Kabanata 4

2055 Words
Hindi alintana ni Savanna ang init ng araw na dumadampi sa kanyang maputi at makinis na balat, ang nasa isip nya lamang ay marating nya ang bundok at hanapin kung saan ang lagusan papuntang ibang mundo. Mabuti na lamang ay naihubog nya sa ensayo ang kanyang puting kabayo kaya mabilis itong tumakbo. Nang marating ang paanan ng bundok ay doon pa sya nagkaroon ng problema sa kanyang kabayo. Nagwawala ito at tila ayaw akyatin ang bundok. Tinapik nya ang katawan nito upang kumalma ang kabayo at upang hindi rin sya mahulog. "Ano ang iyong problema Alipato?" Patuloy pa rin sya sa pagpapakalma sa alaga. Marahil ito na nga ang narinig na kwento ni Savanna mula kay Carmelita. Tila natatakot ang kabayo na akyatin ang bundok. Ngunit hindi sya nagpatinag sa pagwawala ng kanyang alaga, sa halip ay pinilit nya itong maglakad paakyat ng bundok. Kailangan nya na ring magmadali dahil kung hindi ay maaabutan sya ng mga kawal at ni Cleandro. Habang binabaybay ang matarik na bundok ay napansin nya ang nagkalat na kalansay, hindi nya mawari kung sino ba ang mga ito. Marahil ay ito ang mga taong sumubok na akyatin ang bundok ng Matilda ngunit hindi nagtagumpay. Nakaramdam sya ng takot dahil baka maging isa rin syang kalansay katulad ng mga nakikita nya. "Saan kaya ang lagusan na sinasabi nila?" Palinga linga ang lingon ni Savanna habang matulin na pinapatakbo si Alipato. Masaya syang nakisama sa kanya ang kanyang alaga kahit na takot na takot ito mula pa sa paanan ng bundok. Masukal at napakaraming puno ang pumapalibot sa kabuuan ng bundok. Iba't ibang tinig rin ng mga hayop ang naririnig nya. Kinilabutan syang napaisip na baka ang mga hayop na iyon ang kumain at pumatay sa mga kalansay na nadaanan niya. Sa patuloy na pagbaybay ay sumabay naman ang kulog at kidlat na lalong nagpatibok ng kanyang puso. Hindi nya maiwasang matakot lalo na't baka ito pa ang ikamatay niya. Hindi naman siguro sya minamalas, baka nagkataon lamang ito. Muli nyang pinatakbo ng mabilis si Alipato, ngunit parehas na lamang silang natumba ng madulas ang kabayo sa rumaragasang lupa na may kahalong tubig ulan. Ang kanina nyang puting bestida ay tila naging itim na dahil sa putik na dumikit sa kasuotan ni Savanna. "Ahhh!!" Hindi nya alam kung paano na lamang sya unti unting nilamon ng isang kumunoy. Naniniwala na sya kay Carmelita na lubhang mapanganib nga ang bundok ng Matilda. Sa patuloy nyang paglubog sa kumunoy ay nagkaroon ng pagkakataon na makatakbo si Alipato palayo sa kanya, palayo sa lugar na iyon. "Alipato!" Pinilit nyang iniaahon ang kanyang sarili dahil alam nyang walang tutulong sa kanya upang maialis sya sa kumunoy na lumalamon sa kanya. Dumagdag pa sa hirap ang patuloy na paglakas ng ulan, at ang pagkapal ng putik. Pakiramdam nya ay baka dito na nga sya mamatay. Mabuti na rin siguro yun, upang walang mapakinabangan sa kanya si Cleandro, matatagpuan na lamang syang isang malamig na bangkay. Mula sa kanyang kinalalagyan ay natanaw nyang tumatakbo papalapit sa kanya si Alipato, may kagat kagat itong mahabang parte ng baging na hindi nya alam kung saan nito kinuha. Nagpapasalamat sya sa angking talino ng alaga. Mabuti pa ang kabayo ay may tapang at talino, hindi katulad ni Cleandro na puro pagyayabang lamang ang alam. Mabuti pa siguro ay bumalik na lamang sya sa kaharian at ibalita na si Alipato nalang ang kanyang pakakasalan. Ang dulo ng baging ay hinawakan ni Savanna upang hindi sya tuluyang lumubog sa kumunoy, habang ang kabilang dulo naman ay pilit na hinihila ni Alipato gamit ang kanyang bibig. Sa kabila ng paglakas ng ulan ay hindi sumuko ang dalawa na makaahon sa nakakatakot na kumunoy. Pilit syang hinila ni Alipato at napagtagumpayan nga ang pagkakaalis nya sa nakamamatay na kumunoy. Nanghihina man, ay mabilis nyang tinakbo ang kabayo at mahigpit na niyakap ito. "Salamat Alipato! Ang buong akala ko ay iniwan mo na ako." Tanging huni lamang ang naisagot ng kabayo. Sa kanyang pag ahon ay tumila na rin ang ulan at nawala na ang kaninang kumunoy. Marahil ay isa pa lamang ito sa mga pagsubok na mararanasan nila sa patuloy na pag akyat sa bundok. Muli syang sumakay kay Alipato at muling naglakbay sa matarik na bundok ng Matilda. Sa kanilang paglalakabay ay nag gagandahang bulaklak naman ang nadaanan nila. Tila naaakit si Savanna na pitasin ang mga ito at amoy amuyin. Hindi nya alam kung bakit parang nagagayuma sya sa halimuyak ng nagkalat na bulaklak. At maya maya pa'y hindi na nya namalayan na nakababa na sya mula sa likod ni Alipato. Sinusundan nya ang tila kakaiba at nakakaakit na amoy ng isang hindi pamilyar na bulaklak. Nang matagpuan nya ang bulaklak kung saan nagmula ang amoy na iyon, ay walang ano anong pinitas nya iyon. "Aray!" Ngunit hindi nya naiwasang matusok ang kanyang daliri sa tangkay ng napitas nyang bulaklak. Maliit lamang ang sugat na iyon pero napakaraming dugo ang lumabas at tumulo pa nga ito sa ibang bulaklak na nagkalat. Lalo nya pa itong pinadugo dahil sa takot na baka may lason ang tinik ng bulaklak na iyon. Lingid sa kanyang kaalaman ay ang kanyang dugo pa ang nagbigay ng buhay sa mga nagkalat na bulaklak. Hindi nya alintana ang pag iingay at pagwawala ni Alipato, dahil nakaramdam na lamang sya ng biglang pagkahilo matapos syang matusok sa tangkay ng bulaklak. Hanggang sa nanlabo na ang kanyang mata at ang huli nyang nakita ay ang mga bulaklak na tila nagkaroon ng buhay. Nagkaroon ito ng malalaking ngipin, malayong malayo sa nakita nyang nag gagandahang mga bulaklak kanina. Pinilit nyang huwag maipikit ang kanyang mga mata, dahil alam nyang ito ang ikapapahamak nya. Ang mga tangkay at dahon ng mga bulaklak ang syang nagsilbi nitong mga kamay upang mahuli si Savanna. Walang humpay naman sa pagtakbo ang prinsesa at ang kanyang kabayo palayo sa lugar na iyon. Ngunit tila lahat ng bulaklak ay naging halimaw sa kanyang paningin. Pakiramdam nya ay wala ng katapusan ang hardin na iyon, dahil kanina pa sila takbo ng takbo ni Alipato. Nakalimutan na nga rin nyang sakyan ang kabayo dahil sa pagkataranta nyang baka lamunin na lamang sya ng buhay ng mga malahalimaw na mga bulaklak. "Ahh!" Sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla na lamang napatid si Savanna at naiiyak na napahawak sa kanyang paa dahil sa sakit na dinulot ng kanyang pagkakadapa. Pinalibutan sya ng mga dambuhalang mga bulaklak na lumilingkis na ngayon sa kanyang katawan at tila lalamunin na sya ng buhay. Ngunit hindi sya nagpatinag sa nakakatakot na mga itsura nito, binigyan nya ng tig iisang suntok ang gitnang bahagi ng mga bulaklak at pinilit na sirain ang mga ito upang mawalan ng buhay. Inisip nyang si Cleandro ang kanyang kalaban upang sa mga bulaklak na iyon nya mailabas ang inis nya sa prinsipe. Mas lalo pa syang ginanahan nang makitang nakikipaglaban rin si Alipato at isa isang kinakain ang mga bulaklak. Hanggang sa hindi na nila namalayan na nagbalik na sa normal ang mga bulaklak at nawalan na ito ng buhay. Pipilay pilay si Savanna na nalagpasan ang hardin na iyon. Hindi na nya mawari ang kanyang itsura dahil sa pagiging madungis nya at iika ika pa kung maglakad. Tila hindi na sya ang prinsesa kung titignan. Nang makaramdam ng pagod ay parehas silang namahinga ni Alipato sa ilalim ng puno na malapit sa batis. Ramdam na nila parehas ang pagod at gutom. Mabuti pa ang kabayo ay kumain lamang ng d**o ay mabubusog na, samantalang si Savanna ay hirap humanap ng sariling makakain. Minabuti na lamang nyang uminom ng tubig sa tahimik na batis, at linisin na rin ang kanyang sarili. "Mahal na Prinsesa Savanna. Nasisiyahan akong narating mo ang lugar na ito." Bati sa kanya ng isang magandang diwata. Nakatayo ito malapit sa batis at nakangiting nakatitig sa kanya. "Sino ka?" Nagtataka syang umahon sa batis na nililiguan nya. Baka parusahan na lamang sya ng diwatang ito dahil sa hindi nya pagpapaalam sa pagligo nya sa batis. "Ako si Welsha. Ang diwata ng balong iyon." Itinuro nya sa di kalayuan ang kumikinang kinang pa na balon. Sabay nilang tinungo ang mahiwagang balon at namamangha naman na sinuri ni Savanna iyon. "Ano ang mayroon sa balon na ito? Tila napaka espesyal nito." Sinagot sya ng isang matamis na ngiti ni Welsha. "Huwag mong sabihin na ito ang lagusan papunta sa ibang dimensyon?" Sinilip nya ang loob ng balon, nakikita nya mula roon ang mga nakasilip rin na tao na tila humihiling sa balon. "I wish. . I wish. ." Narinig nya ang hindi pamilyar na lenggwahe mula sa balon. Lumapit rin sa pwesto nya si Welsha na may dalang maigsing patpat at may hugis bituin sa dulo nito. "Sana magkaroon na ako ng boyfriend!" Matapos ang tila kahilingan na iyon ay itinaas ng diwata ang patpat na hawak at pinaikot ng tatlong beses sa ere. Umilaw ng napakaliwanag ang balon na nagsanhi upang itakip ni Savanna ang kanyang mga kamay sa kanyang mga mata. "Sino ang mga taong iyon?" Nagtatakang tanong ni Savanna matapos gumawa ng mahika ang diwata. Marahil ay tinupad na nya ang kahilingan ng taong iyon. "Sila ang mga taong naniniwala pa rin sa hiwaga ng balon." Mahinhin nitong paliwanag. "Marahil ay alam ko na ang dahilan kung bakit ka narito." Lumapit sa kanya ang diwata at tila sinusuri sya nito mula ulo hanggang paa. "Tuwing ika isang daang taon, ang mga prinsesang pilit na tumatakas sa kanilang kasal ay nagtutungo rito." "Kung gayung alam mo na, dalhin mo na ako sa kabilang mundo." Maawtoridad na utos nito kay Welsha. Ngunit ngumisi lamang ito at tumawa ng mahinhin. "Ngunit Prinsesa, nalalapit na ang iyong kasal. Maaring may mangyaring hindi maganda kapag nilisan ninyo ang kaharian." Pagbabanta ng diwata. "Ngunit hindi ko matitiis na pakasalan ang prinsipeng iyon, wala akong nararamdamang pag ibig para sa kaniya." Hinawakan niya ang dalawang kamay ng diwata at nagmakaawa sa kahilingan nito. Nagdadalawang isip si Welsha na tuparin ang hiling ng prinsesa dahil alam nito ang kahihinatnan kapag ipinadala nya si Savanna sa kabilang mundo. Muli nyang ipinaikot sa ere ang kanyang mahiwagang patpat at itinapat iyon sa kanyang kamay pagkatapos gumawa ng panandaliang mahika. Lumitaw sa kanyang palad ang isang napakaningning na kuwintas na may hugis bilog na palawit. "Suutin mo ang kwintas na ito, ito ang tanging magpoprotekta sayo sa kabilang mundo. Kapag umilaw ito ng pula, ay malapit ka sa panganib habang ikaw ay naroon sa kabilang mundo." Pumwesto sa kanyang likuran ang diwata at marahang isinuot sa kanya ang gargantilya. "Ngunit, kapag ito ay umilaw ng berde ay mayroong hindi magandang nangyayari sa kaharian. Maari mong ilubog sa tubig ang kuwintas na ito upang makita mo ang mga pangyayari sa iyong kaharian at sa iyong palasyo. At huwag na huwag sana itong mawala sa iyong paningin, dahil ito rin ang magsisilbing susi pabalik dito." Mahinahon na paliwanag ng diwata. Inaalalayan na sya nitong maupo sa gilid ng balon. "Hanapin mo ang kalahati ng kwintas na ito, upang makabalik ka rito." Huling inihabilin sa kanya ni Welsha. "Ngunit may isa pa akong hiling." Hinubad ni Savanna ang kanyang bestida at iniabot iyon kay Welsha. Tanging manipis na bestida na lamang ang suot nya. "Isuot mo ito sa isa sa mga kalansay na nakita ko paakyat rito sa bundok, nais kong isipin nila na patay na ako." "Masusunod." Marahan nyang kinuha ang basa pang bestida ni Savanna saka muling ginamit ng diwata ang kanyang mahiwagang patpat. Ilang kurap lamang ay nawala na ang kaninang kasuotan ng prinsesa. "Teka, paano si Alipato?" Nag aalala sya para sa alaga. Nais nya sanang isama ito ngunit baka hindi ito magkasya sa balon. Nakukulitan man si Welsha sa prinsesa sa mga hiling nito ay muli nitong ginamit ang kanyang mahika at nawala na rin ang kabayo. "Nakabalik na sya sa kanyang kwadra." Muli itong ngumiti sa prinsesa. "Ligtas ba ako dito?" Natatakot na sinilip ni Savanna ang kalaliman ng balon. Ngunit tanging tango lamang ang naisagot sa kanya ng diwata, at dahil nakukulitan na si Welsha sa prinsesa ay itinulak nya na si Savanna at tuluyan ng nahulog sa malalim at mahiwagang balon. "Ahhhhh!!!!" Tanging sigaw na lamang ng prinsesa ang huli nitong narinig. "Paalam mahal na Prinsesa!" Sigaw ni Welsha habang kumakaway kaway pa kay Savanna na unti unti ng nilalamon ng mahiwagang balon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD