Kabanata 5

2084 Words
Ilang oras ng nakatingala mula sa ilalim ng balon si Savanna, inabutan na siya ng dilim sa pag iisip kung paano ba siya makakalabas sa mahiwagang balon. Oo nga't tinulungan siyang makatakas ni Welsha, pero paano naman sya makakalabas sa malalim na balong kinaroroonan nya. "I wish. . I wish. ." Mula sa itaas ay nakarinig sya ng boses ng isang lalaking tila humihiling sa mahiwagang balon. Ngunit nakarinig na lamang sya ng tawa mula sa itaas. "Sino bang tanga ang maniniwala sa wishing well na 'to?" Gio seemed hesistant to wish. Ayaw naman nyang i-base rito ang hiling na mawala na ang kanyang sakit. Ngunit bago pa man sya humiling ay lumiwanag na ang mahiwagang balon at iniluwa nito ang isang napakagandang dilag. Napaatras siya sa nakita na tila naging dahilan para mas lalong sumakit ang ulo niya. Hindi pa naman nya hinihiling na magkaroon ng mapapangasawa at hindi naman nya gugustuhin na magmula lang sa isang mahika mang galing ang makakasama niya hanggang sa pagtanda. Sa takot nyang baka masamang elemento ang nakalutang sa harapan niya, ay kumaripas sya ng takbo mula sa lugar ng mahiwagang balon bago pa man siya mapahamak. Bakit ba kasi naisipan nya pa ang bumalik sa lugar na iyon kung babalutin lamang sya ng takot. "Sana makalabas na ako rito!" Bulong ni Savanna sa sarili at wala pang ilang minuto ay lumiwanag ang balon na kinaroroonan nya hanggang sa naramdaman nya nalang na tila lumulutang sya sa hangin. Naaninag nya ang lalaking kanina ay humihiling sa mahiwagang balon, tulala ito at nakanganga pang nakatitig sa kanya. Tila hindi makapaniwala ang lalaki sa nakikita niya. Savanna was wearing a thin white dress. Ito lamang ang tanging naiwan na saplot nya nang iwan nya kay Welsha ang kasuotan niya. Bakat ang kanyang malulusog na dibdib na natatakpan ng kulot at mahaba nyang buhok. Hapit naman sa kanyang hita ang dulo ng kanyang dress na hindi pa umabot sa kanyang tuhod. Ngunit hindi nya alintana ito lalo na ng lumapat ang kanyang paa sa damuhan. Mula sa kalayuan, Savanna could not help but to amaze at the tall building of the hospital at sa mga katabi rin nitong mga buildings. Nang lingunin nya ang mahiwagang balon ay naglaho na lamang ito na parang bula. Paano na sya makakauwi kung wala na ang balon sa lugar na iyon? Hindi na rin nya nakita ang lalaking kanina lamang ay naaninag niya pa. She started walking away on that place, hindi nya muna dapat isipin iyon, ang mahalaga lang sa kanya ay nakalayo na siya sa kaharian ng Archaea. Hindi man sya pamilyar sa lugar ay nagtuloy tuloy pa rin siya sa paglalakad kahit na madilim ang kapaligiran. "Hi Miss!" Isang matandang lalaki ang lango sa alak, ang lumapit sa kanya. May hawak pa itong bote habang pilit na inilalapit ang mukha nya kay Savanna. "Magkano ka?" Malagkit na tinignan sya ng matanda mula ulo hanggang paa, tila anumang oras ay lalamunin na siya nito ng buhay. Kahit sino naman kasi ay maaakit sa maganda, maputi at makinis na katawan ni Savanna. Napansin naman ng dalaga ang pulang pag ilaw ng suot nyang kwintas. Mula sa payo ni Welsha ay naalala niyang nasa panganib siya kapag umilaw ito ng pula. Nabigla na lamang siya ng haplusin ng matandang iyon ang kanyang hita. "Bastos!" Isang malakas na sampal ang iginanti nya sa lalaki na naging dahilan upang mapaupo ito sa sementong sahig. Kung si Cleandro nga ay hindi nya hinahayaang hawakan sya, paano pa kaya itong lalaking hindi naman niya kilala. Bakas naman ang galit at inis ng lalaki kay Savanna kaya inihagis nito ang bote ng alak sa di kalayuan. At nang makatayo ito mula sa pagkakasalampak sa sahig ay marahas na hinila niya ang dalaga palapit sa kanya. "Lumalaban ka pa talaga ah!" Pilit na nagpupumiglas si Savanna sa marahas na paghila sa kaniya ng matanda. Hindi naman sya nagdalawang isip na iikot ang braso nito upang makawala na sya sa kamay ng m******s na lalaki. "A-Aray!" Nang bumitaw ito ay nagkaroon na siya ng pagkakataon na makatakbo palayo sa lalaking iyon. Hindi siya pamilyar sa lugar na kinaroroonan niya, kaya bahala na kung saan siya dadalhin ng mga paa niyang wala man lang proteksyon. Tila nakipag patintero siya sa mga rumaragasang sasakyan sa gitna ng kalsada upang makarating sa kabilang parte ng daan. Hindi nya na alintana ang aksidenteng maaari nyang kasangkutan. Panay ang tingin niya sa likuran niya habang tumatakbo, sinisigurado na hindi siya nasundan ng matandang iyon. "s**t!" Gio stopped driving when he saw a woman crossing the road. Fortunately, he stepped on the brake quickly, dahil kung hindi ay baka makapatay pa siya ng wala sa oras. Mabilis siyang bumaba ng kanyang kotse at nakita ang isang babaeng nakaupo sa kalsada habang yakap ang sarili. Tila takot na takot at nanginginig pa. Hindi nito makita ang mukha ng dalaga sapagkat nakadikit ang noo nito sa kanyang tuhod. "Hey, are you okay?" Hindi sya nito pinansin kaya naman hinawakan niya ito sa balikat ngunit nabigla siya ng hawakan sya ng babae at iikot ang kamay niya. "A-Aray!" Savanna glared at him, hindi makapapayag ang dalaga na muli siyang hipuan ng m******s na lalaki. Ngunit nanlaki ang mga mata nya ng hindi ang matandang iyon ang nasa harap niya kundi isang matipuno at matangkad na lalaki. Marahas na binawi naman ni Gio ang kanyang kamay at pinagpag dahil sa sakit na idinulot ng pagpihit ni Savanna sa kamay niya. Sa takot ni Savanna na gantihan siya ng lalaking kaharap ay kumaripas siya ng takbo palayo sa kinatatayuan nila. Gio was left speechless, tila namangha siya sa kagandahan ng dalagang iyon. Nanumbalik lamang ang katinuan niya nang makarinig sya ng mga busina ng sasakyan. Nasa gitna pa pala siya ng kalsada. Agad siyang sumakay sa kotse niya at pinaandar na ito. He seemed to want to see that woman again. Gandang ganda siya sa dalagang iyon. Tila hindi naman sya mapakaling ginalugad ang kahabaan ng madilim na kalsada, nakakasigurado sya na hindi pa nakakalayo ang dalaga sa lugar. Savanna felt tired running away from those men. Hingal na hingal siyang napaupo sa upuan ng isang waiting shed, nagkasugat sugat na rin ang kanyang talampakan dahil sa gaspang ng sementong tinatakbuhan niya. Hindi nya naman lubos akalain na pati sa ibang mundo ay hahabulin pa rin siya, katulad ng madalas na paghabol sa kaniya ni Cleandro sa kanilang kaharian. "Hoy! Teritoryo namin ito!" Nilapitan siya ng grupo ng mga kababaihan sa kinauupuan niya. Hindi naman nya ito pinansin at patuloy na hinihilot ang masakit niyang paa. "Inglesera ata yan be!" Nagkatinginan ang apat na babae nang hindi sila tinapunan ng tingin ni Savanna. Nagtutulakan pa sila kung sino ang kakausap sa babaeng napagkamalan nilang Amerikana. "Hey!" Pagbibida ng isang babae na pilit iniaangat ang kanyang dibdib. Walang emosyon syang tinignan ni Savanna mula ulo hanggang paa. "You!" Idinuro siya ng babaeng iyon. "This is!" Pilit na itinuturo ng babae ang lugar na kinatatayuan nila. Hindi nito maexpress ang tunay na sasabihin dahil baka pag ipinilit niya pa ay sumabog na ang utak niya. "Ha?" Tanging sagot lang ni Savanna. Nagtatatalon naman sa tuwa ang apat na dalaga nang marinig syang magsalita, na lalong nagpagulo sa isip niya. Tila nawiwirduhan syang pinanunuod ang mga ito. Akala siguro ng mga babae ay naintindihan ni Savanna ang sinabi ng isa sa kanila. Savanna left the place with no emotion on her face, pero sinundan pa rin siya ng grupong iyon. "Alam mo, yayaman kami sayo!" Hinawakan siya ng isang babae at pilit na ibinabalik sa waiting shed. Hindi naman siya tumanggi sa mga ito, dahil isa pa wala rin naman siyang mapupuntahan. "Pwede na siguro kung limang libo sa isang gabi!" Kumento pa ng isa na manghang mangha sa makinis na balat ni Savanna. Kung alam lang nila kung gaano karaming gatas ng kalabaw ang ipinaliligo niya para makamit ang ganung kaputi nyang balat. Naguguluhan man si Savanna ay pinakikinggan nyang mabuti ang sinasabi ng apat na babaeng iyon. Tila may binabalak ang mga ito sa kanya na hindi maganda. Ang isang payat na babae ay ipinusisyon ang kanyang sarili sa gilid ng kalsada, at isa isang pinapara ang mga nagdaraang sasakyan. "Kung iuwi muna natin sya? Baka wala tayong makuhang customer ngayon!" Suhestiyon ng babaeng wala ang dalawang ngipin sa harap. "Mga tiyuhin lang natin ang makikinabang diyan! Tapos wala pang bayad!" Reklamo ng babaeng puro kolorete ang mukha. "Limang libo nalang boss!" Hanggang sa wakas ay may tumigil na ngang puting kotse sa gilid ng waiting shed. "Ang mahal naman!" Reklamo ng matandang driver at nakipagdiskusyon pa sa payat na babae. "Fresh na fresh 'to! Bagong huli." Marahas na hinawakan ng dalawang babae ang magkabilang braso ni Savanna at kinaladkad siya papalapit sa kotse upang maipakita sa matandang driver. Napangisi ito lalo pa nang makita ang nakabakat na dibdib ng inosenteng dalaga. Agad naman nitong kinuha ang wallet niya at naglabas ng lilibuhing pera. "May tip pa yan!" Iniabot niya na ang pera sa mga kababaihan at marahas na sinakay si Savanna sa passenger's seat. Ninais nya mang labanan ang mga ito ay hindi nya nagawa dahil sadyang malalakas ang grupo ng babae na iyon. Hindi nya kayang makapiglas sa apat na babaeng nakahawak sa kanya. Habang binabaybay ang kalsada, hindi naman nakatakas ang kanyang mapuputing hita sa mata ng m******s na driver. Nang hindi na ito nakatiis ay itinigil niya ang sasakyan sa gilid ng madilim na kalsada at tinanggal nito ang kanyang seat belt saka mariing hinawakan ang hita ni Savanna. Para itong mabangis na hayop na sabik na sabik makakain ng laman. Savanna was surprised when the old man touched her legs at doon na muling umilaw ng pula ang kanyang kwintas. Tama nga ang hinala niyang nasa bingit siya ng kapahamakan. Hindi nya lubos maisip na ganito pala ang pagdaraanan niya sa mundo ng mga tao. Sinampal nya ang lalaki, ngunit sadyang napakalakas nito at pati nga ang dibdib ni Savanna ay marahas na hinimas ng matanda. Hindi rin niya alam kung paano siya makakalabas ng kotse dahil ngayon pa lamang siya nakasakay dito. Pilit na ibinubuka ng matandang lalaki ang hita ni Savanna ngunit hindi siya makapapayag. Buong lakas nya itong itinulak at saka niya ito sinuntok sa mukha ng ilang beses hanggang sa nawalan ito ng malay. Sa takot na muling magising ang lalaki ay wala na siyang ibang naisip kung hindi basagin ang bintana at doon ilabas ang sarili. Naiiyak syang pinagkasya na lamang ang sarili sa bintana kahit nagkanda sugat sugat na ang katawan niya dahil sa basag na mga salamin. Ang mahalaga ay makatakas siya at makalayo sa matandang iyon. "Boss! Isang libo nalang!" Gio stopped at the waiting shed. Tila inaakit siya ng babaeng kulang ang ngipin sa harap. Nagbabaka sakali kasi syang makita niya ang magandang dalaga na nakita niya kanina. Para kasi syang mababaliw dahil hindi niya maalis sa isip ang itsura ng babae. Walang habas na isinara niya ang bintana ng sasakyan, malabo naman na patulan niya ang mga babaeng 'yon! Hindi pa naman siya miserableng naghahanap ng pagpaparausan. Muli niyang minaneho ang kanyang sasakyan at pilit na hinahanap ang babaeng rumerehistro sa utak nya ng paulit ulit. Kahit pa pumikit siya ay hindi niya makalimutan ang mala-perpektong mukha ng dalaga. Madiin na napatapak siya sa clutch ng kanyang sasakyan nang maaninag ang isang babaeng nakaputi at naglalakad sa madilim na daan. Duguan ang babaeng iyon na nakita nyang mabagal na naglalakad sa gilid ng kalsada. Kinilabutan siya kaya naman binilisan niya pa ang pagdrive dahil ito ang unang pagkakataon na makakita sya ng isang, "White lady!!!" Hindi na sya lumingon pang muli sa kinaroroonan ng babaeng nakaputi, ang mahalaga sa kaniya ngayon ay makalayo siya. Takot na takot siyang nag drive habang parang lalabas na ang puso niya sa kaba. Hindi na alam pa ni Savanna kung saan na sya dadalhin ng kanyang mga paa. Pagod na pagod na siya dahil kanina pa sya palakad lakad. Nanginginig na rin sya sa lamig dahil sa simoy ng hangin na dumadampi sa katawan niya. Hindi nalang sana siya lumabas sa mahiwagang balon kung ganito lang din naman ang mararanasan niya. Dinala siya ng mga paa nya sa tahimik na parke at tahimik na napaupo sa isa sa mga upuang naroon. Napabuga siya ng hangin sa kawalan. Ramdam niya ang pagod na bumalot sa kaniyang katawan habang isinasandal niya ang kanyang masakit na likod at unti unting nagpalamon sa antok. The princess might need rest.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD