Kabanata 7

2511 Words
"Ayun siya!" Nanlaki ang mga mata ni Savanna nang makitang muli ang humahabol sa kaniya. Nais niya sanang tulungan ang lalaking nagligtas sa kaniya ilang minuto pa lamang ang nakakaraan. Na ngayon nga ay nakahandusay na sa sementadong sahig. Ngunit tila tinakasan siya ng puso niya nang makita ang mga lalaking kanina pa siya hinahanap. "Hoy!!" Sigaw ng isang lalaki nang mag simula na naman siyang tumakbo palayo sa lugar na iyon. Kailangan niyang makalayo. Kung hindi ay baka sa mundo na siya ng mga tao mamatay. Walang mintis ang pag ilaw ng kanyang kwintas. Senyales na nasa matinding kapahamakan ang buhay niya. Her life was really in danger. Paano kung namatay pala ang tinderong iyon? Baka patayin din siya bilang ganti sa ginawa niya. Ngunit hindi naman niya iyon sinasadya. Kung maaari lamang siyang humiling kay Welsha ay ginawa niya na. Ngunit paano niya iyon magagawa kung nawawala ang mahiwagang balon. Ni hindi niya alam kung saang lupalop niya iyon hahanapin. "Aray!" Hindi niya namalayan ang pagkakadapa sa sementadong sahig. Halos maiyak siya ng maramdaman ang paghapdi ng tuhod niya. Kung minamalas nga naman, nagkasugat pa siya. Welsha. . . Bulong niya sa sarili. Wala siyang ibang mahihingian ng tulong kundi ang diwata ng mahiwagang balon. Napahawak siya sa dibdib. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang kalakas ang kabog nito. Napalingon siya mula sa likuran. Muli na naman niyang natanaw ang mga kalalakihang humahabol sa kaniya. Samantalang si Savanna ay lawit na ang dila sa lakad-takbong ginawa niya. Hindi ba sila napapagod? "Welsha. . Kailangan ko ng tulong mo. ." Hindi man niya alam kung epektibo ang pagtawag niya sa diwata ay hindi pa rin siya tumigil na tawagin ito. Habang nakahawak siya sa pendant ng kanyang kwintas. She's hoping that it will work. "Welsha. . Tulong. . " Mariin siyang napapikit nang marinig ang yabag ng mga lalaki mula sa likuran niya. Tapos na talaga ang buhay niya! "Saan na naman iyon napunta?" Idinilat ni Savanna ang isa niyang mata. Napansin niyang wala na siya sa sementadong sahig. Kundi ay nasa itaas na siya ng puno at nakatanaw sa ibaba kung saan naroon ang mga humahabol sa kaniya. "Huwag kang gumawa ng ingay kung ayaw mong mahuli ka nila." Muntik pa siyang malaglag sa sanga na kinauupuan niya nang marinig ng dalaga ang boses ni Welsha. Inilinga niya ang paningin upang hanapin kung saan nang gagaling ang boses na iyon. "Nandito ako!" Maliit at matinis ang boses ng diwata. Lumilipad ito sa harap ng mukha niya. Hindi kaagad niya ito nakita dahil kasing liit lang ng alitaptap ang diwata. "A-Anong nangyari sayo?" Nagtatakang tanong ni Savanna nang mapansin ang pag iibang anyo nito. Hindi naman kasi ganito kaliit si Welsha noong iwan niya sa bundok ng Matilda. "Ganito talaga ang nangyayari sa aming mga diwata kapag napupunta kami sa mundo ng mga tao." Paliwanag ng magandang diwata. "Yang mga taong 'yan." Itinuro ni Savanna ang mga lalaking nasa ibaba lang ng puno. "Kailan ba sila titigil sa paghabol sa akin? Pagod na pagod na ako e." Napasandal pa siya sa katawan ng puno. Bakas sa mukha niya ang pagod at uhaw. Natutuyuan na nga siya ng lalamunan dahil kanina pa siya walang tigil sa pagtakbo. "Mapapagod din ang mga iyan. Ang mabuti pa, dito ka na muna mag tago." Payo sa kaniya ni Welsha. At bigla na lamang itong naglaho na parang bula. "Wel--" Tatawagin pa sana niya ang diwata ngunit hindi na niya ito muling nakita pa. "Paano ako bababa dito?" Natutop niya ang bibig. Upang pigilan ang sarili sa ginawa nitong ingay. Pinagmamasdan pa rin niya ang mga humahabol sa kanya. Haaay. . "Sir Gio?" Hindi pa rin tumigil si Greg na tapikin ang pisngi ng kanyang artistang amo. Nasa eskinita pa rin sila kung saan hinimatay si Gio. Hindi pa rin ito gumigising magmula noong hahabulin niya na sana ang magandang dalaga. "Sir Gio!" Inalog alog rin niya ito at pilit na ginigising. Hindi na rin sila nakarating sa photo shoot na matagal na pinaghandaan ng binata. It was a photoshoot where he can show his six pack abs. Ginugol niya ang lahat ng oras niya sa gym para lang ma-achieve ang target niyang abs. "Sir Gio. Huwag ka munang mamatay wala pa yung bonus ko." Naiiyak na sambit ni Greg. Ngunit hindi pa rin dumidilat ang binata. Malapit na rin silang maabutan ng dilim at mukhang sa eskinita na rin sila aabutin ng magdamag. "Sir Gio, huwag ka munang mamatay. Hindi ka pa nag aasawa!" This time, Greg slap him harder. At doon na nga nagising ang binata. Tulala pa itong nakatingin sa driver niya na tila hindi pa nag sisink in sa utak niya kung ano ba ang nangyari sa kanya. Namamanhid din ang pisngi niya kaya nasapo niya ito. "Aray sir!" "Gago ka, sinampal mo ba ako?" Ginantihan niya rin ito ng sampal. Nanatili pa rin itong nakahiga sa hita ni Greg. Animo'y nasa damuhan lang sila na parang nagpipicnic. "Ha? Hindi. . Hindi po sir ah!" Sunod sunod na iling nito. Nang bumangon si Gio ay inikot niya ang paningin sa paligid. Tila may hinahanap siya. "Nasaan na yung pinapahabol ko sayong babae?" Sa wakas ay nakatayo na rin siya sa tulong ng kanyang driver. Mas nauna pa niyang intindihin ang magandang dalaga kaysa sa nakaligtaan niyang photo shoot. "Eh sir, binalikan siya nung mga humahabol sa kaniya e. Tapos ayun, mas mabilis pa sa kabayo kung tumakbo." Greg scratched the back of his head. Kung hindi lang bumalik ang mga lalaking humahabol sa dalaga ay baka kasama niya na iyon. Because Savanna is willing to help him. "Ang tanga mo naman!" Binatukan niya si Greg. "Bakit hinayaan mong makalayo? Paano kung may mangyaring masama sa kanya?" Hindi alam ng binata kung bakit ganito nalang siya kung mag alala. Maybe because Savanna was only wearing a very thin dress. Kung siya nga ay naaakit dito, ano pa kaya ang mararamdaman ng ibang lalaking makakakita sa dalaga? "Hindi naman kita puwedeng iwan dito sir. Kita mo nga, mag gagabi na. Akala ko nga ay dito na tayo matutulog sa kalsada." Napabuntong hininga na lamang si Gio sa sinabi ni Greg. Hindi pa rin kasi mawala sa isip niya ang dalaga. Lalo pa't naglapat ang mga labi nila sa hindi inaasahang pagkakataon. Mas lalong hindi niya kayang kalimutan ang mukha ni Savanna. Nasaan na kaya ang babaeng iyon? "Welsha. ." Muli niyang hinawakan ang pendant ng kanyang kwintas. Binubulong na naman niya ang pangalan ng diwata. "Maaari bang ibaba mo na ako dito." Tuluyan ng nilamon ng dilim ang paligid. Tanging ilaw na lamang ng mga sasakyan ang nagsilbing liwanag. Wala na rin ang mga taong humahabol sa kanya. Tama nga si Welsha, mapapagod din pala sila sa kakahabol sa akin. "Welsha. ." Kung bakit kasi sa itaas pa siya ng puno itinago ng magandang diwata. "Wel--" "Ano na namang kailangan mo?" Inis na sambit ni Welsha. Si Savanna lang kasi ang katangi-tanging prinsesa na tumakas mula sa kanilang kaharian na humihingi ng tulong sa kanya. Kung sabagay ay noong unang panahon pa iyon. Hindi pa moderno sa mundo ng mga tao. At isa pa, hindi pa ganoon ka delikado sa mundong kinabibilangan ng mga normal na tao. "Ibaba mo na ako dito." The fairy rolled her eyes. Matitiis ba naman niya ang prinsesa? Gayung nagmamakaawa ang mga mata ng dalaga. Welsha rotated her index finger to unleash her magic at itinapat iyon kay Savanna. Naramdaman ng dalaga ang pag lutang niya sa ere at dahan dahan siyang bumababa sa sementadong sahig. "Salamat Welsha. Marahil ay mamamatay na ako dito kung wala ka." Nagulat na lamang ang diwata nang hulihin siya ni Savanna at idikit sa pisngi nito. Kung hindi lang siya ganito kaliit ay baka niyakap niya na si Welsha ng mahigpit. "Ahh, prinsesa! Baka ako naman ang mamatay sayo!" Reklamo ni Welsha na pilit kumakawala sa kamay ng dalaga. "Welsha!" Sa pagpipilit na makatakas ng diwata sa kamay ni Savanna ay tumalsik tuloy siya sa katawan ng puno na malapit sa puwesto nila. "Aray!!" Nanghihina itong bumagsak sa lupa at masamang nakatingin kay Savanna. Mabuti at maliit lamang na nilalang ngayon si Welsha. Dahil kung hindi ay baka magantihan niya ang prinsesa sa ginawa nito sa kanya. Hindi naman kasi niya pupwedeng gamitin sa masama ang kanyang mahika. "Patawarin mo na ako Welsha." Hindi na siya pinansin ng diwata nang baybayin nila ang kahabaan ng kalsada. Hindi rin niya alam kung saan siya dadalhin ng kanyang mga paa. Saan na naman kaya siya aabutin ng pagod niya? Ang mga talampakan niya ay nagkakaroon na ng kalyo dahil sa tagal ng walang sapin ang mga paa niya. "Ako pa yata ang unang mamamatay sa ating dalawa e." Sambit nito sa matinis nitong boses. Kung gaano siya kaliit, ay ganoon din kaliit ang boses niya. Malaya lang itong lumilipad sa ere, kasabay ng paglalakad ni Savanna. "Ibalik mo na ako sa kaharian. Ayoko na dito." Nakaramdam ng pagkalungkot ang prinsesa. Hindi maalis sa isip niya ang mahal na hari at reyna. Kamusta na kaya sila? Nawa'y hindi sila nalulungkot sa pagkawala ko. "Hindi ba't sinabi ko sa iyo na kailangan mong hanapin ang kalahati ng kwintas na iyan? Bago ka muling makabalik sa kaharian ng Archaea." Malungkot na sumilong si Savanna sa waiting shed na nakita niya. Tila dinadamayan siya ng kalangitan sa lungkot na nararamdaman niya, dahil nagbabadya na ang malakas na pagbuhos ng ulan. "Saan ko naman siya hahanapin?" Hindi siya nakakuha nang agaran na sagot dahil bigla na lamang nawala sa paningin niya si Welsha kasabay ng pagkidlat at malakas na kulog. "Ahhh!" Napasigaw ang dalaga habang nakatakip ang dalawang kamay sa magkabilang tainga. Natakot siya sa dagundong ng langit at bigla na lamang tumakbo palayo sa waiting shed. It's a wrong choice for her. Kasabay kasi ng pagtakbo niya ay ang pagbuhos ng napakalakas na ulan. Gustuhin man niyang bumalik sa waiting shed na pinang galingan niya ay hindi na niya nagawa pa. Wala siyang ibang makita sa paligid kundi kadiliman. Basang basa na siya sa ulan. Kaya naman kumapit na sa katawan niya ang suot niyang white dress. Kung itatapat siya sa liwanag ay makikita na talaga ang pinakatatago niyang kayamanan. Yakap niya ang sarili dahil ramdam niya ang lamig ng tubig ulan na dumadampi sa balat niya. Kasabay nito ang malakas na hangin na animo'y tatangayin siya. Welsha. . Bulong niya sa sarili bago siya mawalan ng malay sa gitna ng kalsada. "I'm sorry, nagkaroon kasi ng emergency kaya hindi ako nakapunta sa photo shoot." Kausap ni Gio ang kanyang manager sa kabilang linya. Mabuti nalang din at hindi siya sa studio inabutan ng pagsakit ng ulo niya dahil paniguradong pag uusapan siya ng lahat. Walang ibang nakaka alam ng sakit niya kundi siya lang at ang kaibigan niyang si Louisse. Ayaw niyang kaawaan siya ng lahat. Sikat siya at mas gusto niyang hinahangaan siya ng mga tao. "Really? I've been waiting for you for almost four hours! Tinawagan mo sana ako. Hindi yung pinahiya mo ako sa lahat ng tao dito." Singhal ng kanyang manager na si Violet. Violet was her talent manager for how many years. Siya ang tumulong kay Gio na sumikat at mas makilala pa ng husto. Ngunit sa sobrang pag aasikaso niya sa kasikatan ni Gio ay nakalimutan niya na yata ang magmahal at unahin ang sarili niya. "Sorry na nga." May paglalambing sa tono ng binata. Alam niya kasi na sa ganoong paraan niya lang mapapaamo ang mala-tigre niyang talent manager. Napahalukipkip naman si Greg nang marinig iyon mula sa kanyang amo. "Gago kayo ah! Pinagtatawanan niyo pa ako ni Greg!" At lumakas na nga ang tawa nilang dalawa. Trip na trip niya talagang asarin si Violet. "s**t!!" Bulalas ni Gio nang bigla na lamang mag preno si Greg. Kung wala lang siyang seat belt ay baka tumalsik na siya mula sa kinauupuan niya. "Ano ba! Mapapaaga pa yata ang pagkamatay ko sayo e!" Mahina niya itong sinuntok sa braso. Hindi niya maipagkakaila na talagang binalot siya ng takot dahil sa ginawang pag preno ng kanyang driver. Hindi siya mamamatay sa sakit, kundi mamamatay siya sa aksidente. "Si. . Sir . ." Tulala itong nakatingin sa kalsada. Habang mahigpit na nakahawak sa manubela. "Nakapatay yata ako." Kumunot ang noo ni Gio. Itinuon rin niya ang paningin sa kalsada. Halos malaglag pa ang eyeballs niya nang makita ang isang babaeng nakahandusay sa gitna ng kalsada. "Ano pang ginagawa mo! I-check mo kung buhay pa!" Histerikal na utos niya kay Greg. Na ngayon ay nanginginig na sa takot. Sa tanan kasi ng buhay niya bilang driver ay ngayon lang siya nakabangga ng tao. Lalo pa ngayon na delikado ang kalsada dahil sa lakas ng ulan. "Pero. ." Hindi na niya nahintay ang pag kilos ni Greg. At siya na ang lumabas para tignan ang babaeng nakadapa sa kalsada. "Miss. . " He doesn't even care kung mabasa man siya ng ulan. Paano kung napatay nga ni Greg ang babaeng iyon? E di mas lalong nang galaiti sa kanya si Violet dahil pati siya ay madadamay pa sa aksidenteng kinasangkutan ng kanyang driver. "Miss. ." Hinawakan niya ang braso ng babae. Binalot na rin siya ng takot dahil napakalamig ng balat nito. "Greg! Patay na yata ito!" Sigaw niya mula sa pwesto niya. Hindi pa rin bumababa ang driver niya, nakatulala lang iyon habang nakatingin sa kanila. "Kung hindi ka bababa diyan, hindi ko ibibigay ang bonus mo!" Pagbabanta nito. At mabilis pa sa alas kwatrong tumakbo palapit sa kanya si Greg. Tinulungan siya nitong itihaya ang dalaga. "Sir!" Nagkatinginan sila nang tumambad ang pamilyar na mukha ng dalaga. The girl in my dreams! Agad na hinawakan ni Greg ang leeg nito at pinakiramdaman ang pulso ng babae. "Buhay pa sir. Buhay pa!!" Tuwang tuwang na inalog ni Greg ang amo niya. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya dahil buhay ang dalaga. O masaya siya dahil sa wakas ay makukuha na rin niya ang bonus niya mula kay Gio. Agad nilang binuhat ang dalaga papasok ng sasakyan at inihiga sa passenger's seat. Pilit iniwas ni Gio ang kanyang makasalanang mata sa magandang hubog na katawan ng dalaga. Bakit kasi wala itong suot na kahit na anong panloob. Hindi tuloy maiwasan ng binata na maakit sa malulusog nitong kayamanan. "Sir?" Sinampal niya si Greg nang mapansin na nakatitig din ito sa katawan ng babae. Mukhang aagawan pa siya nito. "Kumuha ka ng damit sa compartment!" Hindi kaagad ito kumilos dahil tila namagnet ang mata niya sa bakat na n*****s ng dalaga. Hinihigop siya nito. "Greg!!" Sigaw niya rito at muling sinampal. "Heto na nga e!" Nagmamadali nitong tinungo ang compartment at kinuha ang lahat ng damit ng amo niya. "Isa pang tingin mo sa kanya at tutusukin ko yang mata mo!" Pagbabanta ni Gio at ipinatong ang damit niya sa nilalamig na dalaga. Pumwesto rin siya sa ulunan ng dalaga at nagboluntaryo na gawing unan ang hita niya. "Let's go home." Utos niya kay Greg habang hindi tinatanggal ang tingin niya sa magandang dalaga. He don't want to lose that girl. The girl on his dreams.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD