Lukot ang mukha ni Faith habang inaayos basang payong ang lakas kasi ng ulan, balak nga muna niyang hindi pumasok dahil marami pa siyang pending na hindi nagagawa. Pati na rin ang mga deadlines niya pero hindi naman niya pwedeng laktawan ang araw na 'to dahil baka may importanteng ipa-discuss ang prof nila. Naisipan niya munang dumaan sa library pero natigilan siya nang makita niya si Clifford na nakasandal sa pader ng library, ngunit hindi ito nag-iisa. Kasama nito si Violet. Ito ang top 1 nila sa deanlist, parang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito. Nakita niya pang naluluha si Violet.
Pake ko ba sakanya? halata namang bago niya 'yan eh.'
Inayos na lang niya ang pagkakasukbit ng bag saka nagpatuloy sa paglalakad na parang hindi nakita ang mga ito. Pero dahil sa library siya pupunta ay madadaanan niya ang mga ito.
"Clifford naman...." Habang papalapit siya ay naririnig niya ang mga ito.
"It's your fault Violet. Masyado kang nag-expect ng higit pa don, sana una palang dapat pinagana mo 'yang utak mo." Narinig niyang sabi ni Clifford. Muli siyang huminto at tinignan ang dalawa. Mukhang seryoso nga talaga ang mga ito kaya hindi siya napansin. Narinig niyang humikbi si Violet. Naguluhan naman siya dahil kilala niya itong matapang, minsan pa nga ay nakikipag-debate ito sa prof nila. Ultimo maliit na pagkakamali na nakikita nito ay tinatama pa rin nito.
Pag nabaliw ka nga naman sa pagmamahal wala ng matalino..'
Mas lalong bumigat ang loob niya kay Clifford. Kaya dapat ay maaga pa lang iwasan niya na ito dahil hindi niya gustong mapabilang sa mga pinaglaaruan nito. Kahit nga ang utos ni Criselda hindi niya ginawa eh, dahil alam niya na siya rin ang matatalo sa huli.
"Y-yeah I know... i know and I'm sorry." Pabulong na sabi ni Violet saka pinunasan ang luha sa pisngi nito. Kumakalat sa pisngi nito ang ilang hibla ng buhok nito. Tinignan naman niya ang expression ni Clifford, parang baliwala lang 'yon dito dahil nakangisi pa ito.
"You deserve it Violet." Sabi pa nito saka umayos ng tayo at tinalikuran si Violet. Napahinto lang ito nang makita siya.
"Hey Mein engel.." Bakas sa mukha nito na natutuwang nitong nakita siya. Bahagya lang niya itong ningitian saka siya nagpatuloy sa paglalakad papunta sa direksyon nito.
"Ahm... may gusto lang sana akong ipaki-usap sayo." Sabi niya dito. Nagsalubong naman ang makapal nitong kilay.
"Ano 'yon?"
Huminga siya ng malalim, mula sa gilid ng mata niya ay nakita niyang naglalakad na palayo si Violet.
"Pwede bang 'wag ka ng lumapit-lapit sakin? I mean, kapag nagsasalubong tayo kunwari hindi mo 'ko kilala. Wala lang. Just act like a stranger." Sabi niya dito. Natigilan naman ito.
"Bakit naman?" Lalong nagsalubong ang kilay nito.
"Kasi hindi naman talaga kita kilala eh, EX ka ng amo ko. At isa pa..." Lumingon siya sa paligid niya at muling bumaling dito. "...Ayokong malaman nila na magkakilala tayo dahil nahihiya ako." Dugtong niya. Kung hindi siya nagkakamali ay nakita niya ang daan na sumakit sa mata nito napalitan 'yon ng inis at pagka-insulto. Binawi niya ang tingin dito.
"At bakit ka naman mahihiyang kasama ako?"
"Dahil ayokong isipin nila na isa ako sa mga pinaglalaruan mo. Ayokong isipin nila na baka isa ako sa mga collection mo, alam mo naman siguro ang mga utak ng studyante dito. At isa pa ayokong madugtungan pa 'yong pagkakakilala natin."
Hindi naman ito sumagot, basta lang itong nakatingin sakanya.
"Excuse me." Sabi niya saka nilagpasan ito. Dumeretso siya sa library pero bago siya pumasok ay nilingon niya pa ang binata. Nakita niyang nakatingala ito, parang pinapanood nito ang ulan. Naiiling na pumasok na lang siya sa loob at inignora ang konsensya na nararamdaman niya.
Gusto ko lang protektahan ang sarili ko. Yun lang'
"HAAAAYY sana hindi na lang pala ako pumasok kung wala naman pala ang prof natin eh!" Inis na sabi ng katabi niya, si Rica. 'Yun nga din ang kinaiinis niya wala naman pala ang prof nila dapat pala hindi na lang talaga siya pumasok. Kinuha niya ang bag saka tumayo.
"Ah excuse me Faith."
Natigilan siya nang tinawag siya ni Froy.
"Pwede bang pahiram muna ng payong mo? Promise ihahatid ko lang muna sa sakayan si Joy, galing kasi siya sa sakit eh. Promise ibabalik ko ngayon din kapag hinatid ko siya sa sakayan niya." Paki-usap nito.
"Uy wag na... Ah Faith wag na okay lang ako." Sabi sakanya ni Joy. Napangiti na lang sila sa dalawa dahil alam niyang may gusto si Froy dito. Napapailing na binigay niya ang payong sa mga ito.
"Sige ayos lang ako, ihatid mo na lang si Joy sakanila. Ilalagay ko na lang 'yung mga gamit ko locker room ko." Nakangiting sabi niya.
"Pano ka?" Tanong sakanya ni Joy.
"Ayos lang ako." Sabi niya saka inabot ang payong kay Froy.
"Salamat ibabalik ko rin agad 'to sayo."
"Bukas na lang. Sige ingat kayo." Nakangiting sabi niya sa mga ito saka siya lumabas ng classroom. Dumeretso siya sa locker room niya saka nilagay lahat ng gamit niya. Maaga na lang siyang papasok bukas, sa library na lang niya tatapusin ang mga ginagawa niya. Mabilis siyang bumaba ng school. Pero napahinto siya sa pasilyo pa lang kaharap ng office nang makita niyang malakas ang ulan. Malayo pa naman 'yung gate. Siguradong hindi pa siya nakakapunta don basa na ang buo niyang katawan. Medyo manipis pa naman ang suot niyang blouse. Malinis ang gitna ng campus walang sino man ang naglalakas ng loob na sumulong sa malakas na ulan. Napakagat-labi naman siya nang yakapin siya ng lamig ng hangin.
Naku baka mamaya pa tumila 'to. Bahala na!'
Tinaklob niya ang dalawang palad sa ulo saka lumusob sa malakas na ulan. Pero kahit anong bilis ng takbo niya ay nabasa pa rin siya.
"Ay palaka!" Tili niya nang basta na lang may humila ng kwelyo niya sa batok. Napahinto siya sa pagtakbo, buti na lang at na-i-balanse niya ang sarili kaya hindi siya bumagsak. Nakita niya ang dalawang pares ng paa sa gilid niya. Dahan-dahan niyang nilingon para alamin kung sino 'yon. Nabungaran niya ang mukha ni Clifford, naka-hood jacket ito.
"Stupid." Walang emosyon na sabi nito sakanya. Tumaas ang tingin niya, nakita niya ang malaking payong na hawak ng isang kamay nito. Umawang ang labi niya nang maglakad ito, dahil hawak pa rin nito ang kwelyo sa likod niya ay napasabay siya dito.
"Aray dahan-dahan naman!" Angal niya dahil sa bilis ng paglalakad nito.
"Ayaw mong makita nila tayo diba? Kaya nga nagmamadali tayo eh." Sabi pa nito habang bitbit siya. Hanggang sa makalabas na sila ng gate ay bitbit pa rin siya nito. Tumigil lang sila nang makarating na sila ng parking lot area.
"Bitawan mo 'ko! Magco-commute lang ako!" Angal niya pero hindi siya nito pinakinggan. Pinilit siya nitong pinasok sa loob ng sasakyan nito. Umikot naman ito papunta sa kabilang side saka sumakay sa driver seat. Binato nito sa likod ng kotse nito ang payong saka binaba ang hood ng jacket. Kumunot pa ang noo niya nang hubarin nito ang jacket, binato rin nito 'yon sa likod. Natira ang uniform nitong puti. Naka-bukas ang butones non hanggang dibdib nito kaya kita niya ang makinis at maputi nitong dibdib. Binawi niya ang tingin niya.
"Diba malinaw 'yung usapan natin kanina?" Sabi niya dito.
"Yeah... so, what's the problem?" Tanong nito habang hinuhubad ang suot na G-Shock, nilagay nito 'yon sa dashboard saka na nito binuhay ang makina ng sasakyan.
"So bakit ka pa rin dumidikit sakin? Pano na lang kung may nakakita satin ha?!"
"Kaya nga naka-hood ako kanina diba? Kaya sa tuwing magkasama tayo tatakpan ko ang mukha ko. Tapos." Nakangiting sabi nito. Natawa siya ng mahina saka tumaas ang kilay.
"Nang-aasar kaba? Gusto mong i-emphasize ko pa ang sinabi ko kanina? Hanggang don lang 'yung pagkakakilala natin. Gets mo 'yon?" Naiinis na sabi niya. Palabas na sila ng parking lot, nakatutok lang ang mata nito sa daan.
"Pano kung ayoko?" Natutuwang sabi nito. Nagpantay ang labi niya sa pagka-inis dito.
"Ang tigas talaga ng mukha mo no Clifford?" Sarkastikang sabi niya. Nakita niyang natigilan ito saka unti-unting ngumiti, 'yon lang ang ka una-unahang pagkakataon na nakita niya itong nakangiti. Hindi ito nakangisi, o di kaya nang-aasar.
"Finally...." Usal nito. Kumunot naman ang noo niya.
"Anong finally?" Tanong niya. Umiling lang ito.
"Wala." Bahagya siya nitong nilingon. "...gusto mong kumain? May alam akong buffet dito. Treat kita."
Bigla naman siyang nagutom.
"At hindi ka pwedeng tumanggi." Sabi agad nito. Tinitigan niya ito.
"Tanong ko lang Clifford, bakit ba ako ang ginugulo mo? Pandagdag ba ako sa mga babae mo? Kagaya ni Criselda? ni Violet at iba pang napaiyak mo."
"Hindi ba pwedeng maki-pag kaibigan lang sayo? Bakit? gusto mo ba na maging tayo?" Nakangising sabi nito. Inirapan niya ito.
"Ewan ko sayo." Tumingin siya sa labas ng bintana. Kaibigan? Si Clifford? Napailing siya, mukhang malabo sa landi ng lalaking 'to.