Kinabukasan ay nagkayayaan kami ni Rico na mag inuman sa labas ng palasyo. May ilan din kaming nakasamang kawal at nakakasiyahan kami sa isang silid kong saan kami nag iinuman. Nagpaalam naman ako kay General Rui at hinayaan naman niya kami. Habang nagkakatuwaan kami ay may narinig kaming kaguluhan sa labas. Kaya naman tumayo ako at lumabas para tinginan ito. Sumunod naman ang mga kasama ko, maging si Rico. "Anong ingay iyon?" puna ni Rico at tumabi sa akin. Hindi ako sumagot at patuloy akong naglalakad upang tiningnan kung ano iyong narinig namin. Mabilis akong naglakad patungo sa balkonahe. Dumungaw ako sa ibaba at doon nakita ko ang nangyayari. May isang lalaking nakatayo habang nakaharap naman ito sa isa pang lalaki. Nakilala ko ito. "Sira ulo ka pala eh! Kaya nga hindi ka nanalo da

