Hindi halos makagalaw si Amera habang nasa likod niya si Agathon at nakakulong ang kanyang leeg sa braso nito. Nanginginig ang kalamnan niya sa takot at galit dahil dito. Samantalang nakangisi lang sa kanya si Agathon. "Amera!" narinig ni Amera ang sigaw ng kanyang ama, ngunit hindi siya makatingin dito dahil nga hawak siya ni Agathon. "Magpaalam ka na sa kanila. Huwag kang mag aalala, imbetado sila sa gaganaping kasal natin, aking mahal na Princessa," nakangising sabi ni Agathon sa kanya. Napapikit si Amera, kasabay nang pagtulo ng kanyang luha. Naririnig niya pa rin ang mga ingay na nagmumula sa labas ng palasyo. Tila maging ang paghiyaw at paghingi nang tulong ng mga tao roon ay naririnig din niya. Hindi na alam ni Amera kung ano ang kanyang gagawin. Muli niyang idinilat ang kanyang

