Chapter 5

1551 Words
Chapter 5   “Masama ang pakiramdam ko, Maxis, nahihilo ako at parang naduduwal.” Iyon kaagad ang sinabi ni Robin nang makababa siya ng karwahe ng kaniyang kapatid. Nakarating na sila ngayon sa verthron at inaalalayan siya ni Sayah. Kaagad naman na umalalay rin si Nathalia nang marinig nito ang kaniyang sinabi. “Hindi kaya dahil sa nilakbay na tin? Walong oras din tayong naglakbay, Robin,” sabi ni Nathalia. Ngunit iba ang kaniyang pakiramdam, iba ang kaniyang pagkahilo at naduduwal siya ngunit wala naman siyang maiduwal. Alam rin niya na hindi iyon dahil lamang sa nilakbay nila. May iba sa kaniyang nararamdaman. “Callie!” Napatingin si Robin sa tumawag sa kaniya at nakita niya si Hexus—ang kaniyang kapatid na palapit sa kinaroroonan nila. Seryoso ang mga tingin nito sa kaniya habang naglalakad. May dalawang kawal sa pagitan nito. “Nathalia, Maxis, Nathan at Calixia,” sambit ni Hexus sa pangalan ng mga kasama niya. “Maraming salamat at nakarating ng ligtas ang aking kapatid dito sa aming tahanan.” Inilayo niya ang paningin kay Hexus, tiyak na hindi makakalagpas ang gabing iyon nang hindi siya nito nakakausap tungkol sa nangyari. “Pumasok na tayo sa loob upang makapagpahinga kayo, lalo ka na, Callie,” sabi ni Hexus. Hinawakan ng kaniyang kapatid ang kanan na kamay niya at ito na ang umalalay sa kaniya papasok ng kastilyo. Maraming mga kawal ang bumabati sa kaniya habang naglalakad papasok at ang mga katulong sa kastilyo ay nakahilera rin at binabati siya ng maligayang pagbabalik. Sumalubong din ang asawa ni Hexus sa kanila at kaagad na humalik sa kaniyang pisngi. “Maligayang pagbabalik! Natutuwa ako at sa wakas ay narito ka na sa kastilyo ng verthron, Robin!” sabi ng asawa ng kaniyang kapatid. Ngumiti naman siya at magsasalita sana nang makita niyang lumabo ang kaniyang paningin. Napapikit-dilat siya nang tuluyang lumabo ang tingin niya sa asawa ng kaniyang kapatid at nang maramdaman ang pagkahilo ay narinig niya ang pagtawag ni Hexus sa kaniyang pangalan. “Callie!” “Naku! Mahal na prinsesa!” sabi naman ni Liva. “Ano ang nararamdaman mo, mahal na prinsesa?!” rinig niyang tanong ni Callia. Para siyang hinihila ng antok, at hilong-hilo ang pakiramdam niya. Nang mapaupo si Robin ay naalarma ang mga naroon. Kaagad niya naman naramdaman ang pagbuhat sa kaniya ng kung sino habang madaling-madali ito. “Huwag mong ipipikit ang mga mata mo, Robin!” sabi ni Sayah na katabi lamang ng lalakeng bumubuhat sa kaniya. Nang tingnan niya kung sino ang bumubuhat sa kaniya ay nakita niya ang mukha ni Alex. Umangat ang kaniyang kamay at hinawakan ang pisngi nito. Ngumiti siya at mayroong luha na tumulo sa kaniyang mga mata. “A-Alex... n-narito ka na...” iyon ang mga huling salita niya nang mawalan siya ng malay.   Nang marinig naman ni Nathan kung ano ang itinawag sa kaniya ni Robin ay nakaramdam siya ng galit para sa lalakeng sinambit nito. Napakawalang puso ni Alexander para gawin ito kay Robin gayong alam ni Nathan kung gaano ito kamahal ng mahal na prinsesa. Kung paano ito gumawa ng paraan para lamang makawala sa pagbabantay sa kaniyang kastilyo upang hanapin ito. “She’s still thinking about that vampire,” sabi ni Nathalia. Ibinaba ni Nathan si Robin sa kama at kaagad na tumalima si Maxis at nagpataw ng mahika upang malaman ang kondisyon ni Robin. “Hindi natin maiaalis sa kaniya na isipin pa rin ang bampirang iyon, Nathalia. Ito ang nakasama niya simula nang mawala ang kinilala niyang pamilya sa mundo ng mga tao. Ang bampirang iyon ang nagligtas sa kaniyang buhay at nagparamdam ng pagmamahal sa kaniya hanggang sa makarating siya dito sa lost world. Kaya’t hindi natin masisisi kung hindi niya kaagad ito makakalimutan,” sabi ni Hexus. Hinawakan naman ni Zavia ang kamay ng asawa nito na si Hexus. “She will be okay soon, healing takes time. Hindi kaagad-agad mawawala ang sakit at paghihirap sa puso niya lalo pa at hindi lamang basta-basta kung ano ang nawala sa kaniya. She lost her child, nalaglag ang kaniyang anak dahil sa bampirang minamahal niya. Napakasakit ng pangyayaring iyon,” sambit ni Zavia. “Nakita ko kung paano siya umiyak, narinig ko, at kahit na sino ay makakaramdam ng galit dahil sa ginawa ng bampirang iyon. Ngunit wala akong magawa para alisin ang sakit na nararamdaman ng mahal na prinsesa, nais ko man ipaghiganti ito sa bampira ay hindi ko magagawa dahil tiyak na hindi iyon magugustuhan ng mahal na prinsesa,” sabi ni Nathan. “Maski ako ay nagulat, hindi ko inaasahan parang hindi si Alexander ang gumawa non kay Robin. Nasaksihan ko sa mundo pa lamang ng mga tao kung gaano kamahal ni Alexander si Robin. Madalas na kapag nasa lost world ito ay ang mga kapatid nito ang pinagbabantay upang masiguro ang kaligtasan ni Robin. Hindi ako makapaniwala na nagawa niya ito,” sambit naman ni Nathalia. Naikuyom ni Hexus ang mga kamay nito nang marinig ang sinabi ng mga ito. Nang malaman niya ang nangyari kay Robin ay nais na niya kaagad na pumunta sa vampire’s haven ngunit hindi iyon natuloy dahil kinailangan niyang dumalo sa pagpupulong sa zone 3. Kahit siya, ayaw niyang maniwala noong una dahil alam niyang imposible na gawin iyon ni Robin ngunit nang si Nathalia na mismo ang magsabi sa kaniya ay sobrang galit ang kaniyang naramdaman. “Kailangan ka ng kapatid mo, Hexus,” sabi ni Nathalia. Iyon kaagad ang sinabi nito nang makapasok siya sa hall. “Bakit? Ano ang nangyari kay Callie? May nangyari ba sa kaniya na hindi maganda? She just send me letters that she’s doing fine,” sagot niya. Umiling si Nathalia ay may ipinakita ito sa kaniya na mahika. Nakita niya ang kaniyang kapatid na iyak ng iyak. “W-What happened? Anong nangyari?!” “She was pregnant at nalaglag ang anak niya dahil kay Alexander. Alam ko naman na alam mo ang paggamit ni Aleister sa bampirang nagngangalang Hermiliah para maisalin kay Alexander ang titulo ng pagiging isang bampira, hindi ba? Pinili ni Alexander ang babaeng iyon kaysa kay Robin.” “What? W-what did you say?” Ang kaniyang isip ay nasa kaniyang kapatid na nasaktan at nawalan ng anak kung hindi lamang  siya pinigilan ni Zavia na umalis nang gabing iyon ay baka kung ano na ang nagawa niya kay Alex. Ipinagkatiwala niya ang kaniyang kapatid dito ngunit ano ang ginawa nito? Sinaktan nito ang kaniyang kapatid at pinatay nito ang bata sa sinapupunan ni Robin. “Look at her, her eyes are swollen. Mahahalata na galing sa matagal na pag-iyak, maitim din ang ilalim ng kaniyang mga mata tanda na wala pa siyang sapat na tulog. Panalangin ko na sana ay maging payapa ang puso at isip niya dito sa verthron,” sabi ni Zavia. Humarap si Hexus kay Nathalia at Nathan, may galit sa mga mata niya nang magsalita siya. Dalawa na lamang sila ni Robin ngayon at hindi niya hahayaan na masaktan ito ng kahit  na sino. “Hindi ko pahihintulutan na tumapak sa teritoryo ko ang bampirang iyon, kahit pa ikagalit ng kapatid ko. Kung magpupumilit siya ay magkakasubukan kami. Haharap siya sa bangkay ko bago niya muling malapitan si Callie,” sabi ni Hexus. Alam ni Hexus na kung matatauhan sa ginawa si Alexander ay maaaring pumunta ito sa kanilang kastilyo upang makausap si Robin at makipag-ayos ngunit hindi niya iyon pahihintulutan. Tama na ang ginawa nitong hirap sa kaniyang kapatid. Nawalan ito ng anak! Napakasakit non para sa isang magulang. “Naiintindihan ko ang galit sa puso mo, Hexus, kahit na sinong kapatid ay magagalit sa ginawa ni Alex at— “A-Ano ito,” Napahinto sa pagsasalita si Nathalia nang marinig ang boses ni Maxis. Napatingin sila kay Maxis habang nanlalaki ang mga mata nito na nakatingin sa mga palad nito. “Bakit? May nangyari ba kay Callie? Ano ang nangyari sa kapatid ko, Maxis? Nasa panganib na naman ba ang buhay niya?” tanong ni Hexus at lumapit ito kay Maxis. Dahan-dahan na umiling si Maxis at tumingin sa hari. Nang ibaba ni Maxis ang mga kamay nito at nang mawala ang mahika na pumalibot kay Robin ay tiningnan nito sa mga mata ang hari. Ngunit bago ito magsalita ay muli nitong tinitigan si Robin. “H-Hindi ako makapaniwala sa aking nakita, nang tingnan ko siya ay alam ko na wala na... paanong...” “Maxis! Ano ba ang nangyayari?” tanong naman ni Nathalia. Tumingin ng si Maxis kay Nathalia at pagkatapos ay muli nitong ibinalik ang paningin kay Hexus. “Buhay ang bata.” Napaawang ang mga labi ni Hexus sa gulat dahil sa narinig kay Maxis. Itinaas ni Maxis ang kaniyang kanang kamay at itinuro niya ang kaniyang palad. “Nakaramdam ako ng isa pang pagtibok ng puso, isang kapangyarihan... hindi ako maaaring magkamali, buhay ang bata... nabuhay ito. At maaaring ang naramdaman ng mahal na prinsesa kanina nang bumaba ito sa karwahe ay sintomas ng pagbubuntis nito.” “Kung matatandaan ninyo sinabi ng mahal na prinsesa na nahihilo ito at naduduwal... mga sintomas ng buntis. Naramdaman ko rin ang mahika sa kaniyang sinapupunan... buhay ang bata,” sabi ni Maxis at tumingin ito kay Nathalia at sa mga naroon. “Buhay ang anak ng mahal na prinsesa!”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD