Chapter Six

1783 Words
"Anak! Gising na tanghali na!" Unti-unting dinilat ni Faith ang mga mata nang marinig sunod-sunod na katok na 'yon mula sa labas. Nag-inat muna siya saka muling pumikit. Eh? Sandali lang? parang may mabigat? Hinawakan ni Faith ang bagay na nakadagan sa tiyan niya saka 'yon pinisil. Eh ano to? ba't ang masculine? Nanlaki ang mata niya. Hala! ang kinis! "Kung ako sayo titigilan ko 'yan." Napasinghap siya ng malakas. Dumilat siya at napalingon sa gilid niya. Napatakip siya ng bibig nang mabungaran niya ang maamong mukha na 'yon. Gulo-gulo ang medyo kulot nitong buhok habang nakadapa paharap sakanya. Nanlalaki ang matang bumaba ang tingin niya sa kamay nito na naka-dantay sa tiyan niya. Nakita niyang nakabukas na rin ang kurtina na nakatabing sa balkonahe na bukas na rin, muli niyang tinignan ang katabi. Panong napunta 'to dito?' "Anak! bubuksan ko na 'to" Sigaw ng ina niya mula sa labas. Pinalo niya ng malakas ang katabi niya. "Bumangon ka diyan! gago ka! patay ako kay mama nito eh!" Asar na sabi niya saka tinanggal ang kamay nito sa tiyan niya. "Tsk! natutulog pa 'yong tao eh!" Aba siya pa ang naiinis ha?! Niyugyog niya ang balikat nito. "Umalis kana! don ka sa bintana tumalon oh! magagalit si mama eh" Hindi siya nito pinakinggan, kinuha nito ang unan saka tinakblob sa ulo nito. Inis na sinipa-sipa naman niya ito. "Anak kukunin ko 'yong susi... may kukunin kasi ako diyan sa loob." Lalong tumindi ang kaba niya. "Ma wait lang!" Sigaw niya pero mukhang wala na sa labas ng pinto ang mama niya at tingin niya ay kumuha ito ng susi. Napahawak siya sa ulo saka nagmamadalung bumaba ng kama. "Naku pano ba 'to?!" Natatarantang sabi niya habang dino-double luck ang pinto. Muli niyang nilingin si Clifford na tulog na tulog pa rin. "Naku humanda ka talaga saking lalaki ka!" Duro niya dito. Tumuon ang mata niya sa isang makapal na kumot. Tama! "Peste kang lalaki ka wag ka ng pumasok dito sa susunod punyemas ka!" Sermon niya dito habang binabalot sa buong katawan nito ang makapal na kumot. Ang laki naman kasi ng lalaking 'to! "Ssshh bibig maaga pa." Saway niya, hmp! mukha niya! Kinuha niya naman ang unang mahaba at pinatong 'yon sa ulo nito. Nang masiguro niya na hindi na makikita ito, kahit papano. Lumpit siya sa pinto ang saka tinanggal ang pagkaka-double luck non. Saktong bumukas ang pinto. Awtomatikong tumalon siya sa kama saka sumandal. "Oh? anong ginagawa mo diyan? bakit parang mataas ata yang hinihigaan mo?" "Ahh... wala po to ma nangangalay po ako eh." Kinakabahan ang ngiting sabi niya. Nakuu! sana naman kagatin. Nagtatakang tumungo ang mama niya saka lumapit sa closet ng damit. Naramdaman niya ang paggapang ng kamay ng animal mula sa batok niya. Kinurot niya ang kamay nito. "Tumigil ka diyan malilintikan ka!" Bulong niya. She heard his chuckled under the blanket. Nakuu naman! panay pa rin ang kiliti nito. Binali niya ang daliri nito. "Aray!" "Aray!" Sigaw niya din. Biglang humarap sakanya ang ina niya. "Ano 'yon ?" Tanong ng ina niya. "Ah wala ma, yung ngipin ko nanakit uli eh." Sabi niya sabay hawak sa pisngi. "Husay magpalusot ha?" Ang tigas ng ulo niya! Naiiling na pumunta na ang niya sa pinto at binuksan 'yon. "Sige bumaba ka na din at gamutin mo 'yan bago pa lumala." "Opo ma.." Sagot ng hudyo! "Opo ma! ako 'yon." Salo niya bago pa ito magtanong, umiiling na lumabas na ito ng pinto at sinara 'yon. Nanlisik ang mata niya saka binalingan ang lalaking 'yon. "Alam mo ikaw- - - - AY!" Bigla kasi itong umikot kasama siya dahilan para mahulog silang pareho sa kama. "Umalis ka diyan. Manyak!" Pinanlakihan niya ito ng mga mata... sa pagbagsak nila ay napailalim siya nito. Tinukod pa nito ang dalawang siko sa sahig para hindi siya madaganan. Gumuhit ang nakakalokong ngiti nito. "I like this position " Nang-aasar na sabi nito. Hinablot niya ang buhok nito at nangigigil na winagwag 'yon. "Aray! bitaw na! hindi na ayan na bibitawan kana nga eh! aray ha?!" Umalis ito mula sa pagkakadagan sakanya at hinawakan ang sariling buhok. "Ang bigat ng kamay mong babae ka! Alam mo bang mahal ang gel nitong buhok ko?!" Pinandidilata ang mata na sabi nito sakanya. "Wala 'kong pake! umalis ka dito bago pa bumalik si mama!" Sabi niya habang nakatitig dito. Hindi niya maiwasang humanga dito habang nakatayo sa harap niya. Tinatamaan ng sinag ng araw ang araw ang likod nito na mula sa balkonahe. magulo pa ang buhok nito pero lalong bumagay naman 'yon dito. Napansin niyang may kulay 'yon pero makikita lang 'yon sa tuwing natatamaan ng sinag ng araw. Gumapang ang mata niya sa adam apple nito saka muling tumingin sa mukha nito. Unti-unti tumaas ang sulok ng labi nito. Nagtaka siya nang bigla itong mag-pose na parang model, medyo nakatingala ang mukha nito habang nakalagay ang isang kamay sa batok nito at yung isa naman ay sa bulsa nito. "Ano hindi kapa satisfied? anong pose sabihin mo lang?" Nakangising sabi nito. Saka ang siya natauhan kinuha niya ang unan at binato 'yon dito. "Layas!" Sigaw niya. Naramdaman niya ang pamumula ng magkabilang pisngi. "Ano ba 'yan... ganyan ba kayong mga babaeng pagkatapos mong pagsawaang titigan ang kagwapuhan ko palalayasin mo 'ko? Ako ata dehado dito ha?" Sabi pa nito. Lalapitan sana niya ito ngunit umatras lang ito sakanya. "Ito na aalis na haha!" Natatawang sabi nito. Hindi lang siya playboy! mahangin pa! ay nakalimutan ko magkapatid pala 'yong dalawa! Pumunta ito sa balkonahe saka tumungtong sa mataas na bato. Bigla ginapang ng kaba ang dibdib niya. "Uy, nag-aalala siya..." Napatingin siya dito. "Tatalon kana o ako pa ang tutulak sayo?!" Natatawang naghanda na itong tumalon. Kinindatan muna siya nito bago ito tumalon. Dumungaw siya sa ibaba, nakita niyang nagpapagpag ito ng kamay. Aba! halatang bihasa sa matataas ha? Tumingala ito sakanya. "See you later baby!" Nakangising sabi nito saka kinindatan siya kasabay ng pag-flying kiss sakanya. Talandi talaga! Nakita niyang pumunta ito sa likod ng mansion, don siguro ito dumaan kagabi. Naiiling na pumasok siya sa kwarto saka umupo sa gilid ng kama. "Tumigil ka Faith 'wag kang papaano don, malandi 'yon!" Sabi niya sa sarili habang sinasamapal ng mahina ang pisngi. Naiiling na tatayo sana siya nang makita niya ang isang kumikinang na bagay na 'yon sa sahig. Kunot-noong dinampot niya 'yon. "Paanong napunta dito dito?" Anas niya saka pumunta sa isang golden box na nasa damitan niya. Binuksan niya 'yon. "Oh? eh nandito naman?" Bulong niya, natigilan siya nang maalala si Clifford. Meron din siya nito? "Uy? di ka lalaban?" Iling lang ang sinagot ni Clifford kay Maxeau na nag-aayos ng gulong big truck. Ilang buwan na ding hindi nila nabibisita ang Monstasc Dark Racing Venue. Ilang taon na mula ng pinagawa ni Grey ang Monstasc racing para sa miyembro ng Dark society , Si Ellifard lang ang halos active dito dahil na ka-focus ang iba sa pagbebenta ng mga heroin. Tinignan niya ang malawak na lugar sa harap niya. 25 miles (0.40 km) ang haba ng venus.. with ground dirt. Pinaglaruan niya ang helmet na hawak. Natigilan siya nang bigla niyang maalala ang babaeng 'yon. Kung balak mo 'kong idagdag sa mga collection mo well sorry Mr. Player spare me. Ayoko sa mga katulad mo.!' Manyak!' Oww... you love counting? oo nga pala no nagbibilang ka kasi ng mga babae.' Mahina siyang natawa nang maalala ang expression ng mukha nito. "Hey!" Napakurap siya nang marinig boses ni Ellifard, nilingon niya ito. He was wearing a coverall Sparco KS-3 kart, color black, kinuha nito mula sa kamay niya ang helmet. "Tulala ka ha? ah alam ko na.... ano ramdam mo na ba 'yong sumpa? umupo kapa kasi don eh haha!" Nang-aasar na sabi nito. "f**k you." Bulong lang na sabi niya. "Thank you!" Ngising sabi nito saka pumasok sa demo derby car na nasa likod na kinasasandalan niya. Umalis naman siya don saka tinignan ang kaibigan. He and Ellifard both avid fan of Monster Truck, Sumali na rin sila sa competition sa Las vegas. Si Ellifard ay sa mud truck race freestyle, siya naman ay sa cart racing. Ellifard alway's play a dirty and he's always play devious game in everywhere. Pero kung titignan si Ellifard ang pinaka worst sa bawat laro, hindi mababasa sa mukha nito ang susunod na plano. Maya-maya pa ay umalingawngaw na ang malakas na makina ng mga demo derb car, kumalat ang mga usok sa buong lugar. Kita niya ang maduming laro ni Ellifard. "f**k you Ellifard! I will f*****g kill you I swear!" Galit na sigaw ni Grey nang makalabas ito sa loob ng tumaob na sasakyan, nagtawanan ang mga grupo. Binangga kasi ni Ellifard ang derby truck nito dahilan para bumaligtad ang sinasakyan nito, kahit hindi pa nabubuhay ni Grey ang makina ng sasakyan nito. Naiiling na tumalikod siya at hinubad ang suot na sparco. Hanggang sa kalahati lang ng katawan niya hinubad 'yon, natira ang itim na t-shirt na suot niya. Natanaw niya si Delifico na kinakausap ang babae sa info desk. Doon pumupunta ang mga magpapa-register. Hinablot niya ang hawak nitong mineral bottle. "Woah!!" Gulat na lumingon ito sakanya. Uminom siya sa bottle nito. "Magsasabi ka nga pag lalapit ka!" Inis na sabi nito saka hinablot ang mineral sakanya. Sa kanilang lahat hindi niya alam kung bakit magugulatin si Delifico Tinignan niya si Ella. Naka-suot ito ng itim na sando, itim na itim ang kuko dahil sa kulay ata 'yon, pinaghalong violet at pula ang kulay ng buhok nito. She is Gothic lover, a wiccan witch who loves dark magic. Matagal na itong nagta-trabaho kay Grey bilang assistant. Pero ngayong si Ellifard na ang namamahala ng venue ay dito na ito nagta-trabaho. "Ginugulo ka ba nito?" Nakangising tanong niya kay Ella. "Hindi naman, tinatanong niya kasi kung may kakilala daw ako na babaeng papasa sa panlasa niya." Sabi nito saka kinuha ang mahabang papel. May sinulat ito doon. Tinignan niya si Delifico, nagkibit-balikat lang ito. "Wala na kayo ni Julie?" Tanong niya dito. "Kami pa 'no... wala lang gusto ko lang ng bago." Sabi nito saka tinaas ang kilay. Napailing lang siya dito. "Ewan ko sayo." Sabi niya saka tinapik ang balikat nito. "....alis na 'ko, ingat ka baka kulamin ka ni Ella. Alam mo naman kapag naiirita na 'yan." Nakangising kinindatan niya si Ella na umiling lang sakanya. Paglabas niya ng venue ay dumeretso siya sa parking lot area. Sumakay siya sa kotse niya saka nag-isip kung san pupunta, wala siyang balak pumasok. Tumaas ang sulok ng labi niya nang maalala si Faith. "Faith... faith... faith... faith." Pa ulit-ulit niyang bulong habang binubuhay ang makina ng sasakyan. Parang gusto kong mang-inis ngayon....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD