Adrian POV
Natawa nalang ako sa ugaling pinakita ng aking Finance manager na si Alexandra.Napakabrat talaga nito kahit kailan pero nakapagtataka lang kasi mas lalong nagmamaldita ito sa akin.Instead na galit ako nong umagang iyon,natawa nalang ako kasi ito lang ang empleyado kong hindi takot sa akin.Kahit naman napakamaldita nito mahal ko parin ito ehh.Ito parin ang princess ko na inaalagaan ko dati pa hanggang ngayon.Kaya nga nong tumawag ang kuya nito na bestfriend ko na si Nicolai na uuwi si nanay Ellen sa probinsya kasi nagkasakit ang kanyang asawa ay hindi na ako nagdalawang isip na nagpresinta na ako na muna ang sasama rito.Alam ko naman na sobrang busy din ng pamilya nito sa kanilang negosyo na namamayagpag din sa buong mundo.
Napatango naman ang kuya nito dahil alam naman nito na mahalaga din sa akin si Alexandra.Sobrang saya ang aking nadarama kaya nagmamadali kong tinapos ang aking trabaho para makapag impaki ng ilang damit para dalhin sa bahay nito mamaya.Ito na ang daan ko para mapalapit ulit sa akin ang babaeng mahal ko.
Kahit nasasaktan ako sa pagbabaliwala nito sa akin nong dumating ako sa bahay nito ay okay lang,lalo na nong nalaman ko mula kay nanay Ellen ang pinagdaanan nito.Maldita nga ito pero ginagawa lang naman pala nito ito para pagtakpan ang kakulangan nito sa buhay.Ang kakulangan ng presensya ng isang pamilya.Hindi ko rin naman ito masisisi kasi lumaki naman itong tanging ang yaya lang ang kasama.Binusog nga ito sa lahat ng luho ngunit iba parin kung kasama mo ang mga taong mahal mo.Kaya ito ang naging desisyon ko,punan ko ng pagmamahal ang kulang sa pagkatao nito.Gagawin ko ang lahat para manumbalik ang dating Alexandra ko.Namiss ko na ito,ang brat na sweet at mapagmahal.Yong palaging nakangiti ang mata.Ngayon ngumito man ito pero napakalungkot ng mga mata nito.Kitang-kita ko lalo na at kilala ko ito mula bata.
Kaya kinaumagahan nagluluto ako ng breakfast para makakain ito.Alam kong ayaw nitong kasama ako,pero hindi ako magpapatalo.Ako si Adrian Samonte,ang lalaking kahit ano o sino ay hindi uurungan.Yon nga nanalo ako sa umaga pero sa tanghali hindi man lang itolumabas sa kanyang kwarto at worst pa umalis ito ng bandang hapon na bihis na bihis.Kaya wala akong nagawa.Pinabayaan ko na lamang ito.Ayaw ko naman kulitin ito ng kulitin baka mas lalo pang lumayo ang loob nito sa akin.
Kumain na lamang akong mag-isa ng hapunan at pagkatapos ay sa sala na lamang ako tumambay habang hinihintay ko siyang dumating.Pero nakatulog na lamang ako ay hindi pa ito dumating.Wala naman talaga akong maisip na puntahan nito kasi hindi naman ito palakaibigang tao.Mas gusto nitong magkulong sa loob ng bahay kay lumabas na lamang ako sa bahay at akmang puntahan ang aking sasakyan para hanapin ito ay napansin kong may bulto ng babae na nakaupo sa malaking duyan sa gilid ng pool.Sinipat ko muna ito ng maayos,nakahinga ako ng maluwag ng makilala ko kung sino ito.Dahan-dahan akong lumapit dito at tumabi sa duyan.Nabigla pa ako ng makita kong umiiyak ito ng patago.
"Pwede mong ikwento sa akin ang laman nyan,makikinig ako."Mahina kong sabi na ang tinutukoy ay ang laman ng kanyang puso o kung bakit siya umiiyak.
Hindi nya ako sinagot,nanatiling tahimik lamang ito na tila bay hindi nito napansin ang aking presensya.Kaya tumikhim ako para makuha ang kanyang atensyon.Hindi naman ako nabigo.Nakita ko pa sa kanyang mukha ang pagkagulat.
"Ang sabi ko pwede mong sabihin sa akin,makikinig ako."Mahina kong sabi rito.
Umiling lamang ito sa akin at pinahid ang luha patago kaya ang ginwa ko ay kinabig ito at niyakap.Malaki ang pasalamat ko ng hindi naman ito tumutol sa aking ginawa.Narinig ko ang hikbi nito.Hindi ko napigilang halikan ito sa ulo.Oh how I miss her.
"Shhh hush now baby,Im just here okay.Pwede mo akong sandigan at pwede mong sabihin sa akin.Huwag mong kimkimin,nakakasama nyan sayo."Malambing kong sabi sa kanya.
Ganun lang ang aming posisyon ng maramdaman kong nakatulog ito sa aking bisig.Kaya inat na ingat ko itong binuhat at oinahiga sa kanyang kwarto.Lumabas ulit ako at nilock lahat ng pinto at bintana sa bahay.Pakatapos ay bumalik ako sa kanyang kwarto at napagpasyahang sa sofa ng kwarto nito nalang ako matulog para bantayan ito.Gusto kong maramdaman niya na hindi sya nag-iisa.