Chapter 8 “Ano ang ginagawa mo dito, Alejandro?” Iyon ang bumungad kay Alejandro nang pumasok siya sa mansyon kung saan tumutuloy si Alex at si Hermiliah. Napaismid siya nang makita ang nakahalukipkip na babae, nasa itaas ito ng hagdan at masama ang tingin na ibinibigay sa kaniya. “Why did you lie to my brother about Robin? Ganoon ka ba kadesperada?” tanong ni Alejandro. Naglakad pababa ng hadgan si Hermiliah upang malapitan siya. Iyon ang ipinunta ni Alejandro doon. Alam rin niya na wala si Alex sa mansion ng dalawa kaya’t nagpunta siya. Tiyak kasi na mag-aaway sila ni Alex kung naroon ang kaniyang kapatid. Something wrong is going on about his brother at maski si Xandro ay napansin iyon pati na ang kanilang mga magulang. Maaaring mayroong ginawa si Hermiliah sa kapatid nila upang

