"Kung nagsasalita lang yang papel na hawak mo kanina pa nagreklamo 'yan." Nguso lang ang sinagot ni Faith sa ina habang patuloy pa rin niyang tinutusok ng ballpen ang papel. Tumayo siya habang dala ang mga gamit. "Ma' tulog na po ako." Sabi niya kahit pa hindi siya maaga matulog. Hindi niya alam kung bakit wala siyang ganang kumilos ngayon. Basta masama ang loob niya. Mabigat ang loob na pumasok siya sa kwarto. Padapa siyang humiga sa kama at nangalumbaba saka tumingin sa terrace. Tumingin siya sa orasang nasa dingding. Ganitong oras umaakyat na siya sa terrace.' "Kaasar! ayokong mag assume no?" Bulong niya Kumunot ang niya nang makita na parang may flying object na bumabato sa terrace. Inaninag niya ang bagay na 'yon na nasa sahig. Teddy bear? Muli na namang may bumato. Eh? Box?

