"Pagod na ko!" Humahangos na napaupo sa ilalim ng malaking puno si Savanna. Ramdam nya ang pagod at uhaw sa pagbaybay ng matarik na bundok. Tanging liwanag lamang ng bilog na buwan ang naging ilaw nya sa ilang oras na paglalakad. Hindi naman nya gagawin ang bagay na ito kung hindi lamang sya ipinipilit na ikasal sa taong hindi naman nya mahal. Hindi sya makakapayag na gawing alipin ang puso nya ngunit nasasaktan syang iniwan na lamang nya ng walang pasabi ang kanyang Amang hari at Inang reyna.
Tila nakokonsensya naman syang nakatingin sa mataas na kaharian ng Archaea. Tanaw nya ang makulay nitong mga ilaw mula sa kanyang kinauupuan. Hindi nya na mapigilan pa ang mapaluha dahil ramdam din nya ang hirap na kanyang nararamdaman. Alam nyang kahit tumanggi pa sya sa kasalang iyon ay itutuloy pa rin ang pag iisang dibdib nila ni Cleandro. Ano pang silbi nyang manatili sa kaharian kung wala naman syang karapatan mamili ng kanyang iibigin.
Ipinikit na lamang nya ang kanyang mga mata at tuluyan ng nilamon ng antok ang kanyang mga matang napagod na sa kakaiyak. Ngayon nya lamang naramdaman ang sakit na nagmumula sa kanyang puso.
***
Philippines, 2030
"You have been diagnosed with a brain cancer." Saad ng doktora na kaharap ng binata. Seryoso ito habang paulit ulit na binabasa ang results ng mga test ng kanyang pasyente. Maging sya ay hindi rin makapaniwala sa resulta.
"Hahahahaha!" Napahagalpak ng tawa si Gio sa kabila ng pagiging seryoso ng kaibigang doctor. "Huwag mo nga akong pinagloloko Louise! I don't have time for your jokes!" Kilala nya ang kaibigan sa pagiging palabiro nito, ngunit hindi sa oras ng kanyang trabaho. Prenteng napasandal si Gio sa kinauupuan nya at relax na relax na naka de kwatro pa. Tinaasan sya ni Louise ng kilay.
"Gio, I'm a doctor here not a comedian. Mukha ba akong nagbibiro?" Galit man ang dalaga ay bakas pa rin sa mukha nito ang gandang kinahuhumalingan ng mga kalalakihan. Louise was her bestfriend in college, halos mapagkamalan na nga silang mag 'jowa' dahil palagi silang nakabuntot sa isa't isa. Pero lingid sa kaalaman ng lahat maliban kay Gio, ang magandang babaeng kaharap nya ngayon ay babae rin ang gusto.
Tahimik na lumabas si Gio sa opisina ng dalaga. Iniisip kung ano na bang dapat nyang gawin na hindi pa nya nagagawa sa tanan ng buhay nya. Pakiramdam nya ay anumang oras ay babawiin na rin sya ng nasa itaas. Hindi nya lubos na pinaniniwalaan ang resultang hawak, kahit pa halos araw araw nyang iniinda ang p*******t ng ulo nya.
Gio Meneses was one of the successful actor of all time. Sikat na sikat ang kanyang maamong mukha sa likod at harap ng kamera. He was awarded as the 'Best Actor of the Year', hindi naman maipagkakaila ito dahil sa galing nito sa pag arte sa lahat ng movie genre. At sa pamamagitan ng lahat ng iyon, madali syang nakapag ipon upang makabili ng sarili nyang bahay, sasakyan at mamahaling mga gamit. He has everything, kagwapuhan, kayamanan, ganda ng katawan, pati sakit, hinakot pa nya.
Natatawa pa rin syang marinig ang resulta ng kanyang sakit, hindi nya ito kayang paniwalaan dahil alam nya sa sarili nyang malakas ang pangagatawan niya. Ang noong madalas na pag sakit ng ulo nya ay iinuman nya lang ng pain reliever ay okay na sya, pero brain cancer iyon, hindi nya alam kung magagamot pa. Hindi pa sya pwedeng mamatay, wala pa syang asawa at hindi pa nya maipagkakalat ang lahi nya.
"I wish, I wish. ." Natigilan sya sa paglalakad nang marinig nya ang boses ng isang babaeng nakapikit sa tabi ng isang lumang balon. Narating ni Gio ang masukal na lugar na iyon, na may ilang kilometro na pala ang layo sa hospital. May hawak na piso ang dalaga at tila binubulungan nya iyon. Hindi makapaniwala si Gio na mayroon pa palang tao na umaasa sa mga wishing well kagaya ng nakikita nya. Sino ba naman kasi ang maniniwala pa sa ganung mga gawain gayung napaka moderno na ng panahon. Matapos humiling ang dalaga ay inihagis na nya sa balon ang pisong hawak nito at nakangiting nilisan na ang lugar. Laking gulat nya ng lumiwanag ang loob ng balon sa loob ng tatlumpong segundo, at saka ito nawala. Hindi nya alam kung namamalikmata lamang sya, dahil hindi naman sya naniniwala sa mga 'magic' na napapanuod nya at sa mga ginaganapan nya.
Mabilis syang tumakbo palayo sa lugar nang, umilaw din ng dilaw ang kwintas na suot nya. Ang kwintas na ipinamana sa kanya ng kanyang ina.
***
"Masaya akong natagpuan mo si Savanna, Carmelita." Walang humpay na pasasalamat ni Reyna Artemis sa nakatatandang taga silbi. Naiiyak pa ito habang nakatitig sa mahimbing na natutulog na prinsesa. Nakahinga sya ng maluwag matapos ang isang buong gabing pagkawala ng kanyang mahal na anak.
Natagpuan ni Carmelita si Savanna sa bundok ng Matilda. Madungis at nakahandusay sa ilalim ng malaking puno ng acacia. Alam ng matanda na dito ito pupunta dahil sa pagiging interesado nito sa nakwento nya tungkol sa bundok. Alam nito na tatakasan nya ang nalalapit na kasal ni Savanna. Ramdam nya ang pagtutol ng alaga ngunit hindi naman nya matitiis ang pag aalala ng mga magulang ng prinsesa. Tila nilalamon sya ng kanyang konsensya. Lingid sa kaalaman ng mga ito, hindi nya ipinagtapat na sa bundok nya natagpuan si Savanna dahil alam nyang darating ang panahon ay kailangan rin nyang tulungan ang prinsesa dahil itinuring nya na rin itong isang tunay na anak.
"Inang Reyna?" Naguguluhang nagising si Savanna, pakiramdam nya ay nagmula sya sa isang mahabang panaginip dahil ang naaalala nya ay nasa bundok sya ng Matilda.
"Savanna! Maligaya akong nagising ka na!" Mahigpit syang niyakap ng kanyang ina. Malungkot na napayuko naman si Carmelita nang magtama ang mga paningin nila. Hindi nya tuloy mawari ang nararamdaman niya dahil bigla na lamang tumulo ang mga luha niya. Naiiyak ba sya dahil muli nyang nakasama ang kanyang ina? O naiiyak sya dahil hindi nya naisakatuparan ang pagtakas niya? Hindi nya alam, dahil gulong gulo sya. Kung alam nya lang na madali syang matatagpuan ay sana hindi nalang sya naupo at nagpahinga.
"Mabuti naman at nagising ka na." Mula sa malaking pintuan ng kanyang silid, iniluwa ang kanyang amang hari. Seryoso at bakas ang galit sa kanyang mukha. "Hindi mo dapat iyon ginawa, dahil pag iisipan ka ng lahat na tinatakasan mo ang iyong nalalapit na kasal!"
"N-Ngunit ama, hindi ko kayang pakasalan si Cleandro." Patuloy pa rin sa pag iyak si Savanna. Ayaw naman nya talaga ang ikasal sa prinsipeng iyon, nanaisin nya pang magpatiwakal kaysa makasama ang hambog na iyon ngunit patuloy pa rin ang mga magulang nya sa pagplano ng kasalan. Maging ang kanyang ina na akala nya ay kakampi nya, ay isa rin sa mga gustong ikasal sya kay Cleandro.
"Maghanda kayo para sa malaking pagtitipon na magaganap bukas. Ito ang pagtitipon bago ang kasal nyo ni Prinsipe Cleandro, at kinabukasan, matapos ang pagtitipon ay ang magaganap ang kasalan." Maawtoridad na bigkas nito. Ni hindi nya pinakinggan ang pag mamakaawa ng kanyang mahal na prinsesa. "Hindi ka maaring lumabas dito sa iyong silid, hanggang sa oras ng pagtitipon bukas."
"P-Pero ama." Tanging hikbi na lamang ang kanyang nagawa. Ang matapang na prinsesa ay nagiging duwag kapag kaharap na ang kanyang ama. Nilisan na ng kanyang mga magulang ang kanyang silid at tanging si Carmelita nalang ang naiwan, mabilis nyang nilapitan ang alaga at mahigpit na niyakap ito.
"Maari ka ng lumabas Carmelita. Kami ay inatasan upang ikandado ang silid ng mahal na prinsesa." Mariing utos ng isa sa mga kawal. Tila nabigla ang dalawa sa narinig, at mas lalong humigpit ang pagyayakap nilang dalawa. "Huwag mo kaming hayaang pwersahin kang lumabas."
Dahan dahan syang binitawan ni Carmelita at umiiyak na lumabas ng silid. Paano na sya? Paano na ang plano nyang pagtakas ngayong ikinulong na sya sa kanyang sariling silid. Pakiramdam nya ay nakagawa sya ng isang malaking kasalanan upang parusahan sya ng ganito.
Patakbo nyang tinungo ang pinto ng kaniyang silid upang subukang buksan, ngunit nabigo sya. Umiiyak syang nagmamakaawa sa mga kawal na nagbabantay sa labas ng kanyang kwarto, ngunit hindi sya pinagbigyan ng mga ito.
"Buksan nyo ang pinto!" Mula sa labas ay muli na naman nyang narinig ang boses ni Cleandro. Marahas nyang pinunasan ang kanyang mga luha.
"Masusunod po Prinsipe Cleandro" Sinunod nga sya ng mga kawa. At ano namang karapatan ng lalaking ito na puntahan sya sa sarili nitong silid. Wala na talagang kahihiyan ito.
"Anong ginagawa mo rito?" Galit na salubong nya sa prinsipe na kasama ang mga magulang ni Savanna. Muli na namang kumulo ang dugo nya nang makita nito ang mukha ng lalaki, parang nangangati syang sampalin ito at bugbugin kahit na wala naman itong ginagawa.
"Masaya akong nakabalik ka na mahal kong prin--" Hindi na naituloy ni Cleandro ng salubungin sya ng malutong na sampal ni Savanna. Kailangan nyang makaisip ng paraan upang layuan na sya ng hambog na ito.
"B-Bakit mo ko hinayaang mawala ha!" Sinadya nyang lakasan ang kanyang boses. Kailangan nyang gawin ito upang maiba rin ang iniisip ng kanyang magulang, na hindi nya pinlanong tumakas.
Gulat ang bumakas sa mukha ng hari at reyna habang naguguluhan naman si Cleandro na hawak hawak ang kanyang namumulang pisngi. Pinilit na maiyak ni Savanna upang maging makatotohanan ang pag arte nya sa harap ng prinsipe. Natawag na rin ang pansin ng mga kawal dahil sa ginawa ng prinsesa.
"H-Hindi mo ako nagawang protektahan, paano pa kung naging asawa na kita!" Tanging hagulgol na lamang ang nagawa niya. Kita sa mga mukha ng kanyang kaharap na halatang naniniwala ito sa sinasabi ng Prinsesa. Muntik pa syang matawa sa pinag gagagawa nya nang makita ang reaksyon ng mga ito, kaya naman tinakpan na lamang nya ang kanyang mukha.
"P-Prinsesa. ." Unti unting lumapit sa kanya ang prinsipe ngunit itinulak nya ito na naging dahilan upang mapaupo ito sa sahig. Anong akala ni Cleandro? Na mahahawakan nya si Savanna ng ganun ganun na lang? Ang pagiging lampa pa nga ng prinsipe ang naging dahilan upang makatakbo sya palabas ng kanyang silid.
"Savanna!" Sigaw ng hari at reyna ngunit hindi nya pinansin ito. Mabilis syang tumakbo at tinungo ang kwadra ng mga kabayo. Balang araw ay pasasalamatan rin nya ang pagiging mahina ng prinsipeng iyon, kung hindi dahil sa kalampahan nya ay hindi siguro sya makakalabas ng kanyang silid.
Pinakawalan nya ang kanyang puting kabayo at madaling sinakyan ito. Ito na ang tamang pagkakataon upang makabalik sya sa bundok ng Matilda at wala na syang sasayangin pang pagkakataon. Balang araw ay makahihingi rin sya ng paumanhin sa kanyang mga magulang na pinagsinungalingan nya.