bc

Dangerous Kiss

book_age16+
34
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
arranged marriage
drama
campus
addiction
like
intro-logo
Blurb

Ano ang gagawin ni Katherine kung sa isang simpleng halik lamang ay magbabago ang kanyang tahimik na buhay? Na tila gumulo ang lahat nang nangyari ang gabing iyon.

Parang gusto na niyang mamatay noong malaman niya ang namamagitan sa lalaking mahal plus Bestfriend niya at sa kanyang maarteng Kapatid.

Nabuntis ito ng Bestfriend niya at syempre, hindi naman papayag ang mga Magulang niyang takbuhan iyon ng Bestfriend niya, nasisi pa nga siya dahil siya daw ang may kasalanan kung bakit nangyari iyon, e hindi naman siya ang nagpakalunod sa alak.

Gusto niyang sumbatan ang mga Magulang niya dahil mas mahal na mahal pa ng mga ito ang Kapatid niya kaysa sa kanya na halos magpakahirap na, mapag-aral lang ang Kapatid, samantalang parehas naman silang Anak ng mga Magulang nila.

Dahil sa pinaghalong-halong problema ay imbis na maglasing tulad ng ibang babae na nagpapakalunod ay kumuha siya ng part time job, para naman mas mawalan na siya ng oras at makalimutan niya ang problema, pamilya at taong mahal niya na Bestfriend niya.

Ayaw niyang mangyari sa kanya ang nangyari sa Kapatid niya, pero ang part time job na iyon pala ang magpapahamak sa kanya dahil hinalikan lang naman siya ng isang lalaki na hindi niya kilala habang nasa kalagitnaan siya ng trabaho.

At doon nagsimulang gumulo ang mundo niya dahil sa simpleng halik na iyon ay naging Fiance na siya ng isang bilyonaryo.

chap-preview
Free preview
Unang Kabanata: Buntis ang kapatid✔️
Panimulang Kabanata Buntis ang kapatid 3rd Person POV Nilukob ng pagod si Kath kaya agad siyang humiga sa kanyang kama. Pinag-over time kasi siya ng Boss niya at wala naman siyang magawa, saka dagdag kita na rin iyon, mas mapapadali ang pagbabayad niya sa school ng Kapatid niya. Hindi naman kasi niya maintindihan, naghihirap na nga sila ay napili pang mag-aral ng Kapatid niya sa mamahaling paaralan samantalang hindi na nga siya makapag-aral dahil mas unahin daw niya ang Kapatid niya dahil siya ang panganay. Hindi naman siya tumanggi at nagtrabaho para sa Kapatid upang hindi mahirapan ang mga Magulang niya na matatanda na. Pero parang gusto na lang niyang sumuko dahil sunod-sunod ang nababalitang kalokohan ng Kapatid niya. Hindi niya maatim na mapupunta sa wala ang lahat ng pinagpaguran niya. At kahit sabihin niya iyon sa mga Magulang niya ay hindi naman maniniwala ang mga ito at mas papanigan pa ang Kapatid niya, syempre mapapagalitan pa siya dahil akala ng mga ito ay sinisiraan niya ang Kapatid. Nag-unat siya at inunat ang namamanhid niyang paa. Nakatingin siya sa kisame, iniisip niya, kailan kaya sila makakaahon sa kahirapan. Napabangon lang siya sa gulat ng marahas na bumukas ang pinto ng kwarto niya, tumilapon ang lock niyon sa kung saan. "Tay!" gulat niyang bulalas. Pero ganoon na lang ang gulat niya noong hawakan siya nito sa braso at kinaladkad pababa. "Tay, anong nangyayari? Nasasaktan po ako." Namumula ang buong mukha niya at pinipigilan ang pag-iyak. Masakit at marahas ang kanyang Tatay, hindi man lang iniisip na nasasaktan siya, hindi niya maintindihan, ano na naman ba ang ginawa niyang mali? Bakit hindi siya aware. Pagkababa ay marahas siyang binitawan ng kanyang Tatay at malakas siyang sinampal ng kanyang Ina pagkasunod. Halos masubsob at matumba dahil sa bigat ng kamay ng kanyang Ina, mabuti na lang ay nakahawak agad siya sa counter ng kusina nila. Naiiyak siyang lumingon sa pamilya niya. "Ano na naman po ba ito?" tanong niya. Nagulat siya noong hatakin ng Ina niya ang buhok niya at hinarap siya sa umiiyak niyang Kapatid. Magulo ang buhok nito at bakat ang isang sampal, mukhang bago lang iyon kaya naisip niyang nasampal din ito ng Nanay niya. "Tingnan mo ang Kapatid mo!" nanggigil na sabi ng Nanay niya. Kaya sinunod niya ang Ina. "Buntis ang Kapatid mo at ang tarantadong Kaibigan mo ang nakabuntis!" galit na sabi ng Ina niya. Para siyang nabingi, hindi siya makapaniwalang tumingin sa Kapatid niya. Traydor, traydor ang Kapatid niya. Isa itong traydor, nagpakahirap siya para makapag-aral lamang ito pero bakit ganitong balita ang bumungad sa kanya, bakit sa lahat ng pwede nitong gawin ay iyon pa? "Kung hindi mo sana ipinakilala ang tarantadong iyon ay hindi ito mangyayari sa Kapatid mo!" Isa pa, isa pa! Gusto na niyang sumabog! Gusto naman niyang siya naman ang magkaroon ng karapatang magalit! "Totoo ba ang sinasabi ni Nanay, Jessica?" tanong niya at umaasang hindi totoo ang sinasabi ng Nanay niya. "S-sorry A-ate." Halos pumipiyok ang boses ng Kapatid niya at gustong tumulo ng luha niya, pero hindi pwede, ayaw niyang maging mahina sa paningin ng pamilya. "Tawagan mo ang Kaibigan mo at malilintikan ka kapag hindi mo 'yon pinapunta dito!" galit na sabi ng Tatay niya. Medyo mahinahon na ang Tatay niya habang tahimik namang umiiyak ang Nanay niya sa isang tabi. Alam niyang masakit para sa mga Magulang niya ang ganito kumpara sa sakit na nararamdaman niya. Wala siyang naging salita at tumalikod sa pamilya niya. Umakyat siya sa silid niya agad niyang pinatunog ang cellphone ng Kaibigan niya. "Good evening Kath!" masayang sabi ng Kaibigan niya. Si Jerico, ang tanging Kaibigan at minamahal niyang lalaki. Kung sa nakaraan ay napapangiti siya sa masigla nitong tono, ngunit ngayon ay hindi. Feeling niya ay pinagbagsakan siya ng langit at lupa ngayon, para siyang pinagtaksilan ng Dalawa kahit na hindi naman dahil una sa lahat ay wala naman silang relasyon. "Pumunta ka dito, ngayon na," malamig na sabi niya, hindi niya mapigilan, nasasaktan siya. Natahimik ang kausap niya. "Sure, may problema ka ba? Bakit parang iba ang tono mo ngayon? Napagalitan ka na naman ba ng Boss mo? Gusto mo resbakan natin?" Biro ng Kaibigan niya pero alam niyang alalang-alala na ito sa kanya. Gusto niyang kiligin at tumawa pero sa isiping nabuntis nito ang Kapatid niya ay parang gusto niyang magpakalunod sa luha. "Hindi, basta pumunta ka dito, may kukumpirmahin lang ako," sabi niya, ayaw na muna niyang sabihin ang paratang ng kanyang Ama dahil baka umatras ito, gusto muna niyang makausap ang lalaki dahil oras na makausap ito ng Ama ay wala na siyang panahon para makausap ang lalaki. "Sige, huwag ka munang umiyak ha? Mukhang iiyak ka e, gusto kong saluhin ang luha at panghihinakit mo," sabi ng Kaibigan niya. Napangiti siya ng malungkot at binaba na ang tawag. Naupo siya sa kama niya at tumingin sa mga gamit niya, sa isang kisap mata, nakapagdesisyon na siya. Gusto muna niyang lumayo, gusto muna niyang unahin ang sarili niya kahit ngayon, minsan lang naman e, sa susunod ay ang pamilya niya ulit, tutal ay kaya na naman niyang kumita. Sininop niya ang gamit niya sa isang bag, wala naman siyang ibang importanteng gamit, hindi din naman kasi marami ang gamit niya kaya nagkasya ang mga iyon sa isang bag, sakto lang ang laki niyon at kaya ng katawan niya ang bigat. Noong nagtext na si Jericho na nasa labas na ito ay lumabas na siya ng kwarto at bumaba, naabutan niyang umiiyak pa rin ang Kapatid niya at gusto niyang magalit sa sarili niya dahil hindi siya nakakaramdam ng awa kahit na kapiranggot. Habang ang mga Magulang niya ay halatang galit pa rin at kanya-kanya sa kanilang inuupuan, sa tingin niya ay nag-away din ang dalawa. Nakita siya ng Ama kaya agad na bumaksik ang anyo nito. "Saan ka pupunta? Wala pa ang Kaibigan mo hanggang ngayon, nasaan na iyon? Baka naman sinabihan mong tumakas?" galit na sabi nito. Bumuntong hininga siya. "Hindi po, huminahon na muna po kayo, makakasama sayo. Sandali lang po Itay," sabi niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
241.9K
bc

Rewrite The Stars

read
95.5K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

WHAT IF IT'S ME

read
67.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
131.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
70.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook