Kabanata 1
"‘Nay, saan po tayo pupunta?" tanong ng limang taong gulang na si Sienna sa kaniyang ina na ngayo'y mahigpit ang hawak sa kanan niyang braso.
Sandaling inilibot ng bata ang mga mata sa lugar kung nasaan sila ngayon. Nagsisimula ng dumilim. Unti-unti na ring mga malalaking puno na lang na malalapit sa kaniya ang naaabot ng paningin.
Binalingan niya ang ina na hanggang ngayon ay wala pa ring imik.
"‘Nay, natatakot na po ako." Nagsimulang mangilid ang mga luha niya habang nakatingin sa ina.
Sa wakas, tumigil din sila sa paglalakad. Natagpuan niya ang sariling nasa dulo na sila ng kakahuyan kung saan madalas na manguha ang kaniyang ama ng kahoy upang gamiting panggatong.
"Nasaan na po tayo?" tanong niya. Hindi pa sila nakararating ng ama sa ganoong kadulong bahagi dahil minsang nabanggit sa kaniya na may mataas na bangin sa bahaging iyon.
Napapiksi siya ng biglang humarap ang ina sa kaniya at hawakan siya sa magkabilang balikat.
"Ang dami mong tanong na bata ka," anas ng kaniyang ina.
Bahagyang napangiti siya dahil nagawa na nitong kausapin siya. Pero takang-taka siya sa kakaibang anyo ng mukha nito, tila ba balisang-balisa. Nanginginig din ang mga kamay nitong nakahawak sa balikat niya.
"Hindi ba't sabi mo gusto mong maglaro?" kunot-noo na tanong nito.
Marahang tumango siya. "Opo!" masayang sagot niya.
"Halika," aya ng ina at inilahad ang kamay sa harap niya.
Nakangiting tinanggap niya iyon at naglakad na muli sila. Hindi tiyak kung saan siya dadalhin at kung tunay nga ba ang turan ng ina.
Sa isang iglap, natagpuan niya ang sariling hindi maikilos ang buong katawan. Dilat ang mga matang nakatitig siya sa mukha ng ina habang nakamasid ito sa kaniya. Walang kahit ano'ng mababanaag na emosyon sa mga mata nito.
Mayamaya lang ay umangat ang sulok ng mga labi nito. Nagdala iyon sa buong katawan niya ng matinding takot. Nakasanayan niyang makita ang ganoong mukha ng ina sa tuwing binubugbog siya nito ng palihim sa likod bahay nila.
Saka niya naramdaman ang kakaibang sakit sa buong katawan. Piping humihingi siya ng tulong subalit tumalikod ang ina.
Tuluyang tumulo ang mga luha sa mata niya nang makitang maglakad ang ito palayo sa kaniya. Hindi siya makapagsalita, hindi maski maikilos ang mga kamay. Nagkasya siyang panoorin na lamunin ang buong kapaligiran niya ng kadiliman.
***
Twelve years later...
Saint Anna Academy isang prestihiyosong paaralan na nakalaan lamang para sa mga piling mayayaman at mga kilalang tao. Isa ako sa masuwerteng nabigyan ng scholarship mula sa proyektong inilunsad ng mayor ng San Agustin. Kung tutuusin ang San Agustin ay isang probinsya kung saa'y mas kilala bilang sentro ng produksyon ng bigas at iba pang agrikultural na produkto sa mga siyudad.
Subalit nang manalo noong huling eleksyon ang matandang don na si Ginoong Alfredo Mandragon, naiangat niya ang probinsya na ngayo'y kilala bilang lugar ng mga mayayaman at kilalang mga tao, dahil sa mabilis na pag-angat ng lugar marami agad ang itinayong mga malalaki't kilalang establishment tulad ng malls, kompanya at higit sa lahat ang pinakakilalang eskuwelahan ng buong bansa... ang Saint Anna Academy.
Dito rin kasi matatagpuan ang kalidad na edukasyon at tinitiliang mga nilalang sa balat ng lupa.
Maliban pa sa mga 'yon, pagkatapos mailunsad ang pagkakataong makapasok ang ilang piling tao para mabigyang pagkakataon na makapagtapos ng high school at kolehiyo sa kalidad na edukasyon, maraming nakapasok, ang iba'y pawang mga babae. Marahil sa tindi nang pagnanais ay pawang nagsunog ng mga kilay, ang iba'y tila nasadlak sa matinding stress sa pag-aaral kaya't ang ibang hindi nakapasok ay sobrang na-depress.
"Morning Frexa!" bati ni Ulrich kaklase kong saksakan ng landi, ngunit lalaki siya. Napawi ang mga iniisip ko at eksaheradong napasimangot.
Pumasok ako ng classroom pero hindi pa rin siya pinapansin at naupo agad sa upuan ko. Napadako ang tingin ko sa orasan na nakasabit sa gitnang bahagi ng whiteboard. Masyadong napaaga ang pasok ko, dahil iniiwasan ko kasing mabungaran kanina ang nakatatanda kong kapatid. Kinuha ko sa loob ng bag ang isang notebook.
"Maaga ka yata ngayon." Alam kong si Ulrich lang 'yong nagsasalita sa tabi ko, kaya hindi na akong nag-aksayang tingnan pa siya. "We have reporting in Business class later," wika pa niya.
"Then?" tinatamad kong tanong, mali ata ang ginawa kong paglingon sa kanya. Bumungad sa akin ang napakaamo niyang mukha at ang nakahihipnotismong mga mata niya.
"I just wanted to remind you," nakangiting sabi niya. Nakita ko tuloy ang mga pantay-pantay at puting mga ngipin niya.
"Huwag mo akong guluhin dito nananahimik ako."
"I'm surprised. You finally look at me." Nahagip ng mga mata ko ang animo'y pag-iisip niya ng marahil dahilan.
Hindi ko na nagawa pang magsalita dahil pangkaraniwan na para sa 'kin ang madalas niyang pagpapapansin. Nagulat ako nang bastang kinuha niya ang notebook ko. "Akin na nga 'yan!" sigaw ko habang inaabot ang notebook kong ngayon ay hawak niya.
Deretsong nakatayo siya habang hawak ang notebook ko sa ere. "Pansinin mo muna ako," nakangising sabi niya.
"Tarantado ka. Pinapansin naman kita, kaya akin na 'yan!" singhal ko.
"Bakit ba ang init ng ulo mo sa 'kin?" Umatras siya bigla kaya lang saktong tumalon ako n'on. Nawalan ako bigla ng balanse at natumba. Mabuti na lang at mabilis akong nasalo ng dibdib niya. Pero 'yong kanang paa ko tila nananakit.
"That's too close huh," natatawang sabi ni Ulrich. Inagaw ko sa kanya ang hawak niyang notebook, lalo ko siyang narinig na humalakhak. Matangkad siya nasa five feet at nine inches ang height niya, samantalang ako ay tila duwendeng nag-anyong tao lamang sa height kong saktong five feet.
Baliw talaga 'tong si Ulrich!
"Oh my goodness!" bulalas ng bagong pasok na adviser naming si Sir Migs, itinakip pa nito ang dalawang kamay sa mukha. "I didn't see anything. Sige, ipagpatuloy n'yo lang 'yang ginagawa ninyo," wika nito. Halata namang nagkukunwari lang itong nagtatakip ng mata.
Tumayo ako ngunit doon ko naramdaman ang p*******t ng paa ko. "Good morning Sir Migs," bati ko rito at mabilis na umupo sa upuan ko.
Nakita ko rin ang pagtayo ni Ulrich at bumaling sa adviser namin. "It's not what you think..." kahit halatang hindi naman s'ya sinsero at nakangiti pa rin.
Sanay na ako sa ginawa ng Diyos sa 'min ni Ulrich. Ugali naman niyang buwisitin at sirain ang bawat araw sa buhay ko. Pangkaraniwang ganito na lang ang paulit-ulit na ginagawa niya.
"Flat..." narinig kong bulong ni Ulrich. Sa sobrang inis ay binato ko siya ng notebook na nakuha ko sa kanya kanina. Nilalait niya ang hinaharap ko, hanggang kaibuturan ang galit ko sa kanya!
Humalakhak naman si Sir Migs at naupo sa swivel chair niya. "Tikbalang ka naman!" singhal ko na pinanlilisikan siya ng mata. "Manyak ka!" sigaw ko pa.
"I'm not, besides it's not my fault if your front is..." asar niya sa 'kin habang nasa pintuan na siya.
"Sige sabihin mo! Papatayin kita!" banta ko.
"Fla-" Isang lumilipad na notebook ang saktong tumama sa mukha n'ya. Hanggang sa pinakahuling himaymay ng kalaman-laman loob ko ang galit sa kanya!
"Bwisit ka!" Tumatawa lang si Sir Migs habang pinapanood kami. Sanay na sanay na siyang sa ginawa ng Diyos araw-araw na bangayan namin ni Ulrich.
"Sige, isa pang hagis. Iuuwi na talaga kita sa bahay ko." Nagulat ako nang mabilis siyang lumapit sa 'kin, sumilay ang mapanglarong ngiti sa labi niya.
Nagawa pa niyang magbanta sa akin matapos na guluhin niya ang pananahimik ko. Lokohin niya ang sarili n'ya. Kilalang-kilala ko na siya. Wala siyang ginawa sa buhay kundi patayin sa konsumisyon ang pamilya n'ya.
Ngunit dahil sa takot na maaari niyang gawin ang sinabi niya. Tumahimik na lang ako. Pero ano ba 'tong kakaibang kabog sa dibdib ko?
"Frexaline Kaye Villaruiz..." Napaangat ako ng tingin at bumungad ang hindi maitatangging gwapong mukha ni Ulrich. Ayokong-ayokong kinukompleto niya ang pangalan ko, lalo akong nakakaramdam ng inis sa kanya.
"Nananahimik ako," mahinang usal ko.
"Sorry," himala ata humingi siya ng paumanhin. "Kung sinabi kong flat ka..." Umangat ang lahat ata ng dugo sa mukha ko sa huling sinabi niya, kinuha ko mula sa kanya ang hawak pa rin niyang notebook ko.
"Argh! Bwisit ka talaga!"
Isang kakaibang ingay ang sumakop sa buong classroom maging ang isang flash ng ilaw.
"This is not your day Frexaline," nakangiting bungad ni JJ nasa kamay nito ang cell phone. Marahil kinunan kami ng litrato. Nanlaki ang mga mata ko ng maalalang baka ako ang isuplong ng mga ito sa Guidance Office.
I'm seriously dead once they give that to the Guidance Counsilor! Naiimbiyernang putek na gusto ko sana siyang lapitan, kaya lang nagmamadaling umalis sa harapan ko si Ulrich at lumapit kina JJ na kabarkada niya. Yari! Ang pinangangalagaan kong malinis na record dito sa Saint Anna Academy!
Kumikirot ang paa ko nang ipilit kong igalaw 'to. Ang kinabukasan ng pamilya ko! Hayop kayo Ulrich makakaganti rin ako sa inyo, masusunog kayo sa impiyerno!
"Kick out or drop out?" nakangising tanong ni JJ. Tuwang-tuwa naman sina Dave at Matt sa likod nito.
Kinuha ni Ulrich ang hawak na cell phone ni JJ, bumalik siya sa kinauupuan ko. Kapag ako nakatayo rito mata niya lang ang walang latay, silang mga kasama niya.
Iniharap niya ang cell phone sa 'kin. Nagtatakang tiningnan ko siya nang mapansing nakalagay ang 'delete' sa screen niyon. Wala sa sariling ikinlik ko ang confirm para i-delete ang picture.
Palaisipang kumindat pa siya sa 'kin at tumalikod. Ano bang poblema niya? Pagkakataon niya na sana para maalis ang pinakakinaiinisan niyang tao dito sa eskuwelahan.
"Pare, ano ba 'yan?" reklamo ni JJ. "Binura mo?"
"We are just having fun here," katwiran ni Ulrich.
Natulala tuloy ako sa kinauupuan. Nakakain ata ng panis si Ulrich ngayong araw.
Ulrich Vasquez, varsity player ng Saint Anna Basketball Team. Ubod ng yaman at yabang, siya lang naman ang apo ng mayor ng San Agustin. Kilala raw na modelo. Malay ko saang lupalop nanggaling ang tungkol sa pagmomodelo nito. Wala akong ibang alam na impormasyon maliban sa kilala siyang misteryoso ng campus. Kailan lang ay biglang sumulpot siya ng San Agustin at tila roon nagsimulang gumulo ang buong bayan, campus at pati ang buhay ko, dahil sa malulutong niyang pang-aasar sa 'kin.
"Ayan okay na!" nakangiting wika ni Sam matapos bendahan ang ngayo'y unti-unting naghihilom na pamamaga ng kanang paa ko. Mabuti na lang at napansin niya kaninang may iniinda akong sakit sa paa.
"S-salamat," pasasalamat ko nang piliting tumayo.
"Be careful next time, ‘wag mo na ulit sa susunod ipagsawalangbahala na sumasakit ang paa mo." Nagsinungaling akong dahil sa matinding katangahan natapilok ako sa hagdan.
Tumayo na ako marami pa kasi akong gagawin ngayong hapon at saka tutulungan ko pa si Nanay sa pagtitinda. Tila may napansin akong sumusunod sa 'kin simula nang lumabas ako ng building maging nasa labas na rin ng academy.
Hindi ko maiwasang lingunin ito. Sana naman guni-guni ko lang 'yon. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang wala namang tao sa likod ko. Kaya nagmamadaling nagpatuloy ako sa paglalakad pauwi.
Kinikilabutan tuloy ako kung minsan tuwing nararamdaman na palaging may tila nakasunod sa akin sa likod. Bagamat tila nakasasanayan ko na ang bagay na ‘yon, pero hindi pa ganoong kayang ipagsawalangbahala baka kasi may umaaligid na masamang loob sa akin.
***