Chapter 3

623 Words
Alexandra POV Alas syete na ako nagising kinaumagahan,pagbaba ko wala na si nanay Ellen,nakaalis na ito kaninang madaling-araw.Dumiretso na ako sa kusina at naabutan ko doon si Adrian na nagluluto ng breakfast. "Goodmorning." bati nito sa akin. Tumango lamang ako at dumiretso na sa refrigerator para kumuha ng fresh milk.Wala akong gana kumain lalo na at iong aroganting lalaki ang kasama ko.Umiinit ang dugo kong hindi ko malalaman.Maiisip ko na mahal parin nito si Anna. Pagkatapos kong kumuha ng fresh milk ay babalik na sana ako sa aking kwarto para doon na ito inumin ngunit nabigla ako ng kinuha nito ang baso na may lamang gatas sa aking kamay. "Ano bang problema mo?!"Nakakunot-noo kong tanong sa kanya. "Kumain ka ng breakfast,hindi pwedeng gatas lang ang laman ng tiyan sa umaga."Mahinahong sabi nito sa akin. "Ayoko,wala akong gana."Malditang sabi ko sa kanya. "Tsk,ako ang mag-aalaga sayo habang wala pa ang pamilya mo kaya kailangan sumusnod ka sa akin."Galit na rin nitong sabi sa akin. "Eh sino ba ang may sabi sayo na kailangan akong alagaan?Haler,Im old enough para alagaan mo."Naiiritang sabi ko dito. "Umupo kana don sa mesa at maghahain na ako.Hanggang ngayon brat ka parin."Naiinis na sabi nito sa akin. "Anong brat?Hindi ako brat!Umalis ka na nga rito!Hindi ko naman kailangan ng yayo ehh!"Inis kong singhal sa kanya. Tinawag pa naman akong brat?Ang bait-bait ko ngang anak eh.Ang sarap sapakin ng mukha nito. Padabog na lamang akong umupo sa upuan,baka ano pa magawa ko sa isang ito.Baka masuntok ko pa ito sa sobrang inis.Hindi naman nagtagal ay inihain na nito ang kanyang nilutong fried rice,bacon at fried egg.Nagsimula na akong kumain at hindi na ito pa kinausap.Pagkatapos naming kumain, dumiretso na ako sa aking kwarto.Bahala siya,ginusto naman niyang alagaan ako,eh di panindigan nya.Tingnan natin kung sino ang hindi makatiis.Ang isang Adrian Samonte na sinasamba ng lahat sa kagwapuhan at kayamanan ay magiging yaya ko. Binalibag ko ang aking pinyuan pagkapasok ko sa aking kwarto.Nakakainis talaga siya.Bwisit na bwisit talaga ako sa kanya.Kaya tinawagan ko na lamang si kuya. "Hey princess,bakit ka napatawag?"tanong nito sa akin. "Kuya pwede bang paalisin mo na si Adrian dito?Kaya ko naman mag-isa ehh,hindi ko na kailangan ng kasama dito,matanda na ako." Frustrated kong sabi dito. "Princess,hindi ba napag-usapan na natin yan kahapon?Hindi kami mapakali ni mommy at daddy dito kung wala kang kasama diyan."malumanay na sabi nito sa akin. "Pero kuya,ayaw ko sa kanya,hanapan mo nalang ako ng ibang makakasama basta hindi sya please."Pagmamakaawa ko sa kanya. "Mas mapanatag kami kung si Adrian ang kasama mo diyan princess,bestfriend ko siya at kilala na namin siya nila mommy."Malumanay paring sabi nito sa akin. "Ewan ko sa inyo,bahala na nga kayo sa buhay nyo!!"Singhal ko sa kanya sabay patay ng phone. Hindi ko na talaga mapigilang singhalan si kuya,nakakainis naman kasi ehh,para naman akong bata na kailangang may bantay,at ang worst pa ay si Adrian pa.Pwede naman kaming maghire ng bagong yaya,pwede narin akong mag-isa,kaya ko na ang sarili ko. Sa sobrang inis ko umiyak na lamang ako. Tingnan natin kong makakatagal ka sa pag-uugali ko,gagawin kong miserable ang buhay mo habang inaalagaan mo ako at ikaw na mismo ang aayaw sa akin.Nasa isip ko. Nagkulong lang ako sa aking kwarto buong maghapon,wala akong balak na makita ito.Kahit ilang beses na itong kumatok at mag-ayang kumain hindi ko ito pinapansin.Magdusa sya.Ginusto nya eh. Bandang alas singko ng hapon ay napagpasyahan kong maligo at magbihis,gusto kong kumain sa labas.Gusto ko ng peace of mind.Gusto kong mapag-isa.Pero nagulat ako ng pagbaba ko sa sala andon si Adrian nakaupo at titig na titig sa akin.Nilampasan ko ito.Gusto kong malaman nya na ayaw ko ang presensya nya at lalong-lalo na ayaw ko siyang mkasama.Para akong bata na bantay sarado.Umalis na ako ng tuluyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD