Chapter 7

513 Words
Alexandra POV Grrrr!Nakakainis na talaga sya ha,akala nya kung sinong gwapo!s**t!Ang pangit naman.AHHHHHH! Himutok ko sa aking sarili ng makapasok ako sa aking kwarto. Nakakainis na talaga sya,palagi nalang nya akong iniinis.Kung umalis nalang kaya sya dito sa bahay para naman magkaroon na ako ng katahimikan dio. Hmmm,hindi mo sya mamimiss?Tanong ng kabilang isip ko. Syempre mamimiss pero... Ahhhhh!!!Sigaw na putol ko sa king mga iniisip.Erase-erase,hindi ko sya mamimiss,ang hinayupak na yon.Never! Kung may makarinig lang sa akin o makakita masabihan na akong baliw,salita ng salita mag-isa.Wala namang kausap kundi ang sarili.Para na akong tanga nito. Napagdesisyunan ko nalang na maligo at lumabas.Kaya yon ang ginawa ko. Gusto mo pala ng pikunan ha,tingnan natin.Nasa isip ko. Naabutan ko itong nakaupo sa sala habang nakapambahay na ng damit. "Hey pangit!"Una kong sabi sa kanya. Halatang nagulat ito na ako pa mismo ang unang umimik sa kanya kaya tinitigan nya ako ng mabuti.Naconcious naman ako ng bumaba ang kanyang paningin sa legs ko.Shit!Napakaikli pa naman ng short ko. "Are you seducing me?"Nakangising sabi nito sa akin na halatang iniinis ako. "If I say yes,naseseduce ka?"Sabi ko dito na nilakipan ko pa ng smirk. "Nope,Why am I?You're not beautiful though."Baliwalang sagot nito sa akin. Tumaas naman ang dugo ko sa sinabi nito.Ganun na ba ako kapangit sa paningin niya?Hayst,talo na naman ako,instead sya ang inisin ko,ako pa ang nainis. "s**t!Akala mong sinong gwapo,pangit naman!"Iritable kong sabi at padabog na umupo sa tabi nito at binaliwala sya. Lumunok naman ito na halata ang tensyon nito sa katawan.Natawa naman ako ng pagak. "Hmm hindi daw maganda pero hindi mapakali kung tabihan."Baliwala kong sabi sa kanya habang pumili ng magazine sa harap upang basahin. Nakita ko naman sa peripheral vision ko ang paglinga nito sa akin at kumunot ang noo. "You're not not my type,hindi ako attracted sayo."Pambabara nitong sagot sa akin. "Talaga lang ha."Mahina kong sagot. Ang sakit sa puso ng sagot niya.Hindi pa naman ako marunong magtago ng feelings kapag nasasaktan.Nakita ko pa ang pagtitig nito sa akin kaya binaliwala ko na lamang iyon at nagbasa na sa magazine na napili o pero wala naman doon ang aking utak kundi pabalik-balik ang sinabi nitong hindi nya ako type at hindi siya attracted sa akin. Samantalang gusto namang suntukin ni Adrian ang sarili sa sagot nito kay Alexandra.Nakita nya kasi ang dumaang sakit sa mga mata nito.At alam din niya sa kanyang sarili na kabaliktaran noon ang kanyang nadarama.Gusto na tuloy niyang yakapin ito at bawiin ang kanyang sinabi pero ayaw naman niyang malaman nito ang kanyang nadarama.Napakaaga pa para malaman nito ang lahat.Gusto pa niyang bumalik muna sa dati ang turingan nila.Yon bang hindi sila nag-aaway pero hindi niya alam kung kailan yong mangyayari lalo na ngayon na naiinis na ito sa kanya.Hindi naman kasi sya marunong manligaw o manuyo ng isang babae.Sanay syang siya ang nililigawan o isang kindat lang nya sa babae ay sa kama na agad ang uwi nila.Ganun ang buhay ehh,gwapo sya at habulin ng babae.Kaya kailangan na niya mag-isip ng paraan para magkalapit na sila ulit.Hindi na niya ito iinisin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD