Himas himas ni Savanna ang kaniyang kumakalam na tiyan. Habang binabaybay ang kalsadang nadaanan niya. Iba't ibang klase ng pagkain ang nakikita niya at talagang natatakam na siya.
"Gutom na ako." Naiiyak niyang saad. Pinagmamasdan niya ang mga estudyanteng abala sa pagkain ng mga street foods. Iniisip niya kung paano din siya makakakain.
"Bili ka na miss." Nakangiting tinawag siya ng tindero habang humahanga sa hubog ng katawan ni Savanna. Dinilaan pa ng tindero ang labi niya na animong natatakam sa kaharap niyang dalaga.
Agad naman na lumapit si Savanna sa food cart at manghang mangha sa nakalatag na pagkain.
"Tabi kayo diyan, kakain ang mapapangasawa ko." Hinawi ng tindero ang mga estudyate. Maging ang mga lalaking estudyante ay natigilan sa magandang si Savanna.
"Malabong patulan ka niyan!" Pagbibiro ng isa sa kanila. Agad namang lumapit ang dalaga at walang pagdadalawang isip na dinampot ang kulay kahel na hugis bilog.
"Aray!" Nagtawanan ang mga nakapalibot sa kanya. Hindi niya naisip na mainit pa ang pagkain na iyon.
"Ganito yan." Itinuro ng tindero ang tamang pagkuha doon. Tinusok niya ng stick ang hugis bilog na iyon at isinawsaw sa isang garapon. Agad naman na ginaya ni Savanna ang ginawa ng tindero.
"Hmm. . ." Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang matikman niya ang hindi pamilyar na pagkain.
Ang sarap!
Bulong nito sa sarili. At sunod sunod na ang ginawa niyang pagkain. Paminsan minsan ay dala-dalawa pa ang sinusubo niya sa kanyang bibig.
Napapatalon pa siya sa tuwa dahil sa sayang nararamdaman niya. Dahil sa wakas ay nagkaroon na rin ng laman ang kumakalam niyang tiyan.
Lingid sa kaalaman ni Savanna ay pinagtitinginan na pala siya ng mga taong naroon. Pati na rin ang mga dumaraan na tao. Parang iyon lamang ang unang pagkakataon na makakita sila ng magandang babae na kumakain ng street foods.
Si Savanna pa mismo ang kumuha ng sandok ng palamig nang mauhaw siya. At doon pa uminom sa sandok na animo'y humihigop lang ng sabaw.
Muling nagluto ang tindero ng paninda nito dahil naubos na ni Savanna ang mga lutong kwek-kwek. Nagtataka pa siya dahil sa lakas nitong kumain.
"Hayyy!!" Himas na ngayon ni Savanna ang busog niyang tiyan. Hindi niya lubos maisip na mabubusog siya sa pagkaing iyon. Naibsan na ang pagod at gutom niya.
"Salamat sa'yo!" Nakangiti niyang sambit sa tindero at tumalikod na.
"Teka sandali!" Inawat siya ng tindero ngunit dumiretsyo lang siya ng lakad.
"Hoy miss!" Natigilan siya ng hawakan siya sa braso ng lalaki. Nagtataka naman siyang nilingon iyon.
"Nasaan ang bayad mo?" Nakalahad ang kamay ng tindero na tila may hinihingi sa kanya.
"Ha?" Pinagtitinginan na sila ng mga tao dahil sa eksenang nangyayari.
"Huwag kang patay malisya! Nasaan na ang bayad mo sa kinain mo ha?" Giit ng lalaki.
"Bayad? Anong bayad?" Naguguluhan na tanong ni Savanna. Hindi niya alam ang sinasabi ng lalaking kaharap. Namilipit siya sa sakit nang humigpit ang pagkakahawak sa braso niya.
"Magbabayad ka o ipapapulis kita?" Bakas sa mukha ng tindero ang galit dahil halos maubos na ni Savanna ang paninda nito.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo!" Humalakhak ang lalaki. Pinalilibutan na sila ng manunuod.
"Puwede ba, huwag ka ng magkunwari pa diyan? Halika, at dadalhin kita sa pulis!"
"Ano ba!" Kinaladkad siya ng lalaki patungo kung saan. Pero hindi nagpatalo si Savanna dahil pilit niyang hinihila ang braso niya mula sa hindi kilalang lalaki.
"Bitiwan mo ako!" Patuloy siya sa panlalaban. Halos tumaas na ang laylayan ng bestida niya. Kaya naman hindi napigilan ng manunuod na pagmasdan ang maputi nitong hita. Kaunti nalang ay baka makita na rin ang pinakatatago niyang kayamanan.
Nang mahawakan niya ang kamay ng lalaki ay walang habas na iniikot niya ito.
"Aray!" Reklamo nito nang siya naman ang mamilipit sa sakit. At tuluyan na ngang nabitiwan si Savanna.
"Hindi mo ba ako nakikilala? Ako ang prinsesa ng kaharian ng Archaea!" Nagtawanan ang mga nakapalibot sa kanila. Siguro ay pinagkakamalan nilang nababaliw na si Savanna.
Pero sino ba kasing magandang dalaga ang nagpapalaboy lang sa kalsada. Nakayapak lang ito at tanging manipis na bestida lamang ang suot.
Hindi na nakapag pigil si Savanna na labanan ang tindero. Pinadapa niya ito sa kalsada at saka inupuan sa likuran.
"Isa kang masamang nilalang!" Hinila nito ang buhok ng lalaki at saka sinabunutan. "Ito ang nababagay sa iyo!"
"Aray!!" Tuwang tuwa naman ang mga estudyanteng tila nanunuod lang ng live wrestling. Ang isang estudyante pa nga ay nagpasimuno ng pustahan kung sino ang mananalo sa pagitan ni Savanna at ng tindero.
"Traffic!" Reklamo ng driver ni Gio nang matapat sila sa isang sikat na eskwelahan.
"Bakit kasi dito pa tayo dumaan!" Asik ng binata nang maipit sila sa traffic. Mayroon pa naman siyang photoshoot para sa isang magazine.
"Dito ako tinuro ng waze sir e." Mahina niyang binatukan ang kanyang personal driver. Si Greg. Simula pa noong nag uumpisa pa lamang siyang mag artista ay ito na ang naging kasama niya sa lahat ng biyahe niya.
Napansin ng binata ang kumpulan ng mga estudyante na naging dahilan kung bakit sila naipit sa traffic.
"Boss anong meron diyan?" Hindi napigilan ni Greg na tanungin ang isa sa mga lalaking nakikisilip rin sa kumpulan ng tao.
"Live wrestling daw ho e!" Itinago naman ni Gio ang mukha niya. Dahil kapag nakita siya nito ay tiyak na siya naman ang pagkakaguluhan.
"Pupusta po ba kayo?" Inilahad ng lalaki ang sumbrero nito na naglalaman ng barya. Nakangiti pa ito at tila iniing-ganyo pa ang driver.
"Naku hindi, male-late pa kami lalo diyan e!" Pagbibiro ni Greg.
"Sige na ho! Mukhang talo naman yung lalaki. Doon kayo sa sexy at magandang babae tumaya!" Akmang isasarado na ni Greg ang bintana nang pigilan siya ng lalaki.
Agad na nilingon ng driver si Gio na bakas ang pagkainis dahil late na talaga sila sa photoshoot. Nagawa pa kasi nitong magtanong kaya heto at mukhang matatagalan pa sila.
"Isara mo na yan kung ayaw mong ikaw ang i-wrestling ko!" Madiin na pagkasabi nito. Kaunti nalang ay tototohanin na niya ang pagbabanta sa driver niya.
"Hehe. Ito na nga e!"
"Teka sandali!" Pigil ni Gio kay Greg nang mapansin ang babaeng tumakbo mula sa loob ng kumpulan. The girl seems familiar.
Ang mahaba nitong buhok, ang damit nitong puti at ang makinis nitong balat. Hindi siya puwedeng magkamali dahil iyon lang ang tanging palatandaan ng babaeng ilang araw na niyang hinahanap.
Ang babaeng tumatakbo ay tila napansin niyang hinahabol na rin ng kalalakihan.
"Sundan mo yung babaeng yun!" Utos niya kay Greg ngunit hindi kaagad napaandar ang sasakyan dahil nahaharangan sila ng mga taong naroon.
*Beep*Beep*Beep*
Sunod sunod na busina ng kanyang driver. Ngunit hindi pa rin iyon nakatulong upang tumabi ang mga estudyante.
Shit! Hindi ko na siya hahayaang makalayo! She's the girl in my dreams. Ilang araw ko na siyang napapanaginipan!
"Sir!" Hindi na nagawa pang pigilan ni Greg si Gio nang tuluyan na siyang makalabas ng sasakyan.
Bahala na!
Pilit niyang itinago ang mukha niya gamit ang sumbrero na suot niya. Kailangan niyang masundan ang dalagang iyon dahil mababaliw na siya sa kakaisip sa babaeng muntik niya ng masagasaan noon.
Nakisabay siya sa pagtakbo ng mga estudyante.
Ano kaya ang dahilan kung bakit nila hinahabol ang babaeng iyon?
"Tama na! Ayoko na!" Pagmamakaawa ng lalaki nang maramdaman ang pagdurugo ng kanyang noo. Paulit ulit kasi siyang iniuntog ni Savanna sa semento.
"Hala! May dugo!" Natigilan si Savanna at sinilip ang mukha ng lalaking dinaganan niya. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Totoo ngang may dugo ang noo nito at nagkalat na sa mukha niya.
Agad siyang napatayo. Hindi niya alam ang gagawin niya. Binalot siya ng takot dahil baka napatay niya ang tinderong iyon.
"Kailangan ka naming dalhin sa pulis!" Napaatras siya nang lumapit sa kanya ang isa sa mga nanunuod. Inilibot niya ang paningin sa mga taong naroon. Masamang nakatingin sa kanya ang lahat ng nakapalibot. Kulang nalang ay siya ang isunod sa duguang lalaki.
"P-pasensya na. ." Sambit niya. Agad siyang tumalikod at naitulak pa niya ang taong nasa harap niya. Saka siya tumakbo palayo sa lugar na iyon.
"Habulin natin!" Narinig niya ang pagsigaw na iyon kaya naman mas binilisan niya pa ang pagtakbo. Saan na naman kaya siya dadalhin ng mga paa niya!
Kung alam niya lang na mas mapapahamak lang siya sa mundo ng mga tao ay sana nagpakasal nalang pala siya kay Cleandro. Kahit na labag pa sa kalooban niya. Kaysa naman sa mundong napuntahan niya, na mukhang mapapadali ang buhay niya.
Nilingon niya ang mga humahabol sa kanya. Malapit na siyang maabutan ng mga iyon.
Ano kayang gagawin nila sa akin?
Ramdam na niya ang pagod. Ngunit hindi siya pupwedeng tumigil dahil kapag naabutan siya ng mga iyon ay paniguradong tapos na ang buhay niya.
"Ahh!!" Napatili siya nang may bigla na lamang humila sa kanya.
"Shhh!!" Itinapat ng binata ang hintuturo nito sa labi at pinatahimik si Savanna. Hinila siya ng isang lalaki sa isang iskinita at isinandal sa pader.
"A-anong gagawin mo?" Inilapit ng lalaki ang mukha niya sa magandang dalaga. Pinakatitigan ito. Maganda pala talaga si Savanna lalo na kapag malapitan.
"Huwag kang maingay, kung ayaw mong makita ka nila." Bulong nito sa dalaga.
"Nawala!!" Sigaw ng lalaking estudyante. Isa ito sa mga humahabol sa kaniya.
Kung titignan mula sa pwesto ni Savanna ay para siyang hinahalikan ng lalaking kaharap. Kaya hindi siya kaagad napansin ng mga iyon.
"Maghiwa-hiwalay tayo!" Hindi na nagdalawang isip pang hawakan niya sa batok ang binata at siilin ng halik. Hindi siya pupwedeng makita nang mga iyon lalo na't papunta sa pwesto nila ang mga humahabol sa kanya.
"Hmmmp!" Hindi na nakatanggi pa si Gio nang maramdaman ang malambot na labi ng dalaga.
He didn't imagined this scene. Basta ang alam niya lang ay kailangan niyang mailigtas ang babaeng hinahabol rin niya. And finally! Hindi lang niya nailigtas ang magandang dalaga kundi nagkaroon pa siya ng hindi inaasahan na reward.
Mariin na napapikit si Savanna nang makitang nasa likuran na ng binata ang humahabol sa kanya.
"Wooh!" Hinihingal si Gio nang itulak siya ng magandang dalaga mula sa paghahalikan nilang dalawa. Hindi niya napigilang mapangiti habang tinititigan ang babaeng kaharap.
Her beauty was out of this world. Well, totoo naman dahil taga ibang mundo talaga si Savanna. Kakaiba ang ganda nito at walang katulad.
Natauhan na lamang siya nang sampalin siya ng dalaga.
"P-Para saan yun?" Bakas sa mukha ni Gio ang pagkagulat. Habang sapo nito ang namumulang pisngi.
"Bakit ganyan mo ako titigan? Para bang may binabalak ka sa aking masama!" Mas lalong nabigla ang binata. Hindi niya akalain na ang mala-anghel na mukha ng dalaga ay mag ugali palang ganito.
"Iniligtas na nga kita sa mga humahabol sayo, tapos sasampalin mo lang ako?" Naiiyak na sambit nito. Iniinda pa rin niya kasi ang hapdi ng pisngi niya.
"Hmmmp!" Muli siyang natigalgal nang muling siyang hapitin ni Savanna sa batok. Sinakop nitong muli ang labi ni Gio nang mapansing pabalik na ang mga lalaking humahabol sa kaniya.
"Saan kaya nagsuot ang babaeng yun!" Reklamo ng isa nang makalagpas sa puwesto nila.
Nakadilat lang si Gio at gulat na nakatitig sa nakapikit na dalaga.
Kung sinuswerte nga naman siya, nakadalawang halik pa siya sa babaeng ito.
Napaupo nalang siya sa sahig nang itulak siya ng dalaga. At bigla na lamang tumakbo palayo sa kanya.
"Teka sandali!" Sigaw ni Gio ngunit mabilis itong nakalayo sa kanya.
"Sir Gio!" Humahangos na lumapit sa kanya ang driver niya. Marahil ay kanina pa siya nito hinahanap.
"Habulin mo ang babaeng iyon!" Utos niya ngunit natulala lang sa kanya si Greg!
"Dalian mo!" Itinulak niya ang driver upang kumilos sa iniuutos nito. Maging si Gio ay nagmamadali na rin na habulin ang dalaga.
"Sir Gio, yung photoshoot mo!" Hindi niya pinakinggan si Greg at mas pinili pa rin na habulin ang magandang dalaga.
Hindi niya alam kung bakit pilit niyang hinahabol ang babae. Kung bakit tila mababaliw siya kapag napapanaginipan niya ang dalagang iyon.
He feels like, that girl is an answer to his questions.
"Sir Gio!" Ngunit natigilan siya nang maramdaman ang pagkirot ng ulo niya. Nanlabo nalang ang paningin niya at biglang bumagsak sa sementadong sahig.
Binalot naman ng kaba ang dalaga nang marinig ang sigaw na iyon. Natigilan siya sa pagtakbo. Nang lingunin niya ang pinang galingan ng boses, ay nabigla siya nang makita ang lalaking nakahandusay at pilit na ginigising ng kasama nito.
Hindi niya alam kung bakit tila hinihila siya nito papunta sa lalaking kanina lang ay hinalikan niya.