Nang huminto na ang sasakyan sa harap ng mansion ay binalingan niya na si Clifford. Inaalis na nito ang seatbelt. "Ah hanggang dito na lang ako Clifford, 'wag ka ng bumaba. Baka kasi nandiyan na si mama." Sabi niya dito. Nilingon naman siya nito. "Are you sure?" Nakangiting tumango naman siya saka tinanggal ang seatbelt. "Oo. Salamat uli sa treat ha?" Nakangiting sabi niya saka siya may naalala. Kinuha niya ang bag saka may kinuha sa loob ng bag niya. Buti na lang nadala ko 'to.' Inabot niya ang hawak kay Clifford. ".... Is it yours?" Nakita niyang natigilan ito, kung hindi siya nagkakamali ay nakita niya ang sakit na dumaan sa mata nito nang makita ang kwintas na hawak niya. Kinuha naman nito sa kamay niya. "Promising ring 'yang nakalawit diba?" Tanong niya pa dito. Mapait na ng

