THIRD PERSON POV Agad na pinahid ni Princess Amera ang luhang dumaloy sa pisngi niya, nang makaalis na si Hermes. Alam niya sa sarili niyang nasaktan siya sa sinabi nito at hindi niya iyon inaasahan. Matagal niyang pinag isipan na sabihin dito, na tinatanggap na niya ang pag ibig na inalay nito sa kanya. Matagal na niyang kilala si Hermes, simula pa lang noong bata pa siya. Lagi silang nagkikita nang palihim, hanggang sa lumaki sila at nagtapat ito nang pagmamahal sa kanya. Labis ang saya niya noong sinabi nitong mahal siya nito. Ngunit nang panahon iyon ay nalilito pa siya, lalo na at isa siyang princesa ng Albania. Samantalang si Hermes ay isa lamang tagapag-silbi sa palasyo. Kaya niya namang ipaglaban ang nararamdaman niya, ngunit hindi pa siya handang tanggapin ang pagmamahal ni

