Chapter 36 “That btch!” Ibinato ni Hermiliah ang mga hawak niyang imbitasyon nang maalala ang naganap kanina sa kastilyo ng verthron. Ang plano niya talaga ay iabot ng personal kay Robin ang imbitasyon para sa nalalapit na selebrasyon para sa kaniyang anak. Ngunit hindi niya inaasahan ang ganoong reaksyon sa babae. Akala niya ay masasaktan ito ngunit kabaliktaran ang nangyari. Also, she changed, there’s something on her. Hindi niya matukoy kung ano iyon. Pero alam niya na may malaking nagbago dito. “Bakit mo inihagis ang mga imbitasyon, Hermiliah?” Nakahalukipkip siya habang tinitingnan na isa-isang pinupulot ni Johnny ang mga imbitasyon na hinagis niya. Isa na rin si Johnny sa nagbabantay sa kaniya. Mabuti iyon para sa kaniya dahil kakaiba ang nararamdaman niya sa tuwing si Marcu

