Chapter 5

928 Words
Alexandra POV Umalis nga ako ng bahay para sa labas na maghapunan at gumala sa park pagkatapos.Gusto kong aliwin ang aking sarili at makalimutan ang kakulangan nito.Minsa matanong ko nga kung anong meron sa akin kung bakit ako lang mag-isa sa buhay.Meron nga akong pamilya ngunit feel ko naman na wala.Gusto ko pagdating ko sa bahay tutulog na ako. Pagdating ko sa bahay bandang alas onse na ng gabi.Dumiretso ako sa duyan na malapit sa pool.Gusto kong magmuni-muni muna.Hindi ko namalayan ang oras,hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako.Grabi ang hungkag ng aking nadarama.Nasa kalagitnaan ako ng aking pag eemote ng nalaman ko na katabi ko na pala si Adrian.Ganun na ba kagrabi ang pag-emote ko?Ni hindi ko namalayan ang paglapit nito.Kung hindi ito tumikhim hindi ko nalaman na katabi ko ito. "Ang sabi ko pwede mong sabihin sa akin,makikinig ako."Mahina kong sabi niya sa akin. Umiling-iling ako at pinahid ang luha patago kaya kinabig nya ako at niyakap.Hindi naman ako nagprotesta.Namiss ko ang yakap nito.Sa mga bisig nya naramdaman ko ang kapayapaan at parang may puwang sa puso ko na napunan na hindi ko maipaliwanag. "Shhh hush now baby,Im just here okay.Pwede mo akong sandigan at pwede mong sabihin sa akin.Huwag mong kimkimin,nakakasama nyan sayo."Malambing na sabi nya sa akin. Sa ganung posisyon ako nakatulog.Hindi ko alam kung ano na ang sumunod na nangyari.Nagising ako ng madaling-araw at nasa kama na ako ng aking kwarto.Tiningnan ko ang aking suot,ito parin ang suot ko kagabi.Kaya bumangon na ako ngunit nangunot ang aking noo ng makita ko ang isang lalaki na natutulog sa sofa.Natawa ako sa hitsura nitong pilit kinasya ang laki ng katawan sa sofa. Hindi ba sumasakit ang katawan nito?Bakit ito dito natulog?Meron namang guest room.Tanong ko lamang sa aking sarili. Bumangon na lamang ako at nagbihis ng pambahay.Pagkatapos kay kinumutan ko si Adrian.Tinitigan ko muna ang mukha nito bago ako bumalik sa aking kama.Wala paring nagbago,sobrang gwapo parin nito gaya ng dati.Pero simula ng nagmahal ito ng iba at nawalan ng oras na magpunta at kinamusta ako,kinalimutan ko narin ang pagmamahal ko sa kanya. Ou mahal ko siya,ayaw ko lang aminin,denial ang peg ehh.Ayaw kong masaktan ulit.Yes,totoo nasaktan ako nong nalaman ko na nagkagusto ito dati sa asawa na ngayon ng isang kaibigan nila na si Art.Narinig ko mismo sa kanya ng aksidenteng napadaan ako dati sa likod nila kuya ng nag-uusap sila tungkol sa babaeng bagong kasambahay ni Art.Iniyakan ko talaga yon ng ilang araw,first love ko sya at siya rin ang first broken hearted ko.Kaya simula nuon,nag-iba na ang ugali ko,nag-iba na ang pakikitungo ko sa kanya.Pero ngayon hindi ko alam ano ang rason nya kung bakit sya pumayag sa gusto nikuya na siya ang makakasama ko dito. Nakatulugan ko na lamang ang ganong isipan.Nagising ako ng alas sais ng umaga.Ginawa ko ang morning routine ko.Pagkatapos ay bumaba na ako para uminomng gatas.Ngunit para akong nawalan ng hininga ng makita ko si Adrian na tanging apron lang ang suot nito pang-itaas.Ang ganda ng likod nito. Likod palang ulam na.hehehehe. Nabigla ako sa aking naisip.Kailangan ba ako naging mahalay? Ngayon lang at kay Adrian lang. Sagot ng kabilang isip ko. Habang nagtatalo ang aking isipan hindi ko namalayan na nakatingin na pala ito sa akin. Shit!Nakakahiya.Ano ka ba naman Alexandra,umayos ka nga.Pipi kong pinagalitan ang sarili ko.Ramdam ko ang pag-init ng aking mukha,alam kong pulang-pula ako.Pero hindi ko pinahalata sa kanya.Dumiretso na ako sa ref at kumuha ng fresh milk at sinalin sa baso. "Maganda ba ang aking katawan?Titig na titig ka ah."Nang-aasar na sabi nito sa akin. Pinanlisikan ko ito ng mata. "Pangit katawan mo,tse!"Malditang sabi ko sa kanya sabay talikod sana. Narinig ko ba ang mahinang tawa nit. "Anong tinatawa-tawa mo diyan?!Nakaarkong kilay na tanong ko sa kanya. Umiling lamang ito pero andon parin ang ngisi sa labi.Lalo akong nanggigil sa kanya,ang sarap sapakan.Hindi talaga ako nakapagpigil nilapitan ko ito at sinapak.Nanlaki ang mata nito sa aking ginawa. "Sige tawa ka pa,gusto mong masapak ulit?"Malditang tanong ko sa kanya. Nakakatawa at hitsura nito.Imaginin nyo yong nasapak mo ang isang tao na nanlaki ang mata sa sobrang gulat.Hahahahah,so funny. Hindi ko na sya pinareact,tumalikod na ako at akmang aalis ng biglang hinigit nito ang aking pulsuhan at kinabig ako at hinalikan ang aking labi.Napatulala ako habang nanlaki ang mata sa kanyang ginawa.Hindi ako makagalaw hanggang sa matapos.Kahit smack lang yon,para sa akin parang ang tagal,slow motion ang lahat. Nang nahimasmasan ako ay nagdilim ang aking paningin,sinampal ko ito at tumakbo na ako papunta sa aking kwarto.Kung ang tanong nyo kung nasaan na yong isang basong fresh milk na dala ko?Hindi ko na alam,hahahah.Syempre nilagay ko yon sa table bago ko nilapitan si Adrian at sinapak. Narinig ko pa ang mahinang sorry nito at hinabol pa ako papunta sa kwarto.Pero may power ako ehh,hindi nya ako inabutan. Siya na nga ang first love ko,first heartache,siya pa rin ang first kiss ko?Lord naman,sinagad nyo naman po.Bakit sya nalang lahat ng first ko?Miserableng sabi ko habang pabalik-balik na naglakad sa loob ng kwarto. Kung may nakarinig lang sa akin,baka isipin nila na baliw na ako.Kinakausap ang sarili. Erase-erase..Pinilig-pilig ko pa ang aking ulo para mawala ang eksina kanina. Shit ka kasi Alexandra,bakit mo pa kasi sinapak.Pipi kong pinagalitan ang aking sarili. Ikaw kasi,ang landi mo kasi,yan tuloy nakita ka niyang titig na titig sa kanya.Sagot naman sa aking kabilang utak. Humiga ako sa aking kama at nagpagulong-gulong habang sumisigaw.Buti nalang sound proof itong kwarto ko kaya hindi rinig sa labas.Nakakahiya na tuloy na lumabas,parang awkward na kasi. AAAAHHHHHHHH!!!!!!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD