Chapter 30 Nakahinga siya ng maluwag sa sinabi ni Sayah. Ayaw niyang may makaalam kahit pa sina Xandro. Hindi sa hindi niya pinagkakatiwalaan ang mga ito pero alam niya na mabilis kakalat ang balita pag nakalabas sa verthron ang totoo. Ayaw niyang malagay sa alanganin ang buhay ng kaniyang anak. Tiyak siya na gagawa ng hakbang si Hermiliah sa oras na malaman nito na hindi tunay na nalaglag ang bata sa sinapupunan niya. “Natatakot lang ako, n-natatakot ako dahil alam mo na hindi basta-basta na kalaban ang babaeng bampira na iyon. She can tell lies to Alex, at si Alex naman ay gagawa ng paraan para lang maipaghiganti ang babaeng iyon. I can’t...” naipikit niya ng mariin ang kaniyang mga mata, at nang dumilat siyang muli ay itinuon niya ang mga iyon kay Sayah. “I can’t let her hurt my bab

