Chapter 6

761 Words
Adrian POV Shit!Ano ba ginawa ko?Bakit ko sya hinalikan?Bakit ko nagawa yon?Adrian naman ehh!Pinatulan mo pa kasi.Instead na maglapit na kayo,lalo mong pinapalayo ang loob niya.Think,think,bilis.Mag-isip ka ng paraan kung paano humingi ng tawad.Ikaw kasi,bakit mo pa kasi ginawa yon.Hayst. Frustrated na paninisi ko sa aking sarili. Ngayon hindi ko na alam paano ko sya hharapan,alam kong galit na galit na yon sa akin.Ikaw ba naman hahalikan.Syempre sasampalin ka at magagalit talaga.Kaya kumain na naman akong mag-isa.Mag-isip nalang ako ng ibang paraan paano ko sya paamuin ulit.Nagsimula na akong kumain,pagkatapos ay hinugasan ko ang aking pinagkainan at nagtambay sa sala.Gusto ko syang katukin ngunit nahihiya ako,hindi ko alam kung paano ko sya iapproach.Hindi ko alam kong paano ko sya pakiharapan.Baka masampal na naman ako. Bandang alas onse ng umaga ay naglakas na ako ng loob na katukin ito sa kanyang kwato. Tok!tok!tok! Bumukas naman ito agad. "Ahm,itatanong ko lang sana kung anong gusto mong kainin?Magluluto sana ako."Nahihiyang sabi ko. Umayos ka nga diyan Adrian,kailangan ka pa nahia sa isang babae ha?Piping kastigo ko sa aking sarili. "Kahit ano nalang,salamat."Mahinang sagot niya sa akin. Tumango na lamang ako.Akala ko susupladahan na naman niya ako.Buti nalang hindi.Nagmamadali akong pumunta sa kusina at napagpasyahang magluto na lamang ng chicken curry at adobo.Ito kasi ang paboritong ulam ni Alexandra.Hinding-hindi ko ito nakakalimutan.Pagkatapos kung magluto sakto naman and dating nito sa kusina.Ito na ang naghanda ng mga plato sa dining table.Hinayaan ko na lamang siya.Baka mag-away na naman kami. Pagkatapos ihanda ang mesa ay nagsimula na kaming kumain. "Alex,pwede ba tayong lumabas mamayang hapon?I mean kung gusto mong lumabas,Ahm..." "Im not in a mood to go out with you."Putol nito sa mga sasabihin ko. Shit!Ang maldita talaga,sinupapal ako.Ito palang brat na to ang sumupalpal sa akin.Hayst,kung hindi lang kita mahal ehh,hindi ako magtitiis.Piping isip ko. "Okay kung ayaw mo,eh di huwag."Hindi ko mapigilang sabi. Tiningnan naman niya ako na may galit sa mukha. "Look Adrian,if you want to go out,you can go,I can manage here,okay?Huwag mo na akong alalahanin pa dito.Free kang gawin kung ano ang gusto mo.Hindi mo ako obligasyon."Mahabang sabi nito sa akin. "No,niyaya lang naman kita kasi akala ko nabobored kana rito,yon lang.Tsaka..." "Hindi ako bored,okay?"Putol na naman nito sa mga sasabihin ko. Bumuntong-hininga na lamang ako.Alam kong hinding-hindi ako mananalo rito.Pabayaan ko na lamang ito.Ito din kasing bibig ko eh,hindi maiwasang kung anu-ano ang mga sinasabi.Yan tuloy supalpal.Pinagpatuloy na namin ang aming tanghalian na hindi na iniimik ang bawat isa.pagkatapos namin kumain,ito na ang nagpresintang magligpit at maghugas ng pinagkainan namin.Pinabayaan ko na lamang siya.Pumasok na lamang ako sa guest room kung saan ako tumuloy dito sa bahay nila.Naligo ako at nagbihis,sunday ngayon kaya napagpasyahan kong magsimba.Yes,God fearing akong tao.Every sunday ako magsimba. Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako sa kwarto at nagtungo sa sala.Hinanap ko si Alexandra para magpaalam na aalis lang ako saglit.Hindi ko ito nakita doon kaya napagpasyahan ko nalang na umalis na.Wala naman itong pakialam sa akin,kaya hindi nalang ako magpaalam rito. Pagkatapos kong magsimba ay umuwi ako agad sa bahay,hindi ko talaga maatim na iwan ito mag-isa sa bahay lalo na mag-isa lang ito.Baka may gawin itong masama.Natakot ako simula nong nalaman ko buhat kay nanay Ellen ang pinagdaanan nito,at nong time na umiiyak ito na naabutan ko sa may duyan ng pool.Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko ito sa sala nannood ng television. "Hey!Gud afternoon."Pinasigla ko ang aking tinig kahit hindi ako sigurado na kikibuin nya ako. "What's good in the afternoon?"Mataray na tanong nito sa akin. "Nothing,just never mind."Pasimple kong sagit naman rito. "Bullshit!."Mahinay sabi nito. "Don't curse honey!Masama yan."Panenermon ko rito. "Honey mo mukha mo!Kapal!"Mataray na sabi nito sa akin. Ngumisi na lamang ako.Parang nag-eenjoy na akong kulitin at galitin ito. "Hahaha gwapo naman!"Pagmamalaki kong sabi. "Kapal!Pangit mo!"Nanggagalaiting ssabi nito sa akin. "Crush mo nga ako eh."Joke kong sabi sa kanya. "Sinong may sabi at ng masapak ko?Kagaguhan yan."Defensive na sabi nito. "Bakit napakadefensive mo?"Kulit kong tanong sa kanya. "Ewan ko sayo pangit!"Nanggagalaiting sabi nito sa akin sabay walk out. "Hahahahaha pikon mo talaga!Pangit ka din."Sabi ko pa dito. Natawa na lamang ako sa kapikunan nito.Buti nalang hindi ako nakatikim ng spak.ang sarap pikunin nito.Ganito nalang ang gawin ko parati. Grabi ka Adrian ha,pipikunin mo lang para mapansin ka?Ganyan ka na ba kabaliw sa kanya?Tanong ng aking isip sa akin. Natigilan naman ako sa tanong ng isipan ko,ganun na ba ako kabaliw sa kanya?Gagawin ang lahat para man lang mapansin?Kahit maapak o masampal? Shit!Anong nangyari sa akin?Kastigo ko sa aking sarili. Umiling-iling na lamang ako sa aking kagaguhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD