Chapter 37

2014 Words

     HERMES POV Hindi ako nakakilos sa ginawa ni Mrs. Lisanna sa akin. Nagpumiglas ako, ngunit hindi ako makawala. Seryoso ko siyang tiningnan habang nasa harapan ko siya. "Ano pa ba ang hinihintay natin? Nasa panganib ang Princesa at ililigtas ko siya," mariing sabi ko sa kanila. Naramdaman ko ang pagkalas ni Mrs Lisanna sa akin. Nagbagong anyo siya sa harapan ko at agad ko siyang nahawakan nang muntik na siyang matumba dahil sa sugat na nasa tagiliran niya. "Makinig ka muna sa sasabihin namin saiyo, Hermes. Alam namin na kailangan nating mailigtas si Amera. Ngunit bago iyon, kailangan mo munang malaman kung may kakayahan kang labanan ang mga dragon. Huwag kang magpadalos-dalos, upang walang masaktan. Hawak ni Agathon si Amera, kaya mas maiging planuhin nating mabuti," seryosong sabi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD