din itong tao dati, ngunit nagsimula ang inis ko sa kanya nong nalaman ko na may gusto ito dati sa maid ni Art Ledesma na si Anna Madrigal na syang asawa na nito ngayon at may naak na rin sila.Simula noon kapag nakita ko siya umiinit ang dugo ko sa pagmumukha nya. Shit!May gusto ba ako sa kanya?Kaya ako naiinis? Erase-erase hindi pwede,galit ako sa mayabang na tao at arogante.Para akong tanga na nagsasalita mag-isa.Kinakausap ang aking sarili. Nagpabuntung hininga nalang ako at nagsimula ng magtrabaho.I keep myself busy all day.Para pagdating ko sa bahay mamaya kakain nalang ako at matulog.Ayaw kong maramdaman ang kahungkagan ng aking puso.Alam kong naghahanap o nangungulila ako sa aking pamilya. Palagi akong mag-isa simula pa noon,tanging ang yaya ko lang ang palagi kong kasama kahit may mga okasyon sa aking buhay bilang estudyante dati,walang mga magulang na umaattend.Si yaya lang parati.Wala rin akong naging kaibigan kasi gusto kong mag-isa na lamang.Akala ko nasanay na ako ngunit lalong tumatagal lalo kong naramdaman ang kakulangan ng aking pagkatao.Ang naramdaman ko na mag-isa lang ako sa buhay.Wala akong masabihan sa oras na naging failed ako sa mga subjects ko at desisyon sa buhay.Binigay naman nila lahat sa akin pero hindi naman matumbasan non ang naging kulang ng aking pagkatao. Dumating ang alas singko ng hapon,nagligpit na ako ng gamit ko para umalis na ng opisina.Dumiretso agad ako sa parking area pagkalabas ko sa opisina at nagmaneho pauwi sa bahay. Pagdating ko sabahay ganon parin ang aking nadatnan,sobrang tahimik ng buong bahay,as usual walang nagbago,ganun parin.Bumuntong hininga na lamang ako at pumanhik na sa aking kwarto para magpahinga ng konti at maligo pagkatapos. Naalimpungatan na lamang ako ng may kumatok sa aking kwarto,hindi ko namalayan nakatulog na pala ako. "Iha,kakain na tayo."Sabi ni nanay Ellen na syang kumatok sa aking pintuan. "Opo nay,maliligo lang po ako saglit at bababa na."Sagot ko dito. Narinig ko na lamang ang mga yapak nito pababa ng hagdan.Bumangon na ako at dumiretso sa aking banyo na karugtong lamng ng aking kwarto.naligo na ako at nagbihis.Pagkatapos bumaba na ako sa kusina at nadatnan ko doon si nanay Ellen na naghihintay sa akin.Ngumiti naman ito sa akin ng nakita nya ako. Nagsimula na kaming kumain ngunit nabigla ako ng biglang may nag doorbell. "Nay may bisita ka bang hinihintay?"Tanong ko sa kanya. "Opo iha,nakalimutan ko palang sabihin sayo na uuwi ako sa amin,hindi ko alam kung kailan ang balik ko.Nagkasakit kasi ang asawa ko,kailangan kong alagaan siya,nasa malayo kasi ang mga anak namin."Mahabang sabi nito sa akin. nawalan ako ng gana sa kanyang sinabi,it means mag-iisa na talaga ako ngayon. Tumayo naman si nanay Ellen at tiningnan kung sino ang nasa gate.Bumalik naman ito agad na may kasama. Para akong binagsakan ng langit at lupa sa aking nakita.Sino ba naman ang hindi mashock kasama nya si Adrian papasok sa aming kusina.anong ginawa nito dito sa amin?Wala naman dito si kuya.Kung tungkol naman sa trabaho ko wala naman akong pending. "Iha, si Sir Adrian pala ang makakasama mo dito habang wala ako,hindi kasi daw maiwan nila kuya at ng parents mo ang kompanya.Nasa ibang bansa kasi sila pareho ngayon,pero kung matapos naman daw sila doon ay uwi agad sila."mahabang paliwanag naman ni nanay sa akin. Hindi na ako nagsalita pa,tumango na lamang ako,basta wala kaming pakialamanan.Hindi ko alamsa lahat ng pwede kong kasama bakit si Adrian pa?tsaka pwede naman akong walang kasama,Im already twenty-two years old. Tumayo na ako sa aking upuan at dumiretso na sa aking kwarto,hindi ko na lamang pa pinansin ang presensya ni Adrian kahit ramdam ko ang mga titig nito sa akin.Hindi na rin ito nagsalita pa. Dumiretso na ako sa aking kwarto at tinawagan ang aking mommy kung bakit andio si Adrian ngayon sa bahay.nagring naman ito agad ngunit hindi sinagot,baka busy pa sila kaya si kuya na lamang ang aking tinawagan,for sure ito ang may pakana ng lahat. "Hey princess,bakit ka napatawag?Hmmm andiyan na ba ang baby sitter mo?"Nakakalokong tanong nito sa akin. "Kuya ikaw ba ang may pakana nito?Malaki na ako,hindi ko na kailangan na may magbabantay sa akin."Frustrated na sagot ko dito. "Princess,alam mo naman na hindi kami mapalagay nila ni mommy kung wala kang kasama diyan sa bahay,at nagpresinta na rin naman si Adrian na samahan ka diyan nong nalaman nya na uuwi ng probinsya nila si nanay Ellen." Mahabang sabi nito sa akin. Tinapos ko na lamang ang tawag,alam kong wala akong magagawa pa,hindi ako mananalo sa kanila at ayaw ko rin magpatalo. Bumaba ulit ako at pinuntahan si nanay Ellen sa kanyang kwarto para bigyan ito ng pera para may magamit sa pag-uwi. "Nay,ito po nay oh para may magamit ho kayo sa pag-uwi nyo."Sabay abot ng pera nito. "Naku huwag na iha,pinadalhan na ako ng pera ng mga magulang mo at sobra rin iyon,okay na yon iha."Nagigiyang sabi nito sa akin. Ngunit binigay ko talaga ang pera sa kanya kaya wala itong nagawa kung hindi ang tanggapin na lamang ito. "Maraming salamat iha,mag-iingat ka rito ha?Mamimiss kita."Maluha-luhang sabi nito sa akin. "Balik po kayo agad nay ha kapag okay na ang asawa mo,pwede mo naman dalhin sya dito nay para maalagaan mo siya kahit andito ka sa bahay."Sabi ko dito at sabay yakap. Sobrang mamiss ko ang matandang ito,ang tumayong magulang ko,ang karamay ko sa lahat,ang saksi ng aking mga kabiguan nong bata pa ako.Kaya hindi ko na napigilan ang aking sarili na umiyak. "Ihatid na kita bukas nay,sabado naman bukas."Presentang sabi ko. Huwag na iha,baka mag-iyakan pa tayo".Sagot niya sa akin. Kaya wala na akong nagawa,nagpaalam na lamang ako na bumalik na sa aking kwarto para magpahinga na.Gabi na rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD