Chapter Five

1861 Words
"Himala at sumama 'yang si Criselda sa papa niya?" Nginitian lang ni Faith ang kanyang ina habang tinutulungan itong magtupi ng mga damit. "Okay nga po 'yon eh para magkaroon sila ng pagkakataong mag-usap nang hindi nagbabangayan," Sabi niya saka nilagay sa drawer ang mga tinuping damit. "Sa tingin mo anak kung hindi tayo iniwan ng ama mo magiging maayos kaya ang buhay natin?" Napabuntong-hininga siya, walang araw na hindi tinatanong nang kanyang ina ang bagay na 'yan. Alam niya naman na hanggang ngayon ay mahal pa rin nito ang kanyang ama. Tumabi siya dito at hinaplos ang braso nito. "Ma, matagal nang wala si papa 'wag na natin siyang isipin ang mahalaga buo pa rin tayong dalawa diba?" Nakangiting sabi niya, ngumiti naman ito sakanya at hinaplos ang buhok niya. Thankful siya dahil naging mabuti ang turo sakanya ng kanyang ina kaya wala puwang sa puso niya ang magtanim ng galit. Dahil kahit na baliktarin pa ang mundo ama niya pa rin ito kahit pa pinili nitong iwan sila. "ANO yong nababalitaan kong gumagamit ka ng m*******a ha Clifford?!" Fuck! Ang ingay talaga ng matandang 'to kahit kailan. "Can you please shut up? Minsan na nga lang ako umuwi dito ganito pa ibubungad mo sakin." Malamig na sabi niya habang hinihilot ang sentido. Binato nito sakanya ang hawak na tungkod, nailagan niya 'yon ngunit natamaan pa rin ang braso niya. Matalim ang matang tinignan niya ito. "Napakabastos mo! hindi ka pinalaki ng mama mo- - - - - - "Wag mong isali ang pangalan ng babaeng 'yan dito!" Hindi niya mapigilang sumigaw. Huminto naman ito at tinitigan siya. "At ikaw? ba't nandito kapa ba't hindi kana rin umalis?" Dugtong niya pa. Nanlisik ang mata nito sakanya. Naiiling na tinalikuran niya ito at pumunta siya sa sariling kwarto. Dumertso siya sa banyo at saka hinubad ang mga suot na damit. Kinuha niya ang cellphone at kinontak ang numero ni Ellifard. "I'm busy f**k yourself!" Nabibwisit na bungad nito sakanya. Kahit kailan talaga 'tong lalaking 'to masungit. "Relax dude, can i borrow your S and W 500 mag, 50 caliber handgun and your silencer." Sabi niya. "At kanino mo naman gagamitin?" "May tuturuan lang ako ng leksyon " Nakangising sabi niya, panandalian nawala ang galit niya sa sagutan nila kanina ng ama niya nang maalala niya ang katulong ni Criselda. "Oh .... 'wag mong sabihin sakin na 'yung babaeng---- "Yes... She was." Putol niya sa sasabihin nito. "....I don't like her attitude." Dugtong niya pa. I heard his chuckled on the other line. "Okay copy that Player but devil, pero ayusin mong malinis 'yan ha? nakapangalan sakin ang baril na 'to and this is one of my favorite collection." "Yeah... yeah basta ipadala mo na ASAP." Sabi niya saka pinatay ang tawag. Nilagay niya ang cellphone sa tabi ng lababo saka niya binuksan ang shower. Napapagod na tumingala siya at hinayaang tumama sa mukha ang lagasgas ng tubig, biglang lumitaw sa balintataw niya ang mukha ng babaing 'yon. Wrong move Mein Engel.... wrong move.... HUMINGA ng malalim si Faith nang maisara niya na ang bintana ng kwarto ni Criselda saka tahimik na lumabas siya ng kwarto nito. Tinahak niya ang mahabang pasilyo papunta sa kwarto nila ng mama niya. Ngayong gabi ay hindi dito matutulog ang mama niya. Dinala kasi nito ang bedsheet sa tiya Ampeng niya na binili sa divisoria. Ayaw naman nito na siya ang maghatid dahil mag-uusap daw ang mga ito. Nakagat niya ang ibabang labi nang makababa siya sa sala. Nilibot niya ng tingin ang buong paligid. Ito ang nakakatakot sa malaking bahay eh....' Kinapa niya ang switch ng ilaw saka pinatay yon. Mabilis siyang tumakbo paakyat dahil kinikilabutan siya kapag madilim. Nang makadating naman siya sa second floor ay kinapa rin niya ang switch ng ilaw na nasa tabi ng isang malaking antique vase. "One... two..... three!! Ah!!" Sigaw niya nang mapatay niya na ang ilaw, kumalat ang dilim non sa bawat sulok ng second floor. Kahit wala siyang makita sa mahabang pasilyo ay tumakbo siya papunta sa kwarto nila ng mama niya. Mabilis niyang ni-lock ang pinto saka nakahinga ng maluwag. Napatingin naman siya sa bintana niya na nakabukas pa pala. Lumilipad ang puting kurtina ng balkonahe. Napapalunok na lumapit siya don saka sinara ang pinto at kurtina. Iniwan niyang bukas ang ilaw sa loob ng kwarto dahil takot siya sa dilim wala pa naman ang mama niya. Ba't ba kasi ang laki ng bahay na 'to eh ilan lang naman ang titira? Humiga na siya sa kama. Ang nagustuhan niya pa kay sir Edrick ay dahil dalawa lang nama daw sila ng mama niya sa isang kwarto sila nilagay nito hindi sa maid quarters. Ni-lock niya na ang pinto ng kwarto saka humiga. Papikit na siya nang marinig ang pag-sara ng pinto. Nakiramdam siya habang nag-uumpisa na namang kumabog ang dibdib niya. Sinara ko naman ang mga pinto diba?' Nanlaki ang mata niya nang maramdaman niya ang paggalaw ng kumot niya. Parang may humihila non, kasunod non ay ang paglundo ng kama sa likod niya. Naglumikot ang mata niya, umawang ang labi niya nang maramdaman niyang malapit lang sa likuran niya ang presensya na 'yon. Handa na sana siyang sumigaw nang marinig niyang magsalita ito. "Shut your mouth or i'll shoot you.." Pagkasabi non ay may matigas na bagay na tumutok sa likuran niya. Parang naipon naman ang boses niya sa loob ng lalamunan niya. Familiar 'yong boses na 'yon..... Nanlaki ang mata niya. "I-ikaw?" "Yeah it's me..... alam mong ayoko sa lahat ay 'yong intrimitida? Alam mo ba kung anong ginagawa ko sakanila huh?" Sabi nito mula sa likod niya. Napapikit siya ng mariin... God please help me! "Yan dapat tahimik ka lang. Hindi kasi ako mahihilig sa mga babaeng maingay.." Napaismid siya.. Parang 'yong ilalim nang club na 'yon hindi maingay ha? Maya-maya ay may narinig siyang tumunog. Kumunot ang noo niya dahil alam niyang banda 'yon sa likuran niya. "s**t!" Bulong nito. Nanliliit ang matang nilingon niya ito at tinignan ang hawak nito. Gumapang ang tingin niya papunta sa mukha nito. Tumaas ang sulok ng labi nito.. "Hi... i'm Clifford, but you can me The ange- - -- " Inis na sinipa niya ito ng malakas, nahulog naman ito sa kama. Sira-ulong 'to! kala ko pa naman totoong baril pisti cellphone lang pala. Hawak nito ang balakang saka na tumingin sakanya. Umupo siya sa kama. "Ang sakit non ha?!" Inis na sabi nito, aba! siya pa naiinis! Kinuha niya ang unan at pinag-hahampas 'yon sa ulo nito, panay naman ang salag nito. "Bwisit ka so much! akala ko pa naman totoo walanghiya ka! " Inis na sabi niya habang hinahampas ito. Hinablot nito mula sakanya ang unan at saka ito humiga sa kama at inunan ang pinanghahampas niyang unan kanina. Aba't talagang! "Lumayas ka dito tatawag ako ng pulis!" Banta niya, nakakalokong ngumisi ito. "Okay.... makakatawag ba kahit putol ang wire ng telepono? siguro hindi no?" Nakakalokong sabi nito. Nanliit ang mata niya. Talagang nang-aasar 'to eh. Susuntukin niya sana ito nang makita niyang nakapikit ito. Nakaunan ang ulo nito sa braso nito, nagkaroon siya ng layang pasadahan ang ayos nito. Simpleng black shirt at faded jeans ang suot nito. Sa mukha naman nito siya napatingin, nakapikit ito. Hindi niya napigilang hawakan ang mata nang makita ang mahaba nitong piliktmata. Napaka-tangos din ng ilong nito. Bahagya siyang napangiti nang makita niya ang medyo kulot nitong buhok na parang katulad ng kay Sto. nino. Itong lalaking 'to gwapo sana.... malakas lang ang toyo eh. Sabagay womanizer nga pala ang loko, and that handsome face is his weapon .. "May bayad ang titigan ako.." Napakurap siya nang magsalita ito. Unti-unti naman itong dumilat at binalingan siya. Napatitig siya sa maamo nitong mukha. Kaya siguro iniyakan 'to Criselda eh... pero yuck! Ugali naman 'wag na uy.. "Baki kaba nandito? kung hinahanap mo si maam Criselda wala na siya dito." Sabi niya para itago ang hiya. Tumaas ang sulok ng labi nito saka tumagilid ng higa paharap sakanya. "Mein Engel... hindi naman siya ang pinunta ko dito, kundi ikaw." Nakangising sabi nito, nagtaka naman siya. "Oh eh anong kailangan mo sakin?" Nagulat siya nang bigla itong umupo at nilapit ang mukha sakanya. "What do you think?" Tanong nito. Napangiwi naman siya, etong lalaking 'to napakalandi! "Kung balak mo 'kong idagdag sa mga collection mo well sorry Mr. Player spare me. Ayoko sa mga katulad mo." Sabi niya dito. Tumawa ito ng mahina at tinignan ang buong mukha niya. "Matulog kana nga lang diyan.." Sabi nito saka muling nahiga. "Pano ka nakapasok dito? Matibay ang security ng mansion nila sir." Tanong niya pagkuwan. "Hindi naman, kahit nga magnanakaw pwedeng makapasok dito." Sabi nito saka tinuro ang balkonahe. "...kagaya niyan hindi naman matibay, diyan kaya ako dumaan." Inirapan niya ito. "...umalis kana nga dito." "Ayoko!" "Isa!" "Dalawa!" Hindi nagpapatalong sabi nito. "Tatlo!" nang gigigil na sabi niya. "Oh i love counting.... apat!" Kuyom na kuyom na talaga ang kamao niya habang nakatingin dito. "Oww... you love counting? oo nga pala no nagbibilang ka kasi ng mga babae." Sabi niya, nakita niyang natigilan ito kahit nakapikit. Hindi na kasi ito umimik, sinilip niya ang mukha nito. Bahagya palang nakadilat ang mata nito. Hindi niya alam kung tama ba ang nakita pero mukhang nasaktan ito. Hmp! Hindi siguro! "Humiga kana lang diyan mamaya aalis na rin ako." Malamig na sabi nito saka tumalikod ng higa sakanya. Aalis na sana siya sa kama para sa kabila na lang matulog nang bigla itong magsalita. "Stay....." Narinig niyang sabi nito, nilingon naman niya ito. "Ano ako aso?!" Mataray na sabi niya. "Humiga ka na lang diyan mamaya aalis na rin naman ako. I'm just tired." Sabi pa nito. Iniisip naman niya kung susundin niya ito o lalabas na lang siya para sa kabila matulog. Nagulat siya nang bigla itong dumilat at hawakan ang kamay niya. "Ang kulit mo talaga, matulog kana sabi." Sabi nito at hinila siya pahiga. Tumama ang ulo niya sa headboard ng kama. "Aray tanga!" "Oh s**t! " Sabi nito sabay upo sa kamay. Hinawakan nito ang ulo niya. "Okay ka lang ba? may masakit ba? ano? San masakit? Tanga naman kasi ba't nilulusob mo yang kahoy wala kang laban diyan!" Sabi pa nito. Matalim niyang tinignan ito. "Eh kung dukutin ko 'yang utak mo?! ikaw tong nang hihila diyan?!" Inis na sabi niya. Tinap niya ang baba saka hinipan papunta kay Clifford. "Ano 'yon?" Nagtatakang tanong nito sa ginawa niya. "Para ikaw ang lumiit." Sabi niya saka hinila ang kumot. "Kahit ano namang gawin mo hindi ka na tatangkad eh." Narinig niyang sabi nito. Nilingon niya ito at hinampas ang nahawakan niyang unan. Tumawa lang ito saka bumaba ng kama. Akala niya ay aalis na ito pero tumungo ito sa sofa na banda sa sulok, dala nito ang unan saka ito umupo doon. "Mamayang madaling araw na 'ko uuwi, tinatamad akong magmaneho eh." Sabi nito saka nahiga sa sofa. Inirapan niya lang ito saka siya naghikab. "Where's your father?" Tanong nito ilang sandali lang. Pumikit naman siya. "Iniwan na kami.." Sagot naman niya, hindi naman ito sumagot. Kinusot niya ang mata, hanggang sa unti-unti na siyang hinila ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD