HERMES POV Matapos kong makausap ang Princesa kanina ay mabilis akong pumunta sa silid na nakalaan sa akin. Nang makarating ako ay nakita ko si Rico na inaayos ang gamit namin. Napatingin siya sa akin, ngunit hindi ko siya pinansin. Umupo agad ako sa sofa at napayuko. Napahilamos ako sa mukha habang inaalala ang mga nasabi ko kanina. Biglang tumibok nang malakas and dibdib ko dahil sa subrang kaba. "Anong nangyari?" nagtatakang tanong ni Rico at mabilis na lumapit sa akin. Hindi ako sumagot at nanatili lang akong nakayuko. Nalilito ako sa nangyari kanina. Ngayon ko lang talaga naisip na mali ang nasabi ko. Nagsisisi ako dahil alam kong nasaktan talaga siya sa sinabi ko. "Ayos ka lang ba?" muling tanong sa akin ni Rico. "I was so damn stupid," mariing sabi ko, habang nanatiling n

